SUNDAY ngayon and sunday is God's day. I looked at the clock beside me, may time pa para mag prepare for mass.Akma na sana akong tatayo ng maalala ko na may kasama akong natutulog sa sala sa ibaba. With all the nerves spiking up, biglang nabuhay ang katawang lupa ko. Lakad takbo ang ginawa ko para marating agad ang ibaba. Huminto ako sa gitnang bahagi ng hagdanan at sinuklay ang buhok ko. Hindi na ako nakapag hilamos at toothbrush pa pero bahala na si batman.
Normal na akong naglakad pababa para hindi mahalata ang excitement ko.
Kung gaano ako ka-excited kanina ay ganuon din ang panlulumo ko na ang tanging nakita ko ay ang nakatuping kumot nalang at ang tasa ng kape na nandun pa rin. Buti nalang pala hindi ako nag toothbrush, wala naman palang aamoy. Lumapit ako sa sala at umupo. Kinuha ko ang kumot at inamoy-amoy ... hmmm, amoy baby ! Yinayakap ko ang kumot ng mapabaling ako sa tasa, may nakadikit na note sa katawan nito.
" thank you for last night and sorry if i have to leave early. Be careful and always lock your doors at night. Tita Natasha won't be home any time sooner.
P.S your effort wasn't put to waste. Caffeine is a good idea to start the day right.
- Arthur
Sa nabasa ko ay mas lalo akong ginanahan na mag simba. Napatayo ako bigla at napa running man moves.
Maganda ang mood ko kaya mabilis akong kumilos. Tapos na akong kumain, magligpit ng pinagkainan, magligpit ng higaan, maligo at magbihis.
Tinitignan ko ang kagandahan ko sa salamin ng tumunog ang cellphone ko.
Amazing Rhea calling....
Masaya ko itong sinagot with a very high energy.
" hello ateng ! morning ! anong atin ? "
Natigilan ako ng marinig ko ang hikbi nito sa kabilang linya.
" Rhea bakit ? anong nangyari ? "
Paputol-putol ang pagsasalita nito dahil sa pagiyak.
" saang ospital ? pupunta ako dyan "
Dali-dali akong kumilos at kumuha ako ng malaking bag at linagyan ko ng mga damit ko, kumot at maliit na unan.
Dumaan ako sa isang grocery store para bumili ng mga prutas at tubig at dumaan din ako sa isang kainan para bumili ng pagkain namin.
Nakarating ako sa ospital na sinabi ni Rhea sa akin. Nagtanong ako sa information kung saang room sila Rhea.
Nang marating ko ang room ay si Rhea lang mag-isa ang nagbabantay habang nakayuko ito sa higaan at tulog.
Marahan ko syang tinapik upang gisingin at naawa ako ng makita ko ang itsura ni Rhea. Her eyes are swollen with big circles under. Pale face and rumpled hair.
Nang makita nya ako ay agad nya akong yinakap at umiyak.
" shhh, baka magising ang baby mo, how is she ? " naiiyak akong nakatingin sa bata.
Kumalas si Rhea ng yakap at linapitan ang anak at hinaplos ang buhok nito.
" sabi ng doktor na kailangan nya masalinan ng dugo, A+, may kakilala ka ba, Cesca ? " tumingin ito sa akin na may halong pag-asa at lungkot ang mata.
" A+ ako kaso I am anemic. I'm sorry, Rhea " I said sadly.
" Wag kang mag sorry. Ok lang yun, makakahanap rin ako ng donor "
" I'll ask my friend kung may kakilala sya " I'm talking about Chrome, total marami yung connections.
I made a mental note to call Chrome later.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine
General FictionFirst timer sa pag-ibig pero ang lakas ng loob 'manglandi' pero excuse ba yun para magpakatanga ? Kahit obvious naman na pampalipas oras ka lang. Maganda nga, medyo matalino pero bobo sa love. Sa lahat pa ng pinangarap, yung boss pa. Ang tayog ng pa...