Chapter 4

4.2K 63 0
                                    

Agad akong nag-angat ng tingin dun sa nagsalita at nilingon ko sya only to find out na kilala ko pa itong isang 'to.

"Caleb?" nakangiti kong bigkas ng pangalan nya na ikinangiti nya rin. Lumipat din sya sa pwestong katapat ko at umupo.

"Anong ginagawa mo dito? Diba nasa elite school ka?" nakita ko syang tumawa bago sinagot ang tanong ko.

"Kasi naman may isa lang naman akong babaeng hinihintay ng ilang taon at ngayon ay 4th year na ako ay hindi parin lumilipat sa school ko kaya napagdesisyunan kong ako na lang ang lilipat sa school nya." parang bula na nawala ang ngiti sa aking labi ng marinig ko ang sinabi nya.

"Hinintay?" natatawa kong tanong sa kanya pero nawala na lang din ang ngiti sa kanyang mukha at bigla na lang itong sumeryoso.

"Oo, bakit nakalimutan mo na ba?" natahimik na lang ako.

"Bakit hindi ka lumipat,Akia? Akala ko ba ang bestfriends hindi naghihiwalay, hindi pababayaan ang isa't isa pero bakit mo ako iniwan?"

Gusto kong sumagot pero hindi ko alam kung tatanggapin nya ba ang isasagot ko sa tanong nya.

Gusto ko sanang sabihin na dahil nung mga panahong yon ay nakilala ko si Des at hindi man kapani-paniwala ay nalimutan ko na talaga si Caleb kundi lang sya nagpakita ngayon.

"I'm sorry, Caleb. Hindi ko naman sinasadya" napatungo na lang ako. Alam kong nagkamali ako. Pero hindi ko kayang sabihin sa kanya.

"Sabihin mo nga, natanggal na ba ako bilang bestfriend mo,Akia?" napalingon ako sa kanya at nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Nasasaktan sya dahil pinagpalit ko sya.

"Akia, pasensya ka na dahil may tinapos pa akong lecture na sinulat ang haba kasi ng pinasulat ni Prof kaya ako--" hindi natapos ni Des ang kanyang sinasabi ng mapalingon sya kay Caleb na seryosong nakatingin lang sa kanya.

Sa nakikita ko ay nakaramdam sya ng akwardness dahil mukhang nagagalit si Caleb na nakatingin sa kanya.

"Is everything okay around here?" nahihiyang tanong ni Des at nagpalipat lipat ang tingin nya samin ni Caleb na ngayon ay nakatingin lang sa kanya ng masama.

"Ahh, sige Akia mukhang next time na lang dahil mukhang nagagalit itong kasama mo at baka nakakaistorbo pa ako" at tumalikod na si Des at akmang aalis na sana sya ng hawakan ni Caleb ang pulso nya at madiing sinabi ..

"Umupo ka!" kaya no choice si Des at umupo sya kalapit ko at tumungo na lang sya. Nakakaramdam tuloy ako ng kahihiyan dahil sa ginagawa ni Caleb, hindi naman sya ganito dati ah.

"Caleb--"

"Call me D.C. , itawag mo sakin ung nickname na binigay mo sakin nung mga bata pa tayo" wala sa sariling napatango na lang ako.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan na si Des na rin ang nagbasag.

"Oh, sige bibili muna ako ng foods nagugutom na ako eh, kayo magpapabili rin ba kayo?" tanong nya kaya napailing na lang ako. Napalingon naman ako kay DC at ngayon ay medyo nakangiti na sya at umiling na lang kay Des.

"Sudden change of mood?" tanong ko sa kanya dahilan para lingunin nya ako at matawa sya. Kaya natawa na lang din ako.

"You know what, ikaw lang ang nagpapangiti sakin ng ganito" at lalo syang napangiti.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi naman ako talaga masaya na may bago ka ng bestfriend pero nung nakita ko ung mukha mo kanina ay bigla na lang nawala ung inis ko kaya heto okay na ako" at tumawa pa sya.

Kaya napangiti na lang ako.

"Kung taken na ang place as your bestfriend ibig sabihin ba nito ay nananatiling bakante parin ang posisyon ng boyfriend" agad napawi ang ngiti ko sa sinabi nya.

Muntik ko ng malimutan na matagal na palang nanliligaw sakin itong si DC ang kaso nga lang dahil sa napahiwalay kami ng eskwelahan ay nawala na sa isipan ko ang bagay na 'yon dahil yun na rin ang simula ng pagkacrush ko kay Zian na dinaan ko sa paggagawa ng love letters.

"Uhm. DC ..."  nahihiya ko syang tiningnan.

"There is someone already in your heart? Let me guess, yung bang si Zian na papalaos na?" bigla akong naramdam ng inis sa sinabi nya kaya banayad ko syang hinampas sa braso dahil para mapa-aray sya at tingnan ako ng masama.

"So, tama nga ako. Halos ilang taon ka na bang nababaliw dyan sa artistang yan na ni minsan naman ay hindi ka mapapansin?" sarkastic na saad nito sakin na lalong nagpainit ng ulo ko. Kaya nilingon ko sya na sa ilalim ng lamesa ay naikuyom ko na ang kamao ko dahil sa inis.

"Ano bang pakialam mo? DC, for your information buhay ko ito at wala kang karapatang pakialaman ito" at nagcross arms ako at umiwas ng tingin. Nakakasama ng loob ang lalaking 'to.

"Yun na ang rason kung bakit kita pinapakialam ngayon e, I want badly to be your boyfriend na kahit halos apat na taon tiniis ko para lang hintayin at maniwala sa pangako mong lilipat ka sa school ko pero kagaya ng pangako mo napako lang ito" nanigas ako sa aking kinauupuan.

I feel so guilty. Ganun na ba ako kasama? Na hindi ko na napansing may nasasaktan na?

"I-i ... I'm sorry DC pero hindi kita type as a boyfriend kundi as a bestfriend lang" nanginig ako habang sinasabi ko yon. Kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata.

"Just like what I predicted! Kagaya nun, hindi mo rin ako tatanggapinin." napatungo na sya at napasabunot ng buhok.

"Is there a sign in my face saying, Hurt me more, I love it?" sarcastic nyang sabi habang may mga luhang bumabagsak na sa kanyang mga mata.

"D-dc"

"Hindi ko pinagsisisihan na magmakaawa ako ngayon sayo pero sabihin mo lang sakin kung ready ka na, tawagan mo lang ang number ko" at tumayo na sya at iniwana akong tulala.

Ganito ba ako kadesperada na mapansin ni Zian kaya hindi ko na napansing sinaktan ko na ang kaibigan ko?

"Oh, nasaan na si DC?" napalingon naman ako dun sa nagsalita at nakita ko si Des na may dalang tray na puno ng pagkain.

"Wala. Umalis na sya" malungkot kong saad.

Umupo na rin sya at nilagay na sa table ang tray at binigay na nya ung binili nya para sakin kahit hindi ako nagpabili at kinuha na rin nya ung kanya.

Muli na lang akong napalingon dun sa dinaan ni DC at hindi maalis sakin ang maguilty.

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon