Chapter 8

3.3K 55 0
                                    

"He's father, Mr. Celestine is a good friend of your father and --" hindi na natuloy ni Mom ang kanyang sasabihin ng basta na lang sumabat si Dad.

"Henry and I want our children to marry each other"

Nakangiting saad nilang dalawa dahilan para mapakunot ako ng noo.

"Hwag nyo na akong isali pa dito. This is nothing to do with me. If I don't want to be an actor anymore, I can still be an engineer." At tumalikod na ako at hahakbang na sana papaalis ng magsalita si Dad.

"I'm not asking what you're opinion here,Clark Zian! All I'm saying here is you WILL marry this girl and there's nothing you can do to stop it" napakuyom ako ng kamao at hinarap si Dad dahil sa sinabi nya. Hindi ko kayang tanggapin ang sinasabi nya.

Hindi ako papayag na itatali ako sa isang kasal kung saan sila ang magbe-benefit.

"Dad, I don't want to marry the girl--"

"Matagal ng mapag-usapan ang lahat, bata ka pa lang nasa plano ko na ang bagay na 'to kaso sinira mo lang ang lahat ng naisipan mong mag-artista.

----
"This is all your fault,Robert" nakatingin sa malayong paninisi kay Robert. Napatingin sya sakin na akala mo'y wala syang alam.

"Why are you blaming me? Hindi ko naman kasalanan na yun pala ang totoo? Aba malay ko bang may balak pa lang ipakasal ka ng parents mo sa babaeng yon? " at tumawa na sya. Sa pagtawa nyang yan ay nakaramdam ako ng pagka-asar. Nakakapanginig ng laman sa inis.

Kaya para pigilan ang sarili ko ay naikuyom ko ang kamao ko habang lumingon na lang sa ibang direksyon.

Nanatili na lang akong tahimik ng dumating si kuya Nico na may dalang tatlong can drinks. Isa isa nya itong inabot samin ni Robert.

Tapos itong si Robert ay hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil sa pagtawa dahilan para umiyak na sya. Sumasakit na rin siguro ang tyan nito.

"What's so funny?" cluless na tanong ni Kuya Nico pagkaupo nya dito sa sofa dito sa sala.

"Itong kapatid mo, ipapakasal pala talaga kay Ariha? ahh ! basta dun sa letter sender nya" at humagalpak na naman sa tawa itong si Robert na dahilan para mapangisi na rin si Kuya Nico.

"Si Akia ba? Bro, wag ka ng magsisisi. Maganda si Akia at tyak magugustuhan mo sya" sandali ko lang nilingon si Kuya Nico habang umiinom ng can drink nya.

"Kung maganda naman pala, bat hindi na lang ikaw ung ipapakasal?" biglang natigilan si kuya Nico at sandaling natahimik.

"Alam mo, Zian, kung may choice lang ako sana wala akong fiancee ngayon" puno ng lungkot na saad ni kuya Nico.

Nakita ko ring natigilan si Robert. Anong meron sa dalawang 'to?

"What the matter?"

"Naka-arrange marriage din ang kuya Nico mo,Zian" hindi ko inaasahan na maririnig ko yon. Ang buong akala ko ay masaya si kuya Nico sa buhay nya na nagkaroon sya ng girlfriend pero nagkamali ako.

Hindi ko alam na arrange marriage lang pala ang lahat. Hindi ko maintindihan. Bakit kung kailan 21 years na ako dito sa mundo ay tyaka ko malalaman ang ganito.

"Zian, wag ka ng mabibigla dahil arrange or fixed marriage din ang kasal nila Mom at Dad sadyang minahal lang nila ang isa't isa kaya nagtagal sila"

Those words kept popping on my mind every 30 seconds. Nakakatulig na at nakakasawa ng isipin pero patuloy paring naiisip ko. Hindi na rin ako makapag-concentrate sa pagbabasa ng libro ni makinig sa music sa head phones ko ay hindi ko na rin masyadong maintindihan ang kanta dahil sa palaging nagpla-play sa utak ko ang bagay na yon.

Dumating ang kinabukasan at hanggang sa pag-gising ko ay nagpop na naman sa utak ko un. Kaya naisipan ko na lang lumabas ng bahay para kahit papaano ay mawala sa isipan ko ang bagay na yon.

"Zian, what are you doing? Come, join us" nakangiting saad ni Mom na akala mo ay walang nangyari kahapon.

Umiling iling na lang ako at ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad , nakita kasi nila ako naglalakad at nasa kusina kasi sila at nag-uumagahan.

"What's with that atitude,young man? Pumunta ka dito" matigas at ma-awtoridad na utos ni Dad na wala na akong nagawa kundi sumunod na lang.

Umupo na ako sa upuang katapat ng lamesa at tingnan ko muna ang pinggang walang laman sa harapan ko tyaka nag-angat ng tingin sa kanila na peaceful lang na kumakain ng almusal.

"Kumain ka na,Zian" saad ni Mom pero hindi ko na lang yon pinansin.

"Dad ..." gusto kong kausapin si Dad tungkol dun sa arrange marriage na sinasabi nya. Ayokong pumayag.

"Clark Zian, don't let me shout again! Sa ayaw at sa gusto mo pakakasalan mo ang anak ni Henry and if you're thinking kung nalulugi na ba ang company well then my answer is no. I just want to continue the linage of Auer family by arranged marriages"

Naikuyom ko na ang kamao ko at masamang loob na tumayo at umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko. Pero bago pa lang ako makapasok ko sa kwarto ko ay tinawag ako ng butler namin na may dalang isang malaking plastic ng sulat. Colorless kasi ung platic kaya kitang kita mong mga envelope yung laman.

"Young master .."

Tiningnan ko lang sandali ung colorless na plastic at pagkatapos ay inangat ko na ang tingin sa butler.

Ito talaga ang gusto nya? Matagal na nyang plano to? Nakakaasar sya!  Nagpapanggap na fan ko bat hindi na lang nya sabihin nung una pa lang para hindi na ako naniwalang fan ko sya.

"Saan sya nakatira?" madiin kong saad. Iniisip ko pa lang nakakaramdam na ako ng inis.

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon