Nadatnan ko ang mama ko na nagkakape na at nag aalmusal. Day-off ko ngayun kaya dito lang ako sa bahay." Good morning ma " mahina kong sabi sa kanya at humalik sa pisngi nya. Tumango lang ito at hindi na umimik. Nagtatampo pa rin.
" kumain ka na para makapaghanda ka na para sa trabaho mo "
" day-off ko po ngayun ma "
" mabuti naman. magpahinga ka nalang. aalis ako mamaya para bumili ng ticket, may trabaho akong naiwan doon. " Tatayo na sana si mama pero pinigilan ko sya.
" Ma, napag-isipan ko po yung hiling nyo. Sa katunayan ma, nag resign na po ako first day of this month at mag te-take effect end of the month. May dalawang araw nalang ako kasi nga day-off ko ngayun. "
Napa-upo bigla si mama at ngumisi ng pagkalaki-laki.
" Talaga nak ?! sabi ko na nga ba eh, effective ang acting skills ko "
Natatawa at napapailing nalang ako sa tinuran ni mama.
" haaay naku, ma. buti nalang talaga ina kita "
BUONG mag-hapon kaming naglibot ni mama sa mall, kumain, at nanood ng sine.
" Maaaa, pagod na ako, masakit na paa ko. uwi na tayo, gusto ko matulog " yumapos ako sa braso ni mama na parang bata.
" tulog ka ng tulog ! hindi ka na nag bago, ginagawa mong hobby ang pag tulog "
" kung pwede pa lang sana ilagay sa resume yan, ma. Matagal ko ng nilagay " Natatawa nalang si mama sa akin.
Maaga rin kaming kumuha ng ticket papuntang manila.
Sabi kasi ni mama na bago nya ibigay sa akin lahat ng trabaho nya ay sasailalim muna ako ng isang buwan na training at sya lang din ang mag-tuturo.
Namili na rin kami ng mga office attires ko at mga sapatos. Hindi naman nakialam si mama sa gusto kong fashion kasi alam nyo na, yung mga gors (gorang) ang babaduy. Baduy ang mama ko kaya ayaw ko syang pumili para sa akin.
Sa hinabahaba ng oras namin sa mall, sa bahay pa rin ang uwi. Dios ko ! Ang sakit ng paa ko ! Itonh nanay ko inutusan pa akong hilutin ko ang paa nya.
" Diinan mo pa Cesca, ano ba yan. " Kinunotan ko si mama ng noo dahil hindi ito nakatingin. Nakasandal kasi ito sa sofa at nakapikit.
" aray ! galit ka ba dahil inutusan kita ? kusion ko ng bugan nimo ron ! (kurutin ko yang singit mo eh!) "
Sabi nya diinan tapos ngayun naman nasasaktan. Gaya lang yan sa love.
" oh tapos na ma, matutulog na ako " tumayo ako agad at dalidaling umakyat para hindi na makaprotesta pa si mama.
Ahhhh ! heaven ! ang sarap sa likod ng aking higaan. At buong puso kong e-sinurrender ang aking katawan sa mapang-akit na higaan at nagpatangay sa antok.
Fast forward tayo mga fret sa last day ko sa trabaho kasi excited ako. Hindi ko na makikita ang praning kong manager na kahit may customer ay bumibirit ng kanta kahit na ang panget ng boses nya, kasing panget nya.
" yes ! yes ! yes ! yesssssss !!! five minutes nalang !!! out na tayo, unemployed na naman akoooo ! "
sigaw ko dahil sa saya ko at dahil walang customer na pumapasok kasi malakas ang ulan sa labas. Buti nalang girl scout ako sa araw na ito. Sa araw na ito lang kasi hindi ako nagdadala talaga ng payong. Ngayon lang dahil last day ko sa werk werk werk werk werk werk.
" para ka talagang baliw dyan Cesca. Tatahimik na itong pharmacy dahil aalis ka na. wala na akong kachikahan dito " nagsesenti na saad ng aking PA (Pharmacy Assistant) na si Ava. Isang taon lang ang tanda nya sa akin.
" ang oa mo ! mag-re-resign ka rin naman after two months. tiisin mo muna yang monster mom natin dito. Chaka na nga yung voice pati ang face, ang chaka pa ng attitude. hmp ! "
" tomooo ! buti pa tayo kahit na medyo may kachakahan itong ating pag-uugali ay hindi mo naman maikakaila ang kagandahang taglay natin ! Isang apir nga dyan, fret ! "
Para kaming baliw na nagtatawan. Hindi kasi kami naririnig ng manager namin dahil nasa loob sya ng opisina nya, soundproof kasi at isa pa, busy yun sa pag-e-FB.
Sa wakas ay naka-uwi rin. Nagmumuni-muni ako sa higaan ko at muling inisip ang desisyon ko na mag rotate 360 degrees sa ibang propesyon. Padalos-dalos ba ? Siguro. Para sa inyo, Oo. Para sa akin hindi. Nangako ako. Nangako ako sa kanya na pag-nawala sya ay darating ang panahon na ako na ang magtatrabaho para sa aming dalawa ni mama. Ito na iyon. Hindi na magpapakahirap si mama. Kaya tutuparin ko yun dahil ito lang ang paraan para mahinto si mama sa work nya at para ako na lang ang magtrabaho.
God, guide me in all the decisions I've made and will going to make.
******
UNEDITED
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine
Ficção GeralFirst timer sa pag-ibig pero ang lakas ng loob 'manglandi' pero excuse ba yun para magpakatanga ? Kahit obvious naman na pampalipas oras ka lang. Maganda nga, medyo matalino pero bobo sa love. Sa lahat pa ng pinangarap, yung boss pa. Ang tayog ng pa...