Chapter 10

3.2K 63 0
                                    

Para akong ilang beses sinampal dahil sa sinabi nya. At hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako. Ganito na ba ako kamanhid na hindi ko man lang kayang ipaglaban ang sarili ko?

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang palad ko at niligpit na ang pinagkainan ni Zian at hinugasan na rin. Pero hindi parin tumigil sa pagbagsak ang mga luha dahil maging naghuhugas ako ng pinggan ay umiiyak parin ako.

Nung natapos na akong maghugas ng pinggan ay natagpuan ko syang nagbabasa ng libro. Pasimple na lang akong umupo sa sofang medyo malayo sa kanya at pinagmasdan ko sya habang nagbabasa nang biglang nagvibrate ang phone ko dahilan para tumayo ako at sagutin ito, pumunta ako sa may sulok para dun na lang sagutin ang tawag dahil baka magalit pa sakin si Zian dahil nagbabasa sya.

"Hello, Dc, kumusta?" nakangiti kong panimula.

Kung hindi ko pa nasasabi ay business partner ko si Dc at nung nakakaraang buwan lang kami nagsimula nagpagawa ng restaurant. Nung mga bata pa kasi kami nangarap kaming magkaroon ng restaurant, hindi man hrm ang kinuha nyang course at kahit business ad ang kinuha nya ay naging malaking tulong na rin ito para masimulan kahit papaano ang pangarap naming magkaibigan.

(How's my bestfriend doing?) ramdam mo ang saya sa kanyang boses. Sana ay masaya sya hindi kagaya ko, malungkot.

"Akia, I have to tell you something" sa hindi ko maintindihang dahilan ay nakaramdam ako ng kaba sa sinabi ni Kylie. Nilapitan nya ako at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

"Is something wrong,Ky?" tumungo na lang sya at umiling iling.

"Akia, it's been a year nung kasalin ka diba?"  hindi parin sya nag-aangat ng mukha nya pero ramdam na ramdam ko ang bigat at lungkot sa kanyang boses.

"Oo, bakit?"

"Masakit mang aminin pero Caleb still loves you. Not just a friend but more than a friend" natigilan ako sa aking narinig.

"Please. Ky, ayoko ng masaktan pa sya. Please, ikaw na ang bahala kay Dc, ayokong manatili pa sya sa nakaraan, I want him to be happy"

Bigla akong natigilan at agad napawi ang mga ngiti ko sa labi ng maalala ko yon.

(Akia, are you okay?) bigla na lang akong nabalik sa kasalukuyan ng marinig ko ang lungkot sa boses nya. Umiling iling ako.

"Dc ... tell me naka move on ka na ba talaga sakin?" naramdaman kong nanginginig ang mga tuhod ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Paano na lang kung ---

(A-akia ...)

Nauubusan na ako ng pasensya. "Just answer me. May nararamdaman ka pa ba para sakin?" hindi ko na napansin na medyo napalakas pala ang boses ko and the next thing I know was narinig ko na lang na pabalibag na sumara ang pinto. Hindi ko na lang pinansin yon at hinintay ko na lang ang sagot ni Dc.

(Kung aaminin ko ba sayo, magagalit ka ba? Kung sasabihin ko ba sayo? Pipigilan mo ba ako? Akia, it's been a year at sa loob ng isang taong yon ay hindi napakadaling maka move on. Please wag ka ng mag-alala dahil napapansin ko ng matatanggal ka na dito sa puso ko dahil sinisimulan ko ng iukit ang pangalan ni Kylie dito"  napangiti ako sa narinig ko.

"Salamat, Dc"

(You're welcome dahil alam mo naman kung gaano ko pinahahalagahan ang friendship natin diba?)

"Oo naman" at napangiti ako.

------

Clark Zian Auer's Pov

"Ano namang pumasok sa isipan mo at naisip mong pumunta dito sa may gilid ng dagat" Hindi ko na lang nilingon si Darren at nanatili lang akong nakatungo.

Ayokong sabihin itong nararamdaman ko pero at the same time ay gusto kong ilabas ito.

"Tol, may problema ba kayo ni Akia?" tanong sakin ni Ethan habang inabot sakin ang can soda.

"Siguro. Hindi ko alam." naguguluhan kong sagot at pagkatapos ay napa-angat na lang ng tingin sa sky blue-ng kalangitan.

"Kahit kailan talaga napakagulo mo, hindi ko maintindihan kung bakit naging kaibigan pa kita" saad naman ni Jess habang sinusundan ang kakambal nyang si Thower na papunta na sa tubig.

"Kasi naman, bakit hindi mo na naman sabihin samin kung ano ba talagang problema mo, hindi yong lagi ka na lang tahimik at parang tanging mga libro na lang ang nakakaintindi sayo"  sabi naman ni Darren pagkatapos uminom ng soda.

"Ok sige, sumasakit na ang ulo ko sa katahimikan ni Zian kaya huhulaan ko. Tungkol ba ito sa kasal nyo ni Akia? Tungkol ba ito sa hindi kayo magkasundo o sadyang may ibang lalaking nahuhumaling kay Akia?" natigilan ako sa aking narinig pero hindi ko na lang pinahalata yon pero nagkamali ako dahil nahalata nila ako.

"So, ganun naman pala, eh bakit ka kumikilos?" tanong ni Thower na kadadating lang habang tumutulo pa ang tubig mula sa damit nya.

Nilingo ko lang si Thower at pagkatapos ay straight ko lang syang tiningnan.

"Dude, alam mo hindi naman bawal magsalita ah! Walang pumipigil sayo. Pwede mo namang sabihin samin" para akong sinaksak dun sa sinabi ni Jess na kadarating lang din na sa tingin ko ay pinigilan ang kakambal nyang magswimming pero hindi nya napigilan.

Lumingon na lang ako kay Darren na nakatingin sakin. "Oo nga, bro, ilang beses mo na kami nabigyan ng advice siguro ito na ang time para ikaw naman ang bigyan namin ng advice"

Kaya siguro no choice na ako at huminga na lang ako ng malalim.

"Naiinis ako kay Akia pero pakiramdam ko ay wala akong rason para mainis dahil kasal lamang kami sa papel--" hindi ako pinatapos magsalita si Ethan at agad na lang syang sumabat.

"Bro, hindi kasal lang sa papel ang kasal mo kundi banal yon. Saksi ang Diyos sa kasal na yon"

"At saka bro, kung naiinis ka kay Akia kasalanan nya ba yon? Siguro kasalanan mo dahil pinagpipilitan mo sa sarili mong mainis ka kay Akia" agad naman akong napalingon kay Darren.

"Zian, kilala ko si Akia dahil bestfriend sya ng fiancee ko" pagkasabi nya yon ay agad gumuhit ang ngiti sa mukha ni Darren.

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon