33

24 1 0
                                    


NANDITO na naman ako sa unit ni Arthur. Well, I invited myself in. Ayoko man sa ginagawa ko pero habang tumatagal ako sa arrangement naming ito mas lalo akong nagke-crave ng atensyon kay Arthur. Para syang droga na nakaka-adik. Habit forming.

Saturday, wala na namang pasok. Instead na makipag bonding ako sa mga kaibigan ko ay heto ako, isinisiksik ang sarili ko kay Arthur.

" Hey, busy ka ? " I texted him earlier na pupunta ako dito. And he allowed me pero pagdating ko dito ay isang halik lang sa pisngi at hug ang isinalubong nya at bumalik siya sa ginagawa nya sa laptop.

" I have some files to review and business proposals, too. I have to sort this out before I present this to my dad " sabi nito ng hindi tumitingin sa akin.

Nanonood ako ng movie. Comedy. Pero hindi ako natatawa. Nanliliit ako sa ginagawa ko. Kababae kong tao, naghahabol ako.

Sinulyapan ko sya at nakangiti itong nagtitipa. Pasimple akong tumayo at naglakad sa bandang likuran nya para kunyari magbabanyo ako.

Nanlumo ako ng makita kong FB ang pinagkaka-busyhan nya. Files and proposals my ass. He is looking at a picture. Yung babae sa party at si Arthur. After ng engagement ni Shanina. They were smiling cheekily at the camera. So happy to be reunited, eh ?

He is smiling while exchanging comments with the girl and at the same time they are chatting. Can't get enough of each other I guess.

Kanina pa ako dito at ganyan lang pala ginagawa nya. I checked if may mga naka minimize lang na ibang ginagawa nya pero tanging FB lang ang naka open.

Tumikhim ako. Lumingon sya at nagkanda-ugaga sa pag sarado ng laptop nya. I smiled at him habang sya ay nakakunot.

" What are you doing there ? Are you trying to peek with what I am doing ? What the hell ?! " Medyo nainis pa ito.

" Oa. Galing ako sa CR. Bakit ? Ano bang ginagawa mo ? Nanonood ka siguro ng porn no ? " Sabi ko sabay tawa.

" Tss. Upo ka na doon. Are you hungry ? Just order anything you like " umupo na ako ulit at sya ay balik sa fb nya.

I can't stand this anymore. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang laptop at isinarado.

Natigilan ito sa ginawa ko.

" What are you doing ? " nakangisi ito pero alam kong napikon ito.

" Babe, I went here to spend some time with you pero puro ka trabaho " umupo ako sa lap nya at ikinawit ang braso ko sa leeg nya. He caress my arms and looked at me. Bumuntong hininga ito.

" I'd love to spend some time with you but this thing is important. I'm sorry kung hindi kita napapansin kanina " sabi nito pero panay ang sulyap sa laptop na nakasarado. I started to nuzzle on his neck.

He caress my back and he touched my neck. Inangat nya ang mukha ko at ginawaran ng mga malalalalim na halik pero sandali lang dahil nagsalita ito.

" Cesca, I still have to finish this. Next time babe " sabi nito at kumindat pa sabay abot ng laptop kaya tumayo na ako.

Bumalik ako sa pwesto ko at kinuha ang phone ko. I texted Chrome to fetch me.

Sorry, I can't. I'm in the office. Ipapakuha nalang kita sa secretary ko.

Haaay, busy din sya pero kailangan ko ng alibi para umalis. Iteneks ko sa kanya ang kinaroroonan ko.

Alam ko. Nanglilimos ka na naman dyan. Itigil mo na yan. Ang pangit tignan.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon