"Teka, teka, wag kayong mag-away. Matuto naman po tayong mahiya sa mga customers po" mahina kong diin. Dahil nakakahiya na kasi at pinagtitinginan na sila. Napapahiya tuloy ako.
Hindi man lang nila pinansin at nagsukatan pa sila ng tingin na para pang mga electic current na dumaloy. Yikes!
"Alam ko na, bakit di na lang tayo maglunch sabay sabay?" suggestion ko. Nilingon ko silang dalawa isa isa para makita ko kung anong magiging reaction nila.
Masama parin ang tingin ni Zian kay Finn pero si Finn medyo naglighten ang kanyang mukha which is I assume na umaayon sya sa ideya ko.
"That was a wonderful idea, right Zian" saad nya dahilan para sabay naming lingunin si Zian. Nakatingin lang sakin si Zian as if he's waiting for my aproval.
Pasimple akong tumango dahilan maglabas sya ng isang buntong hininga at umayon na lang sa sinabi ni Finn kahit na sumisigaw ang mga mata nya na ayaw nya.
---
Matapos ang sampung minuto ay tumigil na sa pagda-drive si Zian at nauna na akong bumaba. Sumunod sakin si Zian at nandito kami sa tapat ng isang five star restaurant.
Si Finn ay mukhang kanina pa naghihintay samin. Nilapitan ko sya at nanghingi ng pasensya. Iniwan ko si Zian at sinundan na lang nya kami hanggang sa umupo na kami sa aming upuan.
Hindi ko maintindihan sa sarili kung bakit kanina pa ang sama sama ng tingin ni Zian kay Finn gayung mukhang mabait naman tong isang to.
Nilingon ko lang si Finn na nakatitig pala sakin dahilan para mailang ako at umiwas ng tingin.
"Oh! Forgive me. Hindi ko lang talaga mapigilan ang pagmasdan ka."
Napangiti ako sa sinabi ni Finn at nagkaroon na kami mg kwentuhan hanggang sa nawala sa isipan ko na kasama pala namin si Zian.
Pinag-usapan namin ung tungkol sa catering service na sinabi kong hindi naman ako ang dapat nyang kausapin sa bagay na to pero ang sabi nya mas tiwala daw sya kapag ung may-ari ng restaurant ang nakakausap nya.
Hanggang sa dumating na ung mga inorder namin kanina. Patuloy lang kami sa pagkukwentuhan ni Finn hanggang sa natapos kami sa aking pagkain.
"Anyway, salamat sa lahat. I-email ko na lang sayo ung information ng mas detailed at umaasa akong matutuloy na ung date natin" peke lang akong napangiti dun sa huling sinabi nya. Sumakay na rin si Finn ng sasakyan nya at tuluyan ng umalis dahilan para matira na lang kami ni Zian dito sa may labas ng restaurant.
Nilingon ko sya pero ang sama ng tingin nya sakin. Gusto man syang tanungin pero parang hindi ko kaya masyado akong natatakot sa kanya ngayon.
At sa huling sandali at tiningnan nya lang ako at pagkatapos ay basta na lang naglakad papunta sa nakaparada nyang sasakyan at agad inis-start ung engine. Natakot naman ako kaya agad akong tumakbo papunta sa may sasakyan nya at agad umupo sa front seat.
Muli ko syang nilingon pero diretso lang syang nakatingin sa daan nalungkot tuloy ako. Pakiramdam ko kasalanan ko kaya ganyan sya. Hindi ko kasi sya napansin kanina kasi trabaho ang pinag-uusapan namin ni Finn kanina e.
Tumungo na lang ako at pagkatapos non ay nagmaneho na sya. Hindi na rin nya ako dinaan sa restaurant bagkus ay diretsong bahay ang ginawa nya dahilan para naguguluhan ko syang nilingon.
"Zian ..."
"Don't get me started, Akia!" may diin sa boses nya pero hindi ko pinansin yon.
"Bakit mo ako inuwi agad? Marami pa akong gagawin sa opisina. Marami pa akong pipirmahan hindi mo ba--"
"Sa tingin mo ikaw lang ang may gagawin? Kung alam mo lang napakadami kong gagawin pero anong ginawa ko? Pinuntahan kita sa restaurant para makapag-lunch tayo ng sabay ung tayong dalawa lang pero napag-isipan mo pang magsama ng iba. Tapos ngayon ikaw pa tong nagagalit sakin?" malakas na ang boses nya na animo'y sinadya nyang patagusin sa puso't isipan ko. Sandali akong natigilan.
"Z-zian .."
"Akia, hindi mo ba nararamdaman? Gusto kong iparamdam sayong mahal kita pero anong ginagawa mo? Sinisira mo ang diskarte ko. Kung gusto mo naman pala ang lalaking yon, maghiwalay na lang tayo para madagdagan ang achievement nya sa buhay" at pagktapos non ay basta na lang umalis si Zian ng bahay.
Malungkot na lang akong umupo sa may sofa. I feel so guilty. Pakiramdam ko, sobra kong sama. Kasalanan ko ang lahat.
Sinaktan ko ang lalaking mahal ko. Bakit ba kasi mas inuna ko si Finn kaysa sa kanya?
Yumuko ako at hindi ko na napigilang pumatak ang aking mga luha. Hanggang sa dumating ang gabi at oras ng hapunan.
Ako na ang nagluto at tinawag ko si Zian na kumain na ngayon ay kauuwi pa lang na I assume na bumalik sa trabaho kanina nung umalis sya pero tiningnan lang ako ni Zian at nilagpasan. Nalungkot tuloy ako, ako na lang ang kumain nitong niluto ko.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin pinagkainan at ginamitan ko. At pagkatapos non ay umakyat na ako papunta sa kwarto. Nadatnan ko si Zian na nakahiga na at mukhang tulog na sya.
Tahimik lang akong umupo sa kama hanggang sa humiga na ako. Sandali kong pinagmasdan ang likod nya na nakaharap sakin. Pinigilan ko ang sarili kong maluha. At nag-iba na lang ng pwesto at pagktapos non ay pumikit na ako hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
----
Maaga akong nagising dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nag-crave ng hipon. Naghanap ako sa fridge kung meron pero wala akong nakita kaya pumunta na lang ako sa public market at bumili ng isang kilo.
Pagkalinis ko nung hipon ay niluto ko itong buttered shrimp. Ito na ang ginawa kong umagahan. Hindi na rin ako nagkanin.
Ala syete na ng bumaba si Zian. Tinawag ko sya pero kagaya kahapon ay tiningnan nya lang ako at pagkatapos ay mukhang umalis na sya. Nakasuit na sya e. Tumayo ako sandali para yayain uli syang kumain pero hindi nya ako pinansin.
![](https://img.wattpad.com/cover/54418019-288-k377657.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...