Chapter 26

3K 49 0
                                    

Clark Zian Auer

Naikuyom ko ang kamao ko at nagtiim bagang ako sa inis matapos sabihin ng reporter na ito ang kanyang tanong. Pero kahit napupuno na ng inis ang sistema ko ay hindi ko ito pinahalata.

"She's no random girl " straight kong saad. Gusto kong sabihin na asawa ko ang dahilan kung bakit gusto kong umalis ng showbiz pero maaalala ko palang ung sinabi ni Nico na hindi totoo ang lahat makes me heart feel pain everytime na maaalala ko yon.

"Then who on earth is she? Diba, two years ago ay na-annuled ka sa ex-wife mong si Akia Celestine? Kung ganun, sino ang random girl na ito na makikipagbalikan ka lang ay iiwan mo pa ang trabaho mo--" hindi ko na pinatapos ang reporter na ito dahil inis na inis na ako sa mga sinabi nya on live tv. Kaya agad ko ng inagaw ang microphone na hawak nya dahilan para matigilan at mabigla ang lahat sakin pero hindi ko na lang pinansin yon.

Dahil kailangan malaman ng lahat ng totoo.

"Akia is not just some random girl out there. Hindi totoo ang kumalat na balita na two years ago ay na-annuled ako. Hindi totoo ang balitang yon. Yes, It boost my fame but in my heart it doesn't. Two years kaming kasal pero hindi nyo alam and now nagkaroon kami ng problema at balak kong iwan ang trabaho ko para sa kanya yet pinapalabas nyo ganun ko lang gustong pabayaan ang career ko? Hindi nyo alam kung akong pinagdaaanan ko, yet you judge like you know everything. The whole universe is so big yet you guys assume that you can count all the stars in sky katulad ng ginagawa nyong panghuhusga sakin" at pagkatapos kong sabihin yon ay binaba ko na ung microphone at pinatong na lang sa may kung saan at umalis na.

Sinundan ako ni Robert. Pero hindi ko sya pinansin pero pinagpatuloy parin nya ang pagsunod sakin.

"Please tell me you're just joking. Sabihin mong isang malaking prank lang ang lahat ng ito, Zian because I don't want to believe it" natigilan ako sa sinabi nya at sandali ko syang hinarap.

"You better believe it!" at pagkatapos ay iniwan ko na si Robert na tulala na.

Kung kailangan kong iwan ang career ko ay yon ang gagawin ko. Pwede naman akong maging engineer na lang dahil un ang natapos ko.

I can do this for .... Akia.

----

J.N.'s Pov

"Gawin mo na ang plano, ipakita mo kay Zian na aagawin mo talaga si Akia. I want him to feel like pain. Gusto kong maramdaman ni Zian na maghirap syang makuha ang isang bagay" may diin sa saad kong yon.

Kilala ko si Zian at ni minsan ay hindi sya naghirap makuha ang mga bagay na meron sya dahil lahat ng bagay ay binibigay lang sa kanya.

"May galit ka ba sa kanya? Bat mo ba ginagawa yan?" napalingon ako sa asawa ko. Alam nya ang plano ko at hindi ko maintindihan sa kanya kung bakit hanggang ngayon ay hindi nya maintindihan kung bakit ko ito ginagawa.

"Wala akong galit sa kanya. Ang gusto ko lang naman ay matutunan nyang paghirapan ang mga nagugustuhan nya"

"Nagugustuhan? Yun ba ang iyong dahilan kung bakit mo sila pinaghihiwalay?"

I just nodded with a smirk in my face.

----

Akia Celestine

Unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ang nakangiting mukha ni Zian na nakatingin sakin. Kitang kita mo sa kanyang mga mata ang kasiyahan.

Nakangiti sya at pagkatapos ay sandali nyang idinampi ang kanyang labi sa noo ko at pagkatapos ay hinalikan naman nya ako sa labi.

Nabigla ako sa kanyang ginawa dahilan para masinghap ako pero ngumiti lang sya dahilan para mapangiti na rin ako.

"Zian, paanong--" hindi na nya pinatapos ang sentence ko dahil basta na lang nya akong binigyan ng sandaling halik na nakapagpatigil at nakapagpatulala sakin.

"Baby, hindi ka ba masaya na muli tayong magkasama?" napangiti ako sa sinabi nya at imbis na sagutin ang tanong nya ay niyakap ko na lang sya ng mahigpit habang sinisiksik ang mukha ko sa dibdib nya at hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko.

"Masayang masaya ako Zian. Masayang masaya!"

Naramdaman kong gumanti rin ng yakap si Zian.

"Masaya rin ako, Akia"

Agad akong nagising at naramdaman kong may mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Kahit lokohin ko ang sarili ko, ay hindi maaalis dito na miss na miss ko na talaga si Zian.

Ano kaya kung ..... Hindi ! Hindi ko dapat gawin yon. Random girl lang ako para sa kanya at hindi ako mahalaga kaya wala ring halaga kung pupunta ako sa dati naming bahay para makita sya.

Kaya pakiramdam ko ay bumalik na lang na ako sa dati kaya kumuha na lang ako ng bond paper at nagsulat.

Dear Zian Auer,

Hello! Kumusta ka na? Miss mo ba ako? Siguro, hindi dahil kilala kita. Pero kung tatanungin mo ako, aaminin ko sayong miss na miss na kita.

Simula pa nga lang nung unang araw na umalis ka, umaasa akong susundan mo ako at yayakapin at gagawin mo ang lahat ng makakaya ko para pigilan ako pero hindi mo nagawa. Hindi mo ginawa.

Pero salamat. Kasi, pinakita at pinatunayan mo sakin na wala lang talaga ako.

Pasensya ka na, madrama ako kaya sige hanggang dito na lang.

Your no longer wife,
Akia Megumi Celestine

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon