Chapter 19

3K 55 0
                                    

"Hindi ka man lang ba magre-react?" tanong ko kay Zian na tahimik lang na nagbabasa ng libro pagkapasok ko sa kwarto.

Hindi nya ako pinansin at pinagpatuloy nya pa ang pagbabasa ng libro na hawak nya at hindi pa sya nakuntento at nilipat pa nya sa ibang pahina dahil para lalong uminit ang ulo ko.

"Ganyan ka na lang ba lagi?" naikuyom ko na ang kamao ko dahil sa inis pero hanggang ngayon ay ganyan parin si Zian. Walang pakialam sa sinasabi ko.

"Hindi ka man lang ba makikinig sa sasabihin ko--"

"Just stop acting like that, will you? It's making me sick"  nakatuon parin sa libro ang kanyang atesyon.

Mahigpit kong naikuyom ang kamao ko. I'll be honest, sabi ni Tita Anna, bawal daw sa buntis ang ma-stress pero sa ginagawa ni Zian sino bang hindi mai-stress?

"Sick? Sa tingin mo ba, natutuwa ako sa inaasta mong yan? Magda-dalawang taon na tayong kasal Zian pero hanggang ngayon ay wala parin tayong matinong conversation"

Halos magmakaawa na ang boses ko sa pagkakasabi ko sa kanya nun pero hindi man nya lang ako pinansin dahil malakas nyang sinara ung librong binasa nya, nilagay nya sa side table, humiga sa kama at nagtalukbong kumot.

"Zian, ano ba?! Hanggang kailangang ka ba aastang gan--Aahh! D-dugo? Z-zian--"

At pagkatapos kong makita ang dugo sa sahig at maging sa kamay ko ay sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay basta na lang akong bumagsak sa sahig.

---

Unti unti kong minulat ang aking mga mata at isang hindi pangkaraniwang kwarto ang bumungad sakin. Naglibot ako ng tingin sa buong kwarto.

Halos puro puti ito kasama na rin ang kamang hinihigaan ko. Napaligon ako sa may kanan ko at may nakita akong suwero at nakompirma ko ng nasa hospital ako pero bakit ako nandito?

Wala man lang tao ang nandito sa kwarto kung nasaan ako. At sino kaya ang nagdala sakin dito.

Si Zian kaya? No! Hindi naman siguro si Zian dahil kung naaalala kong maliwanag ay hindi nya naman ako pinansin kaya bakit sya ang magdadala sakin dito?

-----

Clark Zian's Pov

"I told you pre, that child is yours .." napatakip ako ng tenga sa paulit ulit na sinasabi sakin ni Darren dito sa waiting room dito sa hospital.

Wala man lang kaming hinihintay pero mas pinili kong manatili dito dahil hindi ko kayang makita ang mukha ni Akia.

"That child is yours pare. Ayaw mo lang talag--"

"WILL YOU CUT IT OFF?" malakas na boses na saad ko dahilan para pagtinginan  na kami dito. Natigilan naman si Darren at nanghingi ng paumanhin sakin.

Napatungo lang ako. Naniniwala akong that child isn't mine. Hindi akin ang batang yon dahil sa itsura ba naman ng Akia-ng yon marahil ay nakauna na sa kanya ung lalaking yong laging nasa bahay.

And just by thinking about it makes me wanna rip all the skin out of that guy-WAIT WHAT?

Ano ba itong sinasabi ko? Wala akong pakialam kay Akia!

"You know what, man. Siguro kailangan mo ng puntahan si Akia sa room nya dahil baka maunahan ka pa ng iba?" nakangiting aso nya pang saad. Hindi ko na lang pinansin si Darren at tumayo na at iniwan na lang sya. Wala namang kwentang pakinggan pa ang sinasabi nya.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad papuntang labas para bumili ng makakain at kaunting prutas. Hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit bumili ako ng ganito ganung ala 7 na ng gabi. Napahilamos na lang ako ng mukha ng marealise kong para pala ito kay Akia.

Bumalik ako sa ospital dala dala ang mga binili ko. Sandali din akong napalingon sa damit kong may dugo. Hindi na rin ako nakapagpalit dahil sa pagmamadali.

Ako ang nagbuhat kay Akia papasakay ng sasakyan ko nung basta na lang syang bumagsak sa sahig. Hindi ko na pinansin na maaari akong malagyan ng dugo dahil nung isinakay ko na sya ng sasakyan at agad ko ng pinaharurot ang sasakyan ko makapunta lang ng hospital and along the ay maraming challenges na nangyari. May nagkabanggaan, may naaksidente at nabigyan pa ako ng ticket dahil sa overspeeding and beating the red light dahil sa sobrang pagmamadali.

Nagmakaawa na lang ako sa pulis na padaanin ko dahil emergency lang talaga. Nung una ay ayaw akong paniwalaan pero nung sinilip nya at nakita nyang puno na ng dugo ang damit ko at hinayaan na nya ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad hanggang sa nakapunta na ako sa may tapat ng kwarto kung nasaan sya.

Ang dami kong sinakripisyo para sa babaeng yan na hindi ko naman talaga gusto.

-----

Akia Megumi's Pov

Nasa ospital ako. Napakunot ako ng noo at may napansin ako, bakit parang hindi na masyadong nakaumbok ang tyan ko? May nangyari ba? Nanganak na ba ako?

Biglang gumuhit sa labi ko ang kasiyahan ng bigla kong naalala ung mga dugo, dugo sa kamay ko at sa sahig.

Dugo sa damit ko. A-anak? Wag mong sabihin? Biglang nanikip ang dibdib ko at napahagulgol. Narinig ko ring bumukas ang pinto pero hindi ko pinansin yon.

Wala na ang baby ko? Sinong kumuha ng baby ko?

"May dala akong pagkain, kumain ka na" isang cold na boses ang narinig kaya nag-angat ako ng tingin at tinuro sya at tiningnan ng masama.

"Ikaw! Nasaan mo dinala ang anak ko? Bakit?" patuloy lang ako sa paghagulgol pero hindi man lang ako pinansi ni Zian.

For sure natutuwa pa sya, sa bagay ano pang ie-expect ko? Ayaw nya diba sakin kaya ayaw nya rin sa anak ko!

"Sure masaya ka dahil wala na ang anak ko, wala ang anak natin at ikaw ang may kasalanan ng lahat"

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon