I spend my whole day at Des' unit. Sabi nya ay ilang months na lang ay ikakasal na rin sila ni Darren.
Pero ung kanila totoo ang lahat pero ung amin ni Zian, wala ni isa dun ay totoo.
Ayoko namang sisihin sina Mommy, Daddy, Mama at Papa dahil hindi naman nila alam. Ayoko ring sabihin na peke ang kasal dahil baka ako'y mapagalitan kaya itatago ko na lang ito sa sarili.
Anong oras na ako nakatulog dahil ikinuwento ko kay Des ang lahat habang umiiyak. Kasi nun, naniniwala akong kami ni Zian ang meant to be pero ngayon hindi na ako sigurado.
"Zian ... mahal parin kita" dito na rin kasi sa bahay nila Des ay nagpalipas ng gabi.
----
Sunod sunod na pagtunog ng phone ko ang nakapagpagising sakin. Sandali kong tiningnan kung sino ung tumatawag pero nung nabasa kong si Zian lang naman ay binaliwala ko na lang at bumalik na lang sa higaan at muling matutulog ng muling tumunog ang phone ko.
Nakakapagsisi dahil hindi ko man lang ito nai-silent kanina. At saka, bat naman ako tinatawagan ni Zian gayung alas dose na ng madaling araw? Diba may girlfriend sya, kung ganun bat di na lang yon ang kausapin nya sa mga ganitong oras?
Bakit kailangang ako pa?
Kaya no choice at pabalang ko na lang kinuha ang phone ko at madiing sinagot ang tawag kahit touchscreen ang phone ko.
"Oh! Anong kailangan mo?" pabalang kong panimula. Mulat na mulat na rin ang mga mata ko, thanks to him , gising na gising na ako.
"Do you want to know what it is? It's already 12 in the morning yet you're not at home. What kind of married woman are you?" Naikuyom ko na ang kamao ko dahil sa inis.
Nakakaasar na talaga ang lalaking 'to. Akala nya kung sino sya.
"Married you say? As far as I remember, I'm not married. And for my own sake, I can do all I want" at marahas ko na syang binabaan ng tawag.
Wala akong pakialam kung maasar, magalit o mainis pa sya sakin. Hindi ko alam kung ano bang nais nyang patunayan sa sarili nya. Hindi ko alam kung bakit ginagawa nya pa ang mga ganitong bagay gayung wala naman talaga kami.
Diba dapat masaya sya dahil malaya sya at pwede na silang magpakasal ng girlfriend nya yet he act like he has a care for me.
O sadyang umaasta lang sya ng ganito dahil ayaw nyang ipakita sa mundo na hindi dapat maapakan ang pride nya kahit the truth comes out na wala naman talaga kami.
Imbis na patuloy pang isipin ang lalaking yon ay natulog na lang ako. Alas otso na ng umaga ako ng magising at nung nagliligpit na ako ng pinaghigaan ko dito sa bahay nila Des ay may kumatok sa may pintuan at pagkatapos ay bumukas ito.
Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Des. Kaya binaba ko sandali ang kumot na tiniklop ko at nilapitan sya.
"Oh, Des, may problema ba?" tahimik lang syang tumango.
"Pasensya ka na. Tumawag kasi si Zian kay Darren, alam mo naman si Darren diba kaya pasensya ka na talaga, sinabi ko kay Darren na nandito ka na sinabi nya kay Zian na nandito ka." tumungo na si Des.
Natigilan ako sandali. Wag mong sabihing ---?
"Akia, si Zian kanina pa sa sala hinihintay ka. Pasensya ka na ha." bakas sa kanyang mukha ang lungkot kaya niyakap ko na lang sya ng mahigpit at sinabing ..
"Ok lang yan. Hindi mo naman kasalanan ang lahat"
Kaya nag-ayos na ako at pumunta na ng sala. Nakita ko lang si Zian na tumayo nung nakita na nya ako.
"Z-zian .." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng basta na lang nya akong hilahin.
"You're coming with me" hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nagpahila sa lalaking 'to.
----
"Bakit nandito tayo sa tagaytay?" asar na asar kong tanong sa kanya pagkababa namin dito sa sasakyan nya. Ang buong akala ko lang kanina ay dadalhin nya ako sa unit ko pero nagkamali ako dahil nung sumakay kami ng sasakyan ay nagdrive na pala sya papuntang tagaytay.
"For us to relax. To have a vacation" at nagsimula na syang maglakad papasok sa loob ng isang bahay na malaki.
"Hoy!" sigaw ko at hinabol lang sya. Masyado syang mabilis maglakad kaya tumakbo ako para maabutan sya.
"Ano ba!" sigaw ko pero hindi nya ako pinansin hanggang sa sinundan ko parin sya papunta sa isang kwarto na sa tingin ko ay master's bedroom.
Natigilan ako sandali. Teka, kanino pa lang bahay to?
"Kanino tong bahay na 'to?" wala sa sariling saad ko habang nililibot ang loob ng kwarto.
"This is my family's vacation house. Pero dahil sa hindi naman kami lagi dito ay dito ko na napagdesiyunan na dito na lang tayo pumunta" bigla akong natigilan at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla akong namula.
"At saka si Mang Manny at Aling Josie pala, sila ang caretaker ng bahay" napalingon naman ako dun sa tinuturo ni Zian na dalawang matandang nakangiting nasa labas ng kwarto.
"Ahh. Hello po" napilitan akong ngumiti. At lilingon na sana ako pabalik ng nagsalita si Aling Josie.
"Sir. Zian, napakaganda pala talaga ng asawa nyo"
![](https://img.wattpad.com/cover/54418019-288-k377657.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomansaHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...