13

42 1 0
                                    

HAVING baby Lexie in the house makes going home much exciting. Gaya ngayun. Agad akong lumapit sa kanya habang karga sya ng nanny nya.

" Hello babyyyy ! na miss mo ba si tita ganda ? .... ayuun, ang ganda ng smile ! " nakahawak ako sa kamay nito habang inaaliw ito. Ayaw ko muna syang kargahin dahil hindi pa ako nakapag-palit.

" Hi Reign ! Kamusta kayo dito ? nakapag meryenda ka na ba ? " bati ko sa nanny ni Lexie. Tatlong araw na rin itong nanny ni Lexie at stay in din ito dahil may extra room kami sa baba.

" ay, opo maam, ok lang po kami at nakapag meryenda na rin po ako pati si Lexie " nakangiting sagot nito.

" wag kang mag 'maam' sa akin o kay Rhea, ate nalang itawag mo sa amin " she's just 21.

" ok po ate "

" and call me tita " biglang sabat ng bagong dating in a singsong way kaya napalingon kami.

" Maaaa ! " tumakbo ako sa may pinto at niyakap si mama.

" Ma, nakakamiss ka rin pala " sabi ko at hinalikan ito sa pisngi ng matagal.

" anong 'ka rin pala', umayos ka " banta ni mama.

" pasalubong ma ? "

" diay kumo oh (heto, may kamao) " ipinakita pa nito ang kamay na nakakuyom.

" joke lang ! "

Naglakad ito papuntang sofa at umupo.

" halika baby Lexie, lapit ka kay momila " binigay naman ni Reign agad ang bata kay mama.

Linaro-laro ito ni mama at aliw na aliw naman si Lexie.

" Reign, taga saan ka iha ? " nakangiting tanong ni mama.

" Taga bohol po ako pero nag punta ako dito para hanapin ang mama ko. Namasukan din kasi sya pero wala na kaming balita sa kanya dalawang taon na "

" naku, nasaan na kaya ang mama mo ? wag kang mag-alala, i-report natin yan sa pulis, tutulongan ka naming hanapin ang nanay mo " nakangiting sabi ni mama.

" talaga po ? salamat po ! "

" ah, Reign, pakikuha nga sandali si baby kasi may kukunin ako sa bag ko at pwedeng doon muna kayo sa kwarto ni Lexie sa itaas ? "

Agad na nagkalkal si mama sa loob ng bag nya ng makuha na sa kanya si Lexie.

" heto, sayo to " may ibinigay na pahabang box na kulay itim si mama.

Tinanggap ko iyon at binuksan. Nanlaki ang mata ko sa nakita. A whitegold necklace with a raindrop pendant.

A raindrop of Larimar, framed with high polished sterling silver is at the bottom of the drop. The rest of the elongated pendant is covered with blue spinel and it dangles from a small sterling silver raindrop bail, also encrusted with blue spinel.

I looked at my mom and a tear immediately fell. Sa hinaba ng panahon ngayon lang ulit ako nakatanggap ng regalo galing kay mama. Panay pera kasi ang bigay ni mama sa akin. Lumapit ako kay mama at yinakap sya.

" Thank you ma " sabi ko habang nakayakap sa kanya.

" No, thank your father. When he was still alive, he designed a necklace for you ... but he was not able to give it to you. Just recently, nagpunta kaming Cambodia kasama ang mag-asawang Aguinaldo. There is a jewelry manufacturer there and they offer to make their customers' design come to reality. Lagi kong dala ang sketch ng papa mo. Mahal pagawa nyan kaya ingatan mo. Pero mas ingatan mo yan dahil simbolo yan ng papa mo " teary-eyed na rin si mama.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon