Akia's Pov
Kung tatamaan ka naman ng malas oh! Hindi ka nasundo ng sasakyan dahil nagkadiperensya dahilan para dalhin sa mekaniko. Nagjeep ako at may nakalapit pa akong mabaho ang kilikili at sa nakikita ko ay mukhang stage 50 na ang putok nya, nung pagkababa ko naman ng jeep ay sumakay naman ako ng tricyle umaasang ipapasok sa loob ng subdivision pero nabigo ako dahil sa bukana pa lang ay binaba na ako ng tricyle hindi pa ako nakakapasok ng loob.Napasimangot na lang ako. Asar! Kaya nung naglakad ako papasok ay mabuti na lang ay binati ako ni kuyang guard kaya kahit papaano ay mapangiti ako pero agad nawala yun ng nadulas ako, may nakakalat ba namang balat ng saging sa daan.
Napahiga ako sa daan, hindi ako natulungan ni kuyang guard dahil malayo na ako sa kanya kaya sariling sikap na tumayo kahit ang sakit ng pwetan ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang aking paglalakad hanggang may dumaan na sasakyan dahilan para mapalingon ako dun sa lalaking nasa may tapat na sa pakiramdam ko ay kanina pa nakatingin sakin. Pero strange, mukhang alam ko itong bahay na 'to ah!
"Daddy, ibig mo bang sabihin ay dito nakatira si Zian?"
Tumango lang sya at ngumiti.
Oo nga pala, dito ako nagpadala ng sulat nun pero nung isang araw na hindi ako sinipot nung butler nila tinamad na akong magbigay ng sulat kaya nagtiis na lang ako sa post office o kaya naman ay sa post man.
Sandali ko lang itong tiningnan at pagkatapos ay pinapatuloy ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa nakarating ako ng bahay. Ang sakit ng binti at mga paa ko. Plus yung inakto pa ni DC kanina, lalo tuloy sumasakit ang ulo.
Dear Zian Auer,
Kadarating ko lang ng bahay ay pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Alam mo kasi yon, kaninang lunch sa school ay nagkita pa kami ni Daniel Caleb Johnson na mad prefer nyang tinatawag ko syang DC dahil yun ang tawag ko sa kanya nung mga bata pa kami.Alam ko namang higit pa sa bestfriend ang pagkagusto nya sakin pero hindi ko naman magagawang itaas pa dun ang pagkagusto ko sa kanya dahil hanggang kaibigan lang talaga para sakin ang lahat.
Nakakahiya naman dahil halos lahat ng pangyayari sa buhay ko alam mo. Bawat araw lumilipas sa buhay ko alam na alam mo, pero ako ni isang katiting na anong ginagawa mo sa hapon o kaya bago ka matulog ay hindi ko alam.
Pero isa na lang iisipin ko, iisipin ko na lang na makikilala mo ako. Yun na lang.
At saka mutik ko ng malimutan na sinabihan ka nyang laos ka na daw, syempre pinaglaban kita dahil alam kong hindi ka naman laos dahil hindi ka lang masyadong nababahagian ng share ng camera pero okay lang ako dun atleast hindi ka naghirapan dahil hindi masyado ang mga fans na tinitilian ka.
Kaya Zian, sana nababasa mo talaga ang mga sulat ko. Imposible mang umasa akong magrereply ka kahit na sa isa sa mga sulat ko ay mananatili akong naniniwala.
Naniniwala akong magrereply ka rin. Iniisip ko pa lang kinikilig na ako.
Sige, mukhang bukas na lang uli at matutulog muna ako,
Nagmamahal,
Akia Megumi CelestineTinago ko na sa emvelope ung letter ko at nilagay ko ito sa plastic para hindi maalikabukan. At pagkatapos ay humiga na ako sa kama.
At nakatingin lamang sa kisame. Mapapatawad pa kaya ako ni Dc? Hindi ko naman siguro kasalanan na hindi ko kaya syang magustuhan na higit pa sa kaibigan diba?
----
Clark Zian Auer's Pov
Pagkapasok na pagkasok ko pa lang sa loob ay tumambad agad sakin ang mukha ng manager ko na nakasimangot habang may hawak hawak syang tatlong letters na sa tatya ko ay mula na naman sa Akia-ng yon.
Napasimangot ako at maglalakad na sana ako para iwasan ang manager ko ng makita ko ang nakangising mukha ni Kuya Nico.
"Zian, mukhang nakalimutan mo na namang kuhanin yung mga sulat ni Akia sayo kaya kinuha na namin ni Robert" he is referring to my manager.
Tahimik ko lang tiningnan si Manager Robert at si Kuya Nico at maglalakad na sana ako papaakyat ng hagdan ng magsalita si Robert.
"This girl can bring you back!" abot tengang ngiti ni Robert sakin. Nakangiti din si Kuya Nico.
Tiningnan ko lang sila at maikling tinanong .
"What?"
"I mean, marry this girl because this girl can bring your whole carrer back" nangniningning na ang mga mata ni Robert samantalang si Kuya Nico naman ay nakaakbay kay Robert.
Dahil sa parehas na ugali nila naging bestfriends na silang dalawa just like Jess and Thower.
"Why do I need to marry an unknown girl?" nakataas na kilay na tanong ko at tumalikod na at aakyat na sana ako ng hagdan ng magsalita si Kuya Nico, full of seriousness.
"If you only know that Mom & Dad wants to you be married"
Hindi ko na sya nilingon pa at pinagpatuloy ko na lang ang akyat ko sa hagdan hanggang sa pumasok na ako sa kwarto ko at nilock ito.
Umupo ako sa sofa at pinag-isipan ko ang lahat ng sinabi nila.
"Zian, now that you're grown up, your mother and I want to see you happy" panimula ng Dad ko. Nagcross arms na lang ako at straight ko lang syang tiningnan.
Nandito kami sa library dito sa bahay. Dahil kagaya ko ay mahilig ding magbasa ang Dad ko.
"Son, your father mean is ..."
"I want you to be married" singit ng Dad ko.
"Okay--What?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"You too are joking,right?" pero umiling iling lang silang dalawa dahilan para makaramdam ako ng kaba.
"Anak, ang kuya Nico mo ay magpapakasal na next month at naisip namin ng Mom mo na oras mo na rin na lumagay sa tahimik"
I was speechless. Hindi ako makapagsalita dahil hindi kayang idescribe ng salita ang nararamdaman ko ngayon.
"Mom, Dad, Look, I enjoyed my life pero bakit gusto nyo akong magkaroon agad ng asawa? Ni nililigawan nya wala ako eh, asawa pa kaya?"
Pero imbis na marinig ko ang sasabihin ng dad ko ay nangiti lang silang dalawa ni Mom at nagkatingnan silang dalawa.
"You will soon find out son" at tumayo na silang dalawa at iniwan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/54418019-288-k377657.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...