ILANG araw na akong hindi pumapasok. Pang-apat na araw na. Nagkukulong lang ako sa bahay. Hindi ko rin hinaharap ang mga kaibigan ko. Wala lang, ayoko lang makakita ng tao at umiiwas din ako kay Arthur. Mas lalong bumigat ang loob ko ng hindi man lang ako tinext nito.Nagmumuni-muni ako ng mag ring ang cellphone ko. Unknown number. Sino ba ito?!
" Hello " walang sigla kong sagot.
" iha, what happened ? hindi ka raw lumalabas ng bahay ? may masakit ba sayo ? nahihirapan ka ba sa lagay mo ? sabihin mo lang " si tita cora. bigla ay na miss ko si mama.
Bigla nalang akong umiyak. Hagulgol ang sagot ko sa tawag ni tita.
" iha naman. wag kang ganyan. kinakabahan ako sayo eh " halata sa boses ni tita na naiiyak din ito.
Iyak pa rin ang sagot ko sa lahat ng kanyang sinabi.
" pupuntahan kita dyan sa bahay mo, ok lang ba sayo ? "
Suminghot muna ako bago sumagot.
" ok lang po ako, na miss ko si mama ng marinig ko ang boses mo "
" punta ako dyan. ok lang ba ? "
Pumayag na din ako.
Ilang oras ang lumipas bago ako nakarinig ng doorbell. Agad ko itong binuksan.
" Iha, I'm so worried about you " sinalubong ako ng yakap ni tita cora.
" tita, gusto kong magpakalayo muna " agad kong sabi.
" pero, iha. iba nalang hingin mo wag lang ang lumayo "
" sandali lang naman po, gusto ko lang tumakas sandali at mapag-isa. Yung walang makakahanap sa akin. Yung ako lang at walang nakakakilala sa akin "
" Papayag ako sa isang kondisyon "
" ano po iyon ? "
" sa islang binili ko para sana sa mga magulang ko ikaw tutuloy. May bahay ako doon, yun ang takbuhan ko kapag stress ako. Walang ibang makakapasok doon ng walang permiso ko. Mahigpit ang seguridad doon. Kahit asawa ko at mga anak ay hindi makakapasok kapag hindi ko pinayagan "
" Yun lang po ba ? ok po ako dyan "
" Hindi lang yun, gusto kong magtrabaho ka muna sa opisina sandali kahit isang buwan, paramdam mo kay arthur na ikaw na ang para sa kanya, wag mong masyadong kausapin, tahimik mo lang syang alagaan pero wag mo gawing palihim, pamukha mo sa kanya na ikaw nandyan, yun bang, bahala na "
Napa-isip ako.
" Yun ang kondisyon ko, sapat na iyon para maipahanda ko ang titirhan at mga kailangan mo sa isla "
" S-sige p-papayag ako. Saan po ba ang islang ito? "
" Sa siquijor " bigla akong na excite. I've always dreamt of going to this beautiful place.
" uhhm, tita. gusto ko lang pong sabihin na two days ago ay nagpa check up na ako. I am running two months already " teary-eyed kong sabi.
" oh iha ! You just don't know how happy we are ! " hinawakan nito ang aking mga kamay ng mahigpit habang halata ang tuwa sa mukha.
" Thank you po sa lahat ng suporta. Uhmm ... si .... Si Arthur po, ok lang ba sya ? "
" I don't know what to do with that child anymore. We had a family dinner yesterday. They're talking about business so I butt in coz it's not time for business, it's for the family. I told them you were doing fine at halata sa mukha nya ang relief. I know he's worried about you but he's just too proud to ask. He's confuse iha. Palagi syang may lakad these past few days to meet an old friend, matagal nya na daw itong hinahanap"
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine
General FictionFirst timer sa pag-ibig pero ang lakas ng loob 'manglandi' pero excuse ba yun para magpakatanga ? Kahit obvious naman na pampalipas oras ka lang. Maganda nga, medyo matalino pero bobo sa love. Sa lahat pa ng pinangarap, yung boss pa. Ang tayog ng pa...