37.b

19 1 0
                                    


PAGKALABAS ko ay agad na tumulo ang luha ko. Nakatayo lang ako sa labas ng pinto namin. Nababaliw na ako, kanina hindi ako maiyak.

" Cesca, shhh " napalingon ako sa lumapit sa akin. Si Shanina.

" What happened ? " mas lalo akong naiyak.

" Doon tayo sa kwarto ni Mandy "

Nag doorbell si Shan. Oo may doorbell, hindi ko lang ginamit kanina dahil gusto ko syang mapikon.

" Oh ? anong nangyari sayo ? Pasok kayo "

" I texted Rhea and Liya to come "

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Ngayon lang nag-sink-in ang lahat.

" Ang sakit, Shan. Ang sakit sakit "

" What happened ? Bakit ka umiiyak ? " bungad agad ni Liya.

" Nag-away ba kayo ni Arthur ? " tanong ni Rhea.

Hindi ako umimik at patuloy lang umiyak. Hindi naman nila ako pinilit na magsalita.

" H-he confessed something. No, not a love confession. How I wish ? But no. He confessed about his past "

Nagsimula akong magsalita habang umiiyak. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagiyak.

Natapos akong magsalita ay tahimik pa din sila.

" I'm sorry, Ces. I know about his story but I didn't know that she's alive " gulat din na sabi ni Shanina.

" Hindi yan rason para paglaruan nya ang pag-ibig mo ! He's so selfish ! Inisip ka ba nya ?! Na nasasaktan ka nya ng ganito ?! " galit na turan ni Mandy.

Tahimik lang si Rhea pero alam kong magsusumbong yan kay Chrome.

" I ... I have another confession to make " hindi sila umimik.

" I guess I'm pregnant " nakayuko kong sabi.

" Paano mo nasabi ? " kalmadong tanong ni Rhea.

" Nagsusuka ako every morning, nahihilo din ako. kanina nagsuka ako in front of Arthur "

" Tangina naman, Cesca ! Inisip mo sana bago ka nagpabuntis kung mabibigyan mo ba sya ng kompletong pamilya ! Galing na ako dyan, mahirap ! Kita mo kung gaano ako nag struggle sa pagtaguyod ko kay Lexie ng mag-isa. Ang tanga mo ! " sabi nito at lumabas ng kwarto. Mas lalo akong naiyak.

" I'm sorry, guys. I'm so sorry. Hindi ako nag-iisip "

" Shhhh, makakasama sayo yan. Nag PT ka na ba ? " tanong ni Mandy.

" Halika, bili tayo sa baba. May Pharmacy dito " Suhestyon ni Shanina.

Pagkatapos naming bumili ay agad ko itong ginamit. Nasa kwarto pa rin kami ni Mandy.

Ako lang mag-isa sa banyo. Umiyak ako ng umiyak. Dalawang guhit. Positive. Natatakot ako dahil hindi nya ako kayang panagutan. Nakakaawa ang baby ko dahil may possibilty na lalaki syang walang ama.

Lumabas ako at ibinigay ko sa kanila ang dala ko.

" Oh my ! Congrats ! No matter what happened​, Blessing yan. Pamangkin namin yan. Tutulongan ka namin " Excited na sabi ni Shan.

Ramdam ko ang saya nila. Masaya naman ako pero malungkot dahil hindi ko maibibigay ang pamilyang buo sa kanya.

" Buksan ko lang " paalam ni Mandy. Iniluwa si Rhea na nakangiti na.

" Ateng, sorry kung nagpakatanga ako " agad akong yumakap sa kanya.

" Shhhh, I'm sorry kung nagalit ako. Ayoko lang maranasan mo ang naranasan ko " hinagod nito ang likod ko.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon