24

12 2 0
                                    


I WOKE up from a very peaceful sleep with my body warmed by the comforter wrapped around me. Hindi ko dinilat ang mga mata ko. Ninamnam ko ang sarap ng pagkakahiga ko sa kamang ito. Teka ... kama ? Sa sofa ako natulog kagabi. Agad kong idinilat ang mata ko. My clothes are still intact. Ang bag ko ay naiwan sa sofa. Ang sandals ko ay maayos na nakalagay sa sahig.

Umupo ako and let my eyes wander inside the room. Bumangon na siya. The other side of the bed is still slightly crumpled, an evidence that someone slept there. Humiga ako ulit at inamoy ang bango nyang dumikit sa unan.

Nasa ganoon akong posisyon ng bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa doon ang naka bathrobe na greek god. Nagpupunas ito ng basang buhok. Nakatulala ako sa kanya habang yakap ko ang ginamit nyang unan.

" what's with you and that pillow ? " Nagtatakang tanong nito na nakakunot na naman ang noo. Nangati tuloy ang kamay ko na abutin ang noo nya para planstyahin ang pagkakakunot noon.

" Ha ? Wala. Malambot eh. Parang ulap " agad akong umupo at umalis sa higaan.

" Salamat pala sa pagpapatulog mo sa akin sa higaang ito, sir. Ikaw po ba nag lipat sa akin dito ? Salamat po kung kayo ang naglipat sa akin "

" Tss. Wag mong bigyan ng meaning. Baka pumasok ang magulang ko at pagalitan ako dahil sa upoan ka lang natulog " namula ang tenga nito hanggang leeg at tinalikuran ako at pumasok ulit sa banyo. Napabuntong hininga ako at malungkot na napangiti.

I don't know what happened. Akala ko talaga tuloy-tuloy na ang pagiging sweet nya sa akin. He used to give me butterfly kisses when we were in the office. He handled me with care. Nandun na eh. Patikim lang pala. Umasa lang pala ako. Nag-assume. Ayan, nasaktan. Pero it doesn't mean na magagalit ako sa kanya at pipigilan ko ang nararamdaman ko. Mas mahirap yun.

After ng gabing iyon sa daan. Yung nasundan kami ng kapatid nya. Dumistansya na sya. Mas lalo pa ng tinukso kami ng kasal ng papa nya.

Lumabas na ako ng kwartong iyon pagkatapos kong maisuot ang sandals at makuha ang bag ko. Hindi ko na sya hinintay pang lumabas. Buti nalang talaga ay sabado ngayon at wala kaming pasok sa trabaho.

Namamangha ako sa bawat gamit, dingding, bubong, carpet, vase at kung ano-ano pang makikita sa bahay na ito. Ang yaman ! Kahit ang hagdan, ang kintab.

" Oh hi iha ! Good morning ! Come join us in the garden area. Naka handa na ang breakfast. I am just too happy seeing my son here. " Bungad sa akin ng mama nya ng maka baba ako sa hagdanan. Hinawakan pa nito ang kamay ko at bahagyang hinila sa daan na patumbok sa garden. Kung maganda ang sa loob. Maganda din dito. Ang lawak, promise ! May hammock sa ilalim ng dalawang malalaking puno ng acacia. May iba't-ibang nag-gagandahang bulaklak. Berde ang paligid. Well trimmed lahat. Ang aliwalas pa ng paligid. Well, kung isa kang Aguinaldo dapat lang na ganito ka-rangya ang bahay mo.

" Iha ? Halika na " hindi ko namalayan na napahinto na pala ako sa kinatatayuan ko at nauna ng maglakad si tita Cora. Nasa medyo gitna naka set ang breakfast table sa garden. Breakfast pa pero ang raming ulam. Well, the typical breakfast ulam. Itlog, hotdog, bacon, spam, may milk, tubig, plato, tinidor, kutsara, chos lang !

" Good morning iha. Nasaan na ang unico iho ko ? " Nakangising tanong ni tito Jestoni.

" Nasa itaas pa po ... Naku ! " Nanlaki ang mga mata ko.

" Bakit ? What's wrong ? "

" Hindi pa po ako naghihilamos at nag-mumumog " nahihiya kong sagot.

" Ay ano ka ba ! Ok lang yan. Maganda ka pa rin naman " sabi ni tita cora.

" Nakakahiya po talaga "

" Mabuti pa ay kumain na tayo. Wag mo yang problemahin. Walang kaso yan. Mauna na tayong kumain. Susunod din iyong si Arthur " sabi ni tito.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon