Chapter 40

3.6K 64 1
                                    

Hindi ko sinagot ang tanong ni Mama at pagkatapos non ay nagpaalam na sa kanila. Ayaw ko munang tanggapin kung ano ba talagang rason ni Zian.

Ayokong lalong masaktan.



LUMIPAS ang mga araw at nanganak na ako. Lahat ay nakaalam maliban kay Zian. Sinadya kong wag ipaalam sa kanya. Mas maigi na siguro ito.

"Ang cute cute naman ng apo ko. Akia, anong pangalan ng apo ko? Kamukhang kamukha ni Zian"

Nakangiti ko namang pinagmasdan ang natutulog na mukha ng anak ko.

"Cade Asher po" nakangiti kong saad. Habang pinagmamasdan ko ang gwapong natutulog na mukha ng anak ko ay parang binabalik nito ang lahat ng alaala pasimula nung crush na crush ko pa nun si Zian hanggang sa kinasal kami. Hindi ko na rin napansin na isa isa na palang bumabagsak ang mga luha ko kaya pinunasan ko ang mga ito.

Nakapagdesisyon na ako. Gagawin ko na talaga. Para matapos na ang sakit na to once and for all.

Kinahapunan ay nakalabas na rin ako ng hospital. Kina Mama muna ako tumuloy. Ayoko na munang tumuloy sa bahay dahil baka umiyak lang ako. Ayoko munang mapag-isa ngayon.

Umupo ako sa kama ko at maingat kong inihiga si Cade, nilagyan ko rin ng unan ang magkabilang gilid nya para hindi sya mahulog. Nakangiti at tahimik ko lang pinagmasdan si Cade. Napakapayapa ng kanyang mukha. Masasabi kong kamukhang kamukha nga sya ni Zian.

Hinaplos ko ang pisngi nya at pagkatapos ay hinalikan ang noo nya. Pagkatapos non ay tinawagan ko ang kaibigan kong lawyer. Sa kanya ako nagpatulong para sa annulment papers na kakailanganin. Nung mga araw nakapagdesisyon na ako ay tinawagan ko sya para kung dumating man ang oras na manganak ako ay matatawagan ko sya kagaya ngayon.

Nakadalawang ring bago nya nasagot ang tawag.

(Hello) sagot nya sa kabilang linya. Rinig na rinig ko ang tunog ng aircon na syang pinagwalang bahala ko na lang. Marahil ay nasa opisina sya.

"Kumusta? Nagawa na ba?" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit parang biglang pumait ang lahat. Mas mapait pa ata ang sinabi ko kaysa sa ampalayang bagong pitas. Ang sakit sa pakiramdam.

"Akia, good thing you called. Nandito na. What do you want, dadalhin ko dyan o pupunta ka dito?" sandali kong nilingon si Cade na tahimik na natutulog. Umiling iling ako

"Pwede bang pakidala na lang dito? Alam mo naman kasi diba, nanganak na po ako." nakangiti kong saad. Narinig ko naman syang ngumisi sa kabilang linya.

"Sure. By the way, congrats. Sana masaya ka sa naging desisyon mo" kumunot ang noo ko sa sinabi nya at pagkatapos ay nagpaalam na sya. Tutugon pa sana ako ng binaba na nya ang tawag.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang sinabi nya. Tinatanong nya ako kung sigurado na ako? Parang nakalimutan nya atang sya ang pinagkwentuhan ko ng lahat.

Umiling iling na lang ako para mawala na ng tuluyan sa isipan ko un at nilingon na lang si Cade na payapang natutulog.

"Kung alam kaya ni Zian na nandito ka na, matutuwa kaya sya?"





----

Clark Zian' s Pov

After 8 months, masasabi kong stable na ang company at pwede na muli akong magfocus sa family ko, kay Akia at sa anak namin. Sa loob ng halos 8 months ay hindi kami nagkita ni Akia, kung magkita man ay kapwa tulog ang isa't isa.

Nung isang buwan ay inakala kong makakauwi na ako ng maaga at hindi na mag o-overtime ng kagaya ng dati pero nagkamali ako. Biglang nagsulputan ang mga problema na dati ay nalutas na nila Dad. Kaya ginugol ko ang panibagong isang buwan para maisaayos ito.

Hindi man ito ang natapos ko pero sa loob ng 8 months ay nagustuhan ko na rin ang trabaho ko.

May narinig akong tatlong katok sa may glass door dahilan para lingunin ko yon. Kahit glass door sya ay hindi ko rin makikita ung nasa labas dahil blur ito sa loob at sa labas.

"Sir, pasensya na po kayo, alam kong busy kayo pero ayaw pong magpapigil ni Sir--" nabigla ako sa sinabi ng sekretarya ko kaya tumayo na ako at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang natatakot na mukha ng sekretarya ko at ang pagmumukha ng lalaking kaaagaw ko kay Akia.

Diretso lang sya nakatingin sakin dahilan para kumulo ang dugo ko sa mga tingin nya sakin. Sandali ko lang syang tiningnan at pagkatapos ay nilingon ko na ang sekretarya ko at sinabi ko syang kilala ko ang taong yan at makakaalis na sya.

Pagkatapos kong sabihin yon ay dumiretso na ako sa pagpasok sa opisina ko. Dahil alam ko na kahit hindi ko sabihin na pumasok sya ay papasok sya dahil sa itsura nya ngayon ay may mahalaga syang sasabihin.

Pumasok sya sa loob ng opisina ko at diretso lang na nakatingin sakin dahilan para mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. Umupo muna ako sa shivel chair ko at pagkatapos ay kinausap ko sya.

"What are you doing here?" naasar kong saad.

"Do you have any idea what just happened today?" nakangisi nyang saad dahilan para maguluhan ako. Tinaasan ko lang sya ng isang kilay at pagkatapos non ay in-on ko na lang ang mac ko at isa isang binasa ang report para sa buwang ito.

"You know what, kung may nangyaring nakakatuwa o kasiya-siya sa buhay mo kaninang umaga wag ka dito pumunta dahil hindi ito treatment center " saad ko habang diretso paring nakatingin sa mac ko.

"Unbelievable! Hindi ko malaman kung anong nakita sayo ni Akia dahil kug ikukumpara kita sa sarili ko, mas lamang na ako sayo" parang nagpantig ang tenga ko sa sinabi nya dahilan para hampasin ko ng malakas ang table ko at puntahan sya sa pwesto nya at kwelyuhan sya.

Diretso ako sa mata nya nakatingin ng masama.

"Huwag na huwag mo akong ikukumpara sayo dahil ang tanging lamang mo lang naman sakin ay ikaw ang pinili nyang kaibigan kaysa sakin pero tingnan mo kung nasaan ka ngayon? Diba boto sakin ang tadhana kaya kami ang kinasal sa isa't isa kaya ikaw--" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng basta na lang sya sumabat dahilan para mabitawan ko sya at matigilan ako sa sinabi nya.

"Tell me, hanggang saan boboto sayo ang tinatawag na tadhana kung maaaring anumang araw mula ngayon ay may pipirmahan ka ng annulment papers?"

---_--------

• Jonelle's Note •

So this is the last chapter of Dear Zian Auer. Epilogue is up next.

Bago mo marating ang epilogue ay nagpapasalamat ako dahil naglaan ka ng oras at panahon para basahin ang sinulat kong ito.

Nais ko rin po sanang humingi ng pabor na kung pwede po na mag-comment po kayo sa epilogue para malaman ko po ang mga saloobin at reaction nyo sa naturang nobela.

Maraming salamat po.

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon