18

22 2 0
                                    


I'M still having a good sleep ng may yumugyog sa akin.

" Gising na uy ! Nakahilata ka pa dyan " sino ba tong bwesit na ng gigising sa kanya ?

" Ano ba ?! Natutulog yung tao eh ! Magpatulog ka ! "

Mas lalo pa akong nainis ng biglang nag-liwanag sa paligid. Kaya tinakpan ko ng unan ang mukha ko at bumalik sa pag-tulog. Wala akong masyadong tulog kasi iniisip ko si Arthur bebelabs ko huhu. Ang unfair kasi ako nag-iisip sa kanya pero sya masaya sa piling ng iba.

Dahil sa frustration ko ay padabog akong bumangon at nilibot ang mata para hanapin ang ng gising sa akin. Naka-upo ito sa gilid ko at nag-hahanda na ng gamit.

" Bangon na dyan. Aalis na tayo. Alarm ng alarm yang cellphone mo pero kami ang nagising at hindi ikaw "

Hindi na ako naghanda ng gamit ko kasi hindi ko naman ito nilabas sa mga bagahe ko kagabi. Naligo nalang ako at nagbihis.

I'm wearing a faded maong high-waist shorts showing my long perfect legs. Perfect talaga. Pinarisan ko iyon ng crop top blouse na kulay black. Nagluluksa ako eh. Hinanda ko na rin ang susuotin kong shades mamaya. Mamaya pa kasi madaling araw pa naman. Alas dos pa ng umaga. Sa Radisson Blu kasi kami nag check in.

Habang naghihintay ako ay nag-lalaro muna ako sa cellphone ko.

" Cesca, bili ka ng coffee sa baba please. Wala ka namang gagawin na eh " utos sa akin ni madam bertud.

" Pera ? Ilibre mo ako at si Mandy " inilahad ko ang palad ko sa harap nya.

Nagdadabog at pabulong-bulong itong kumuha ng pera sa wallet nito.

Agad akong bumangon at naglakad palabas.

Hindi na ako tumingin pa sa palibot dahil napakatahimik ng hallway. Dinig ko na pati pag-hinga ko. Jusko lord, baka may conjuring na magpakita sa akin. Wag naman sana. Tahimik akong nag-dadasal ng taimtim sa aking isipan na sana wag mangyari ang aking ini-isip.

Natigil ako sa pagdadasal ng may marinig akong mga yabag ng paa na kung aking pakikinggan ay galing sa bandang likod ko. Mas binilisan ko pa ang lakad ko at mas piniling wag ng lingunin. Bakit ba kasi mahaba ang hallway nito.

Mas malapit na ang nakasunod sa akin at napasigaw na ako ng may mag-salita.

" Don't shout. It's just me " malamig nitong sabi.

" A-akala k-ko po kasi ay may multo ng nakasunod sa akin "

" Sa edad mong yan kung ano-ano ang pinapaniwalaan mo "
Ang aga-aga ang suplado. Haaay Arthur ! Bahagya itong lumagpas sa akin at naunang mag lakad pero malapit lang sya sa akin kaya naglakad ako sa tabi nya.

" Where are you going ? "

" Bibili ako ng coffee naming tatlo. Kayo po sir ? "

" Same "

" Gising na po ba si ms. Shanina ? "

" Kanina pa " urghh ! Nakakainis. Ang iikli ng mga sagot nya.

" Bibilhan mo rin ba sya ng coffee ? "

" No. She's not used to drinking coffee in the morning. Mas gusto nya yung hot choco " psh ! Topic kay ms. Shanina lang pala ang makakapag-salita sa kanya ng mas mahaba.

Pinapasok nya ako ng una ng marating namin ang elevator. Awkward na naman kasi nakatalikod ito sa akin at nakaharap ako sa likod nya. Pero ok lang nakikita ko naman ang mukha nya sa salamin na pinto ng elevator.

Pagdating namin sa 5th floor ay may sumakay na lalaki. Matangkad. Foreigner. Gwapo rin pero halatang presko at maypagka manyak. Deadma lang ako ng pumwesto ito sa tabi ko.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon