Malungkot na lang akong bumalik sa kusina at pinagpatuloy kainin ung niluto ko. Pagkatapos kong kainin ung niluto ko ay nagtext ako sa secretary ko na hindi ako papasok ngayon.
Pagkatapos kong gawin yon ay bigla akong sumigla ng mapansin ko ang ref . Tumayo na ako at binuksan ito. Ang daming laman na halos mag-glow ang mga mata ko.
Kinuha ko na ung ice cream sa freezer at kumuha rin ako ng hilaw na mangga at tinalupan at hiniwa ito. At pagkatapos kong hiwain ang mangga ay sinawsaw ko ito sa ice cream at nagsimula ng kumain.
Tapos nung lunch ay nagluto na lang ako ng adobo at nung natira ay inulam ko na lang ng hapunan. Hindi rin ako lumabas ng bahay dahil tinatamad ako. Hanggang sa nung ala sais ng gabi ay umuwi na si Zian.
Tiningnan nya lang ako at pagkatapos ay nagdire-diretso na sya papunta sa kwarto. Sinundan ko sya at nung pumasok na ako ng kwarto ay sinarado ko ang pinto. Walang emosyon nya akong nilingon at pagkatapos ay binawi nya rin ang tingin nya at dumiretso sa closet nya para kumuha ng pampalit nya.
"Zian .."
Hindi nya ako pinansin at tuloy lang sya sa ginagawa nya. Nilapitan ko sya at hinawakan ko ang braso nya pero tinanggal nya lang ang kamay ko sa braso nya at pagkatapos ay iniwasan nya ako na para bang may nakakahawa akong sakit.
"Zian, naman oh!" hindi nya parin ako pinapansin at di-diretso na sana sya ng banyo ng nagsalita ako ng malakas.
"Zian, hanggang kailan pa ba tayong ganito?" matagal bago nya akong nilingon. At nung lumingon sya at nakaramdam ako ng takot at kaba. Nakakatakot syang maningin. Ito ang unang beses na makikita si Zian na ganito na animo'y galit na galit sya sakin.
"At ako pa talaga ang tinanong mo?" unti unti syang lumalapit sakin dahilan para umatras ako.
"O-oo, kasi ikaw naman ang hindi pumapansin sakin e. M-may magawa ba akong mali?" nagkakabulol na ako sa pagsasalita dahil palapit nya ng palapit sakin hanggang sa na-corner na nya ako ay wala na akong tatakasan pa dahil hinarang na nya ng magkabilang kamay nya sa maaaring gawin kong daan.
Diretso lang syang nakatitingin sa aking mga mata. Napakaseryoso ng mukha nya at parang may gusto syang sabihin kaso hindi nya masabi. Wala na rin ang nakakatakot nyang aura kanina.
Nanatili lang kami ng ganun ng ilang segundo at pagktapos ay sya na rin ang lumayo at pagkatapos ay dumiretso na sya ng banyo para magbihis. Sumalampak lang ako sa sahig at nagsimula ng umiyak.
Hindi ko mapigilan at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako umiiyak. Sandaling nahagip ng mga mata ko ang naka-frame na wedding picture namin ni Zian na sa hindi ko malamang kadahilanan ay nagpahagulgol sakin.
Narinig ko na rin ang pagbukas ng pinto ng cr pero hindi ko yon pinansin at patuloy lang ako sa paghagulgol dito. Dinaan lang ako ni Zian dahilan para mas lalo lang akong humagulgol.
Siguro ay humiga na sya at nagtalukbong. At sa hindi ko malaman sa sarili ko ay mas lalo lang akong umiyak.
"Oh! For crying out loud!" narinig kong bulalas nya pagkatapos kong umiyak na ngayon ay mas malakas na hindi gaya kanina.
Tumayo na sya sa kama at nilapitan nya ako. Tiningnan nya lang ako pero ako ay nananatiling umiiyak parin dito sa sahig na parang bata.
"Tumayo ka na dyan. Ang ingay mo!" hindi ko pinansin ang saway nya at mas lalo ko pang nilakasan ang pag-iyak ko. Pakiramdam ko, inaaway ako ni Zian.
"Ano ba!" medyo malakas na ang boses nya at may halong inis na rin ito pero patuloy lang ako sa pag-iyak.
"Akia .." I heard his gentle voice habang umuupo sya sa sahig upang magkapantay kami. Sandali ko syang tiningnan at nakita kong napalitan na ng gentleness ang mukha nyang naiinis kanina dahilan para hindi ko mapigilan ang sarili ko at yakapin sya ng mahigpit.
"Mahal na mahal kita, Zian" saad ko. Pinikit ko na rin ang aking mga mata at hindi ko na rin hinintay ang tugon nya dahil tuluyan na akong nakatuloy habang nakayakap kay Zian na nakalagay sa balikat nya ang ulo ko.
----
"Zian, zian .." nagising ako ng dahilan sa urge na parang gusto kong kumain ng pizza in the middle of the night.Pinagkakalabit ko lang si Zian na natutulog parin gayung kanina ko pa sya kinakalabit.
"Zian, zian, ibili mo naman akong pizza oh! gusto ko ung crispy ung crust at halos lahat ng flavors nandun na sa pizza-ng yon, Zian!" patuloy ko lang syang kinakalabit hanggang sa marahil ay nakulitan na sakin at gumising na rin sya.
"Akia, ano ba? Alas dos pa lang madaling araw ha?" inaantok nyang saad habang nakatingin sa wall clock.
Umiling iling ako at hinarap si Zian.
"Ano ka ba naman, Zian, pizza lang naman e. Panigurado may bukas pa non" blangko lang syang nakatingin sakin ng ilang segundo na para bang sinasabi sakin na 'Akia, nagbibiro ka ba?'
Pagkatapos ng ilang minuto at nagbuntong hininga sya as a sign of defeat kaya umabot ng tenga ang ngiti ko.
"Ano bang flavor?" tumayo na sya at pumunta na sa closet nya para kumuha ng damit pampalit ng sinagot ko ang tanong nya.
"Lahat ng flavor na available at gusto ko ung crust crispy ha at wag mong kakalimutan sa isang pizza lang yon" umupo na ako at nginitian ko pa sya.
Natigilan sya at kulang na lang ay mabitawan nya ang hawak nyang damit pamalit.
"Nagbibiro ka ba? Dis oras na ng gabi oh tapos ihahanap mo ako ng pizza-ng lahat ng flavor sa isang pizza?"
Nakaramdam ako ng lungkot dahil pakiramdam ko ay nireject ako kaya padabog na lang akong bumalik sa pagkakahiga at nakangusong nagsalita.
"Sige na, wag na!" at tumalikod na ako at nagtalukbong.

BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...