Epilogue (Repost)

1.8K 21 0
                                    


Akia's Pov

"Zian, ano ba! Nasasaktan ako! Bitawan mo ako sabi!" madiin kong saad pero hindi parin binibitawan ni Zian ang pulso bagkus ay mas lalo nya pang idiniin ang paghawak nito dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

Parang mapagbiro lamang ang tadhana, kanina lang ay pinagmamasdan ko ang natutulog na mukha ni Cade ng basta na lang may kumatok sa may pinto sa may ibaba. Bumaba naman ako at sandaling hinanap sina Mama pero wala sila. Maging ang mga kasambahay ay may mga ginagawa kaya nakakahiya naman kung iutos ko pa sa kanya ang pagbubukas ng pinto, diba? And besides, paano na lang kung mahalagang tao pa yan at hindi ko pagbubuksan ng pinto? Ako pa ang mapapagalitan, kaya ako na lang ang nagbukas ng pinto pero nung binuksan ko ang pinto ay natulala at natigilan ako.

Puno ng galit ang kanyang mga mata. Diretso syang nakatingin sakin at basta na lang ako hinigit ng mahigpit papunta sa kwarto. Nang makarating na kami ng kwarto ay halos pabalibag nya itong sinara dahilan para agad akong mapalingon kay Cade na natutulog pa rin sa kama.

Bigla akong natakot na baka biglang magising si Cade at umiyak.

"Zian, ano ba! Bakit ka ba nandito?" pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nya sa pulso ko pero hindi ko magawa dahil masyadong madiin ang pagkakakapit nya dito.

"Akia, malaki ba talaga ang galit mo sakin? Na halos 8 months lang tayong hindi nagtagpo ay iiwanan mo na agad ako? May nagawa ba akong mali?" natigilan ako sa narinig kong sabi nya. Dahan dahan nyang binitawan ang pulso ko habang marahan syang nagsasalita.

Umiwas ako ng tingin at lumipat ng pwesto malayo sa kanya.

"Wag kang magsalita na parang napakadali ng lahat, Zian. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko. Huwag kang mag-assume na ganung kadali lang ang lahat" pasimple kong pinunasan ang mga luha kong nagsimula ng tumulo.

"Sabihin mo, dahil lang ba ito sa 8 months?" tanong nya.

Umiling iling na lang ako. Muli kong pinunsan ang mga luha ko at pagkatapos ay hinarap ko sya.

"Nakapagdesisyon na ako, iiwan na kita. Iiwan ka na namin ni Cade." at naglakad na ako papunta sa may kama para kunin sana si Cade pero naging mabilis si Zian ay hinawakan nya ang pulso at nakita ko sa kanyang mga mata ang galit.

"Tell me, aalis kayo ng anak ko tapos sinong kikilalanin nyang ama? Ung Daniel Caleb na yon? That's nonsense, Akia"

Napaluha na ako sa sinabi nya pero hindi ko napunansan ang mga luha ko dahil agad kinuha ni Zian ang isa ko pang kamay at hinarap nya ako sa kanya.

"Akia, believe it or not. The whole 8 months is most hardest months in my whole life. Ang hirap, ayoko mang pumasok muna sa kumpanya pero hindi ko magawa, kailanganan ako ng kumpanya.Marami akong kailangang asikasuhin. Kaya alam mo, pinangako sa sarili kong pag nag-stable na ang company, babalik uli tayo sa masayang pamumuhay natin. Tapos sa ganito lang, gusto mo na agad bumitaw?"

Sasagot pa sana ako ng makita ko ang luha sa kanyang mga mata. Hindi nya yon pinunasan. Dahilan para masaktan din ako. Wag mong sabihin saking totoo ang lahat ng sinasabi nya.

"Kung alam mo lang, matagal ko ng pinangarap na makasama ka, na maging akin ka, na maging tayo. Bata pa lang ako nun kaso mas pinili mo si Daniel Caleb kaya nagdisisyon ako nung na kalimutan ka na lang at mag-focus na lang sa ibang bagay pero boto talaga siguro satin ang tadhana dahil naging fan kita at ang hilig hilig mong magsulat ng mga letters na yon and the rest is history"

Nabigla ako ng niyakap nya ako ng mahigpit. "Akia, sinabi ko na ba sayong mahal kita?"

Hindi ko sinagot ang sinabi nya. Gusto kong makumpirma sa sarili ko kung totoo ba ang sinasabi nya.

"Akia, hindi lang kita mahal kundi mahal na mahal kita" lalo nyang hinigpit ang yakap nya kaso bigla akong naramdam ng sakit dahilan para mahina akong uminda na syang narinig nya.

Kumalas sya sa yakap at tiningnan at tinanong nya ako kung may masakit ba sakin. Natahimik ako at sandaling kinagat ang lower lip ko. Nawala sa isipan ko na kapapanganak ko pa lang pala kanina which means nanghihina pa ako at medyo masakit ang katawan ko.

"Akia, okay ka ba? May problema ba--" hindi ko na masyadong narinig ang sinabi ni Zian ng bigla na lang dumilim ang paningin ko and the next thing I know was si Zian ang kasama ko.

-----

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising pero madilim na base sa bintana na nandito sa kwarto. Nilibot ko ang aking paningin at may nakita akong maliit na duyan sa may malapit. Nakita ko rin ang lamp na nakabukas ang ilaw.

Tumayo na ako para icheck si Cade ng makita kong nakahiga sa lapag si Zian na ang tanging latag ay ung kumot kong hindi naman ganung kakapal. Nakakumot din sya dahil malamig na rin dito sa kwarto dahil sa aircon.

Lalapitan ko na sana si Cade ng magising si Zian. Agad syang umupo at kitang kita na magulo na ang buhok nya at hindi pa sya nakakapagpalit ng damit. Halaang inaantok talaga sya.

"Akia, kanina ka pa ba gising?" pero imbis na sagutin sya ay nilapitan ko na lang sya at umupo malapit sa kanya.

Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata.

"Akia, nagugutom ka ba? Gusto mo ipaghain ki--" pinigilan ko syang tumayo at pagkatapos ay niyakap ko sya ng mahigpit habang nakapatong ang baba ko sa balikat nya.

"Zian, sorry ha. Sorry kung gusto na kitang iwan. Sorry dahil .."

Agad nyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya dahilan para maguluhan ako.

"No, ako dapat ang magsorry sayo dahil 8 months din yon. Alam kong nasaktan kita .Kaya sana mabigyan mo ako ng panibagong pagkakataon para muli nating simulan ang lahat" naluluha at nakangiti nyang saad dahilan para mapaluha na rin ako.

"Zian, thank you" at niyakap ko muli sya ng mahigpit.

"Salamat dahil tinanggap mo ang pagkukulang mo. Salamat dahil hindi mo ako tuluyang iniwan gaya ng inaasahan ko. Salamat, mahal na mahal din kita" at pagkatapos non ay ako na mismo ang humalik sa kanya.

Nung una ay nabigla sya pero pagkatapos non ay tumugon naman sya.

Pagkatapos non ay inakbayan nya ako at sinabi nya sakin na sya daw ang bumili ng duyan kanina nung natutulog ako.

Nanatili kami kina Mama ng halos tatlong araw dahil ayaw kaming paalisin pero pagkatapos non ay bumalik kami sa dati naming bahay.

Hindi ko na rin tinuloy ang balak kong hiwalayan sya. Sinabi nya sakin ang rason nya kaya napatawad ko agad sya.

Simula ng araw na yon at sa mga sumunod na araw na dumadaan ay tinutupad nga ni Zian ang pinangako nya. Kung pumapasok man sya sa trabaho ay maaga na syang umuuwi.

Sadyang pinapatunayan nyang sya talaga ang Clark Zian Auer na minahal ko non at hanggang ngayon ay mamahalin ko.


Dear Cade Asher Auer,
Ilang taon na ang nakalipas simula naayos ang balak naming paghihiwalay ng Papa mo.

Sana kapag nasa tamang edad ka na ay muli mong balikan ang love story namin ng Papa mo na nagpapatunay na bawat tao dito sa mundo ay may taong nakalaan para sa kanila at maaaring sa oras na ito ay nakilala mo na sya.

Anak, mahal na mahal ka namin ng Papa mo.

Love,
Mama


--------

THE END

---------
Maraming salamat po sa pagbabasa.

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon