Gusto kong pagtawanan ung pagmumukha ng lalaking yon pagkasabi ko ang salitang yon. Gusto ko syang pagtawanan pero hindi ko ginawa.
Umayos lang ako ng higa at nagside view ako para matingnan ng ayos si Akia na payapang natutulog.
"Hello!" magiliw kong bati sa napakagandang batang nakita ko. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya may pagkakataon akong makakabisita at makikita sya pero sa bawat pagkakataon na nakikita ko sya ay laging nandun sa bestfriend nyang palaka ang atensyon nya.
Ilang beses ko ng inaagaw ang atensyon nya pero mabilis lang din itong nakukuha ng palakang yon dahilan para simula ng araw na yon ay magalit na ako sa palakang yon.
Umasa rin ako na darating ang araw na ikakasal ako sa kanya. Sa babaeng pangarap ko.
Habang pinagmamasdan ko sya ngayon ay hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi ko pinagsisisihang sabihin ang sinabi ko sayo nung unang beses kitang inangkin.
Sana ako naman ang mapansin mo,Akia
---
Akia Megumi's Pov
Unti unti kong minulat ang aking mga mata ng may naramdaman akong mabigat na nakadagan sa may tyan ko at nung tingnan ko yon ay nakita kong nakayakap sakin ng mahigpit si Zian dahilan para mapangiti ako at muling ipinikit muli ang aking mga mata at dinama ang yakap na maaaring una at huling beses ko ng maramdaman.
Dear Zian Auer,
Ito ang unang beses na maramdaman kong niyakap mo ako. Ang saya saya nung pakiramdam, alam mo un parang natupad na kahit papaano.
Sana pagkagising ko hindi ka na bumalik sa dati kasi kung tatanungin mo ako, sana lagi na lang tayong masaya.
Mahal na mahal kita.
Love,
Akia Megumi Celestine-Auer----
Maaga akong nagising at pagkagising ko ay parang isang matamis na panaginip lang ang naganap kagabi. Pero kung panaginip man ang lahat ay masaya ako.
Masaya ako dahil kahit paano ay masaya kong naramdaman na nayakap mo ako. Zian.
Sandali akong nanalangin para magpasalamat sa Lord para panibagong araw na binigay nya sakin at pagkatapos non ay ginawa ko na ang mga karaniwan kong ginagawa sa umaga at pagkatapos ay umalis na ako at pumunta na sa may restaurant.
Alas syete na ako ng gabi nakauwi. Diretsong kwarto agad ako at humiga na sa malambot na kama. Dahil sa pagod ay hindi ko na rin nakayanang manuod pa ng tv ay panatiliing nakamulat ang aking dalawang mata.
Marami akong ginawa ngayon sa restaurant at may posibilidad na magkaroon kami ng ikalawang branch kung nagpatuloy ang magandang kinikita ng restaurant. Niyakap ko na lang ng mahigpit ang unan at matutulog na sana ako ng may narinig akong boses na nanggagaling sa may pintuan.
"So, ganyan na lang ba? Hindi mo man lang ba ako ipaghahain? Alas syete na ng gabi oh" hirap na hirap kong minulat ang aking mga mata para tingnan si Zian na nakatayo sa may hamba ng pinto at straight na nakatingin sakin.
"Z-zian, ano ka-kasi--"
"Pagod ka? Tama ba? Sa tingin mo ba ay hindi ako pagod? Gigising ng maaga tapos pupunta sa taping tapos ganito pa ang madadatnan ko? Akia, naman!" may diin ang bawat salitang sinabi nya.
Nasaktan ako sa sinasabi nya at kahit pagod ako galing sa trabaho ay pinilit ko paring tumayo kahit ayaw ng katawan ko at ayaw ng magmulat ng aking dalawang mata.
Bumaba ako papuntang kusina at ipinaghain ko sya. Napapansin kong lagi na lang sya ang nagluluto para sa sarili nya dahil ako mismo sa sarili ko ay dun na lang ako sa restaurant kumakain.
Kahit nahihirapang gumalaw at makita ang mga kukunin ko ay pinilit ko paring gawin para wala ng masabi si Zian. Masyado na akong pagod para magreklamo pa.
Pagkatapos ko syang ipaghain ay matiyaga ko rin syang hinintay matapos para ako na rin ang maghugas ng pinagkainan nya. Alam ko namang pati ung bagay na yon ay iu-utos nya sakin.
Tumayo na ako nung natapos na syang kumain para hugasan ang pinggan. Nung nagsimula na akong maghugas ng pinggan ay napipikit ako lalo na't ramdam na ramdam ko ang malamig na tubig na tumatapon sa pulso ko.
Pinigilan ko ang sarili kong matulog ng de oras at pagkatapos kong maghugas ng pinggan at ibalik ito sa lalagyan ay ay sandali akong nagpunas ng kamay at dumiretso na ng kwarto at natulog na.
Hindi ko na pinansin pa si Zian at basta natulog na lang.
-----
Dumating at lumipas ang panibagong araw at katulad ng dati ay wala namang nagbago. Umalis at umuwi ako ng bahay na parang kagaya lang din ng dati.
Hanggang sa naging karaniwang araw na lang ang araw araw hanggang sa dumating ang ikawalang taong aniversary ng kasal namin ni Zian.
"Ma'am" napa-angat ako ng tingin sa sekretarya kong kapapasok lang ng opisina ko.
"Ma'am, dumaan po si Sir Daniel at pinabibigay nya po ito sa inyo" napakunot ako ng noo at tinanggap ung binigay nya saking square emvelope.
Sandali kong tinalikod ing emvelope para tingnan kung may nakasulat ba pero wala akong nakita.
"Bakit daw nya ako binigyan ng ganito?" tanong ko habang pinagmamasdan parin itong square emvelope.
Binuksan ko na rin ito at kinuha ko ung papel na nakalagay sa may loob.
"Hindi ko rin po alam pero ang sabi nya po ay ibigay ko daw po sa inyo, Ma'am. Sige po, una na po ako" at pagkatapos ay umalis na sya.
Binasa ko naman ung nakasulat dito sa plain invitation-like paper.
Meet me at 21 Coded Restaurant
at 7:00 pm . I'll be waiting- Daniel Caleb

BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomansaHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...