16

14 1 0
                                    


I woke up with a throbbing head. Nagiging lasengga na ako. The first thing I checked is the clock on my side. Ay, 7 am pa pala .... Wait ! 7 AM NA ?!

Kahit na nahihilo pa ay agad akong tumakbo sa banyo at naligo. Si Reign at baby Lexie nalang ang naabutan ko dahil naka-alis na pala sina mama at Rhea. Hindi man lang ako ginising. Hindi na ako kumain pa dahil mas magiging late pa ako.

Hindi ko na inayos ang pagkasuklay ng buhok ko at agad lang itong pinusod into a messy bun. Tinakbo ko na ang bukana ng aming village at agad na ng harang ng taxi. Harang talaga ang ginawa kong yun.

Hindi ko na nabati sina kuyang guard dahil tinakbo ko na ang elevator at nirape ang button nito.

Pagkarating ko sa floor namin ay hinihingal na ako.

" Cesca ! Ayos ka kagabi ah " natatawang sabi ng kasamahan kong lalaki. Tinignan ko lang ito ng nagtataka.

" Sama kami minsan cesca " sabi ng ibang kasamahan naming babae.

Hindi ako nakasagot kasi wala akong alam. Ano ba pinagsasabi nila ?

Wala si Rhea sa pwesto kaya tumuloy nalang ako sa loob ng office. Tahimik akong pumasok. Hinihilot ko pa ang ulo ko. Hindi ko binigyan ng pansin ang paligid ko kaya nagulat pa ako ng may magsalita.

" Oh, Cesca ! You're here already "

" Ay anak ng baka ! " Gulat kong turan sa nag salita. Si Mr. Aguinaldo pala. Napatingin ako sa gawi niya or nila. Tinignan ko sila isa-isa. Nandoon si Rhea, mama, Mr. Aguinaldo, Ms. Shanina at Arthur.

" Hoy, lumabas ka ng bahay na ganyan ang itsura mo ? Hindi kaba nasita or nahiya man lang ? " sita sa kanya ni Rhea. Kung maka 'hoy' naman to.

" Cesca, mag-ayos ka " utos ni mama.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Ano ba pinagsasabi nila ?

Tinuro ko ang CR bilang sinyales na papasok ako doon. Tumango naman si mama.

Tumingin ako sa salamin at muntik ng napasigaw.

Para akong sinabunotan ng pitong bruha, ang itim pa ng eye bags ko, ang putla ko, namamaga pa mata ko. Dios ko, lamunin sana ako ng dingding. Nakakahiya itsura ko. Nakita pa ni Arthur at nandyan pa si ms. Shanina. Wala na. Wala na talaga akong laban.

Sinuklay ko ang buhok ko at nag apply ng lipstick. Hindi ako mahilig mag lagay ng foundation or concealer dahil makati sa mukha. Kaya ang ending, labas pa rin ang eye bags ko.

" Yan, mukha ka ng tao. Medyo " komento ni Rhea na nakangiwi parin na nakatingin sa akin.

Ayaw ko syang patulan dahil masakit ang ulo ko at kumukulo tyan ko sa gutom.

" Cesca, lapit ka nga dito "

Lumapit naman ako kay mama.

" Anong nangyari sayo kagabi ? "

" Ha ? Ano ba pinagsasabi nyo ? Yung mga tao din sa labas ang weird. "

" Wala ng mas weird sayo " natatawang salita ni Rhea.

" You're so cute when you're drunk, cesca. Boyfriend mo ba yun ? He's hot " nakangiting sabat ni ms. Shanina at kumindat pa.

" There's nothing cute about it " malamig at naiinis na tugon ni Arthur. Hindi ko sya pinansin.

" Anong boyfriend ? Drunk ? Ak--- bakit nyo alam ?! " Medyo tumaas ang boses ko at napadako ang tingin ko kay Arthur who is obviously mad and is giving me his most disapproving look.

" Anong ginawa mo Rhea ? " If looks could kill, matagal ng nangisay si Rhea. Ipinakita ni Rhea ang picture ko kasama si Chrome. Napahawak ako sa sentido ko dahil mas naging malakas ang pitik nito na mas lalong nagpasakit ng ulo ko. Hinilot ko iyon.

You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon