9.a

46 1 0
                                    


DATING gawi. Maaga pa rin akong nagising ngayon. 6:00 AM pa rin ako aalis. Natutulog pa si mama. Nakakainis talaga to si mama at si Mr. Aguinaldo, sinadya pala talaga nilang doon papuntahin si Arthur sa 21st floor at plano rin nila na ako ang tumawag sa kanya. Kasalanan talaga ng dalawang gors na yun kung bakit ako bad shot sa baby labs ko.

Tumawag na ako ng taxi gamit ang app na uso sa pagtatawag ng taxi ngayon. Yung Crab, uso ngayon yan. Di rin nag tagal ay dumating agad ito.

Ayaw kong maging haggard sa paningin ng baby labs ko noh. Dapat bumawi ako sa nangyari kahapon. I am wearing a skinny type black slacks and paired it with a black pullover top.

Actually, may designated uniform kaming mga empleyado. Pero since bago pa ako, on the process pa ang uniform ko. Ang uniform namin every other day ay shifting from red to navy blue. Bale, may isang pair ng red uniform at may isang set din ng navy blue uniform. All female employees are required to wear skirt for the reason that it is more elegant to look and not because it shows some skin. Sa department lang namin yan. Para kaming flight attendants minus the the cap and the luggage.

Sa 19th floor ay ang engineering department at ang uniforms naman nila ay any long sleeves polo and black slacks pero may two days na wash day ang lahat ng empleyado maliban sa akin at ni Rhea at ang sinusuot nila ay ang polo shirt na black na may pangalan ng kompanya at ang department na belong sila, paired with maong pants. Kasama ang engineering sa Research and Development department. Together with them are Architects and Interior Designers.

Sa 18th floor naman ay ang mga call center agents, yes, meron, since nag bebenta rin ng mga airplanes, jets, yate, at cruise ships ang kompanyang ito, their role is to generate sales to foreign buyers. Maliit lang ang department ng mga CCA. Sila ang parating nagsusuot sa black polo shirts na uniform ng kompanya.

All black ang peg ko ngayon kasi may kasabihan sa ingles na : You can't go wrong with black.

Madali akong dumating sa opisina dahil walang masyadong traffic kasi maaga pa.

Tulad ng dati ay nagbatian kami ni Mang Tunying pagkatapos kong mag login.

Pagkalabas ko sa elevator sa aming floor ay tumunog din ang Elevator na ginagamit lang ng mga big boss.

Iniluwa nun ang napakagwapo kong baby labs. Nakatayo ako sa harapan ng pinto ng sinakyan nitong elevator at nakatulala.

" Ms. Borromeo " ayy ! ang ganda pakinggan para akong tinatawag ng anghel.

" yes, pooo ? " mahina kong tugon na parang nananaginip pa.

" Why are you smiling ? " nalukot ang mukha nito pero gwapo pa rin.

" hmmm ? " lutang ko pa rin na sagot.

" Ms. Borromeo ! " matigas nitong tawag sa akin at doon ako nabalik sa earth.

" Good morning, sir ! Sorry for blocking your way " agad akong tumabi at pinadaan sya.

Walang lingon likod nya akong iniwan at nag tuloy-tuloy sa opisina.

Yes ! may moment pa kami kasi kami pa ang nandito.

Maingat kong inilapag ang mga gamit ko sa pwesto ko kahit alam kong hindi nya naman yun maririnig.

Alam nyo, ang gwapo nya sobra ! He's wearing a blue three piece suit.

Pasimple ko itong tinitignan sa loob ng glass room. Nagbabasa ito ng mga papeles at the same time ay tumitingin sa laptop. Multitasker ang baby labs ko.

Tinignan ko pa sya ng mga ilang minuto bago nagpasyang mag simula nalang din sa aking trabaho kahit wala pang 7:00 am.

Sa kalagitnaan ng aking trabaho ay nagpasya akong tumayo para mag-CR. Tinignan ko ang orasan at 7:30 na pala. Lumapit muna ako sa glass room para magpaalam. Parati akong nagpapaalam kahit noon pa kay Mr. Aguinaldo ng personal kasi ako ang sekretarya at baka magtaka sila kung bakit bigla akong nawawala ng hindi nagpapaalam.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon