NAGISING ako sa lamig na nanunuot sa aking kalamnan. Agad kong binalot ng maigi ang katawan ko ng kumot pero hindi pa rin maalis ang lamig. Bahagya pa akong nanginginig. Hinayaan ko nalang dahil wala akong lakas para bumangon at ang diwa ko ay inaagaw ng antok." Cesca ! Buksan mo ang pinto ! " may sumisigaw pero wala akong lakas na bumangon at magising. Hindi ko naman inilock ang pinto ng pumasok ako. Baka inilock ni Rhea.
Isang malakas na katok ang narinig kong sunod na ginawa. Kayo nalang magbukas, utang na loob ! bulong ko sa isipan ko. Agad kong namulat ang mata ko ng isang malakas na pwersa ang sumira sa pinto. Nakahiga pa rin ako at muling pumikit. Ang init ng pakiramdam ko.
" Cesca, wake up " minulat ko ang mga mata ko at tumambad ang mukha ni Simon.
" nanginginig ka. Gusto mo bang dagdagan ko ang kumot mo ? " kalmadong tanong ni Simon.
Umiling ako. Maaabala pa sila.
" Paki patay nalang ng aircon " namamaos kong sagot.
" Cesca, naka off na ang aircon " sagot ni Rhea na naka-upo sa may paanan ko.
" Ok. Hayaan nyo na ako. Mag-nap din kayo para makapagpahinga na kayo. Ayos lang ako "
" Pasado ala una na, Cesca. Kakain na tayo. Nauna ng kumain sina sir Arthur at ang iba. Tayong tatlo nalang. Natulog din kasi ako at ng magising ako ay naisipan kong puntahan ka kaso hindi ka sumasagot, kanina pa ako katok ng katok, kinabahan na ako buti nalang lumabas si Simon sa kwarto nya kaya nagpatulong ako sa pagbukas " kwento ni Rhea. Nakapikit ako habang nagsasalita sya dahil ang bigat ng talukap ko.
" Sige na Cesca bangon na. Kaya mo ba o gusto mo dito nalang kumain ? " Tanong ulit ni Simon.
" Babangon ako. Wag nyo na sabihan ang iba na nilagnat ako. Kasalanan to ng sea urchin na yun eh "
" Sabihin mo sakitin ka talaga pag nagkasugat ka ng malubha. Sige na, bangon na kung ayaw mong gawin kang baby namin " alam kasi ni Simon na ayaw kong inaalagaan. Nagpapatulong ako pero gusto ko ako pa rin nag aasikaso sa sarili ko. Nasanay na kasi ako.
Inalalayan nila akong makatayo. Inayos ko ang suot kong shorts na two inches above the knee at ang t-shirt kong itim na medyo na gusot na.
Napaupo akong muli ng umikot ang paningin.
" Sure ka ba talaga na kaya mo ? Sa itsura mo kasi parang hindi " naka kunot ang noo ni Rhea habang nag-sasalita.
" Hayaan na natin sya Rhea. Matigas ang ulo nyan. Ganyan yan. Nasanay na ako sa babaeng to " Napapailing nalang si Simon.
Tumayo ako ulit at salamat sa diyos na hindi na ulit umikot ang paningin ko. Dala lang guro yun ng matagal kong pagkakahiga.
Pagkababa namin ay nag-mi-meeting sina Arthur, Shanina, Mandy at ang team ng kompanya namin na na-assign sa proyektong ito.
Tahimik kaming dumaan. Kumaway si Mandy sa amin na naka agaw ng pansin ni Shanina.
" Hi Rhea, Simon and Cesca ! Ok na ba ang paa mo ces ? "
" Ok na Shan. Hindi na masyadong masakit. " Nakangiti kong sagot na kahit ang totoo ay paika-ika pa rin ang lakad ko. Napatingin ako kay Arthur na hindi man lang tumingin. Duh ? As if importante ka para lingonin ? Oo nga pala.
Tumango naman yung ibang kasama namin na kameeting nila bilang pagbati.
" Cesca, you look pale ? " Sabi ni Mandy. Bigla akong kinabahan dahil ayaw kong mapansin nila na may sakit ako.
" H-ha ? Ano... "
" Hindi kasi sya naka lipstick. Kagigising lang kasi namin " nakangiting sagot ni Rhea.
BINABASA MO ANG
You'll Be Mine
General FictionFirst timer sa pag-ibig pero ang lakas ng loob 'manglandi' pero excuse ba yun para magpakatanga ? Kahit obvious naman na pampalipas oras ka lang. Maganda nga, medyo matalino pero bobo sa love. Sa lahat pa ng pinangarap, yung boss pa. Ang tayog ng pa...