Chapter 36

3K 54 0
                                    

Kinabukasan habang kumakain ako ng spagetti na nilagyan ko ng toyo ay nakita ako ni Zian na kumakain at kitang kita ko sa mukha nya ang pandidiri kaya pasimple lang akong umirap sa hangin.

"Give me that! Umagang umaga, kung anu-anong kinakain mo" at nagsimula ng agawin ni Zian ung pagkain ko pero nakipaglaban ako ng agawan hanggang sa dahil sa sobrang pag-aagawan ay nabitawan ko ang plato ng spagetti. Tiningnan ko lang sya ng masama at umalis sadali para linisin ung pinagtapunan at pagkatapos kong gawin yon ay dumiretso na lang ako ng sala para mawala man lang ang inis ko sa lalaking yon.

Umupo na lang ako sa sofa at nanuod na lang ng tv. Pinanuod ko ang palabas kung saan dino-documentary ang buhay ng mga lions at tigers na sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay nagsimula akong umiyak.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa natapos ang palabas at hindi ko na rin napansin na pinatay ni Zian ang tv at umupo sya sa sofa na malapit lang at pinagmasdan nya ako. Puno ng pagtataka ang mga mata nya pero hindi ko pinansin yon bagkus ay diretso lang ako sa pag-iyak.

"You're really weird." umiiling iling nyang saad sakin dahilan para mainis ako sa kanya at pagbabatuhin sya ng mga trow pillow na malapit lang sakin.

"Aw! Stop it! Ouch" Hindi ako tumigil sa pagbabato sa kanya kahit halos sumisigaw na sya. Basta tinuloy ko lang ang ginagawa ko hanggang sa maibato ko na lahat sa kanya ang mga trow pillow.

"Ano bang nangyayari sa--" hindi na natapos ni Zian ang sinasabi nya ng biglang nag-ring ang phone nya dahilan para lumayo sya at sagutin ito.

Samantalang ako ay tahimik lang na pinagmamasdan ang likod ni Zian na parang masarap yakapin. Kaya hindi ko na pinigilan ang sarili ko at tumayo na ako at nilapitan ko si Zian at niyakap sa likod. Natigilan naman sya sa pagsasalita sa kausap nya sa phone at sandali nya akong nilingon.

"A-akia?" patanong nyang tawag sakin pero hindi ko na lang pinansin yon at mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap kay Zian, ibinaon ko na rin ang mukha ko sa likod nya.

Grabe! Ang bango bango ni Zian!

"Akia, ano bang ginagawa mo? Can't you see I'm on the phone?" masungit na saad ni Zian habang tinatakpan ang microphone.

Bigla namang sumangot ang mukha ko at ngumuso ako. "Pero ang bango bango mo kasi e. Gusto ko, yakap kita para amoy na amoy ko ung amoy mo"

Kumunot ang noo ni Zian at sandaling nagpaalam sa kausap nya na tatawagan nya ito uli at pagktapos ay tinago na nya ang phone nya sa bulsa at hinarap ako dahilan para bumitaw na rin ako sa yakap.

"Why are you acting weird? Kanina spagetti-ng may toyo, tapos iniiyakan mo ang documentary channel tapos ngayon yayakapin mo ako sa likod. Ano bang nangyayari sayo, have you gone mad?" natigilan at nasaktan ako sa sinabi nya dahilan para dumiretso ako sa kwarto at ilock ito.

Ayoko ng makita pa ang mukha ni Zian. Hindi nya ba naiinintidihan na masyado lang akong masaya? Masyado nyang manhid! Nakakainis sya.

----

Clark Zian's Pov

Makailang beses akong kumatok sa kwarto para sana makausap si Akia pero wala e. Hindi nya ako pinagbuksan kaya umalis na lang ako at pumunta sa bahay nila Jess dahil ang pagkakaalam ko ay wala silang taping ngayon.

"Bro, ano bang nangyayari sayo? Bakit mo naman sya sinabihan ng ganun?" tanong ni Jess habang nakakatitig sa pinapanuod nyang palabas sa tv.

Katatapos ko lang ikwento sa kambal ang nangyari kanina at parang sa inaasta nila ay wala man lang silang pakialam.

Dahil si Thower mukhang may katext sa phone nya dahil kanina pa nakangiti, si Jess naman halos nakakanganga na sa pinapanuod nyang palabas.

"Bro, kung siguro nasa posisyon mo ako maiintindihan mo ako" sandali akong nilingon ni Jess at pagkatapos ay muli nyang binalik ang tingin sa tv.

"Siguro hindi dahil bago naman siguro naganap yan ay nandun pa kayo sa fake marriage issue diba?"  singit naman ni Thower.

Nilingon ko sya at pagkatapos ay nilipat ko ang tingin sa singsing na nasa daliri ko.

"Did someone ordered pizza?" biglang bumukas ang pinto at may nagsalita. Alam kong nilingon na yon ng kambal pero ako ay hindi yon nilingon at nanatiling nakatingin lang sa singsing na nasa daliri ko.

"Ethan, bakit hindi dual ang flavor nito?" narinig kong saad ni Thower.

"Bro, wag ka ng maarte, para kang babae " at nagkaroon sila ng sandaling tawanan.

Hanggang sa sumandaling tumahimik at ang sunod na nangyari ay kalapit ko na si Ethan at inakbayan nya pa ako.

"Ethan, si Darren, bakit wala pa?" tanong naman ni Jess habang kumakain na ng pizza na dala ni Ethan.

"Nag-aasikaso ng kasal nila ni Des"

Magpapanggap akong hindi ko narinig ang pangalan ni Darren. Hindi naman ako naiinis sa kanya, it's just that nakakatampo lang kasi pumayag syang maging kasabwat ng balak ng kuya ko.

"Zian, bro, anong problema natin?" sandali kong nilingon ni Ethan at pagktapos ay binalik ko ang tingin sa singsing ko sa aking daliri.

Huminga muna ako ng malalim at pagktapos ay ikinuwento ko kay Ethan ang pangyayari.

"Ano ka ba naman, bro, hindi mo ba naisip na baka buntis lang talaga ang asawa mo?"

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon