Nakita ko syang nanigas sa kinatatayuan nya pero pagkatapos ng ilang segundo ay muli nyang na-compose ang sarili nya.
"Wag mong lokohin ang sarili mo. Hindi ko anak ung batang nasa sinapupunan mo. At alam mo sa sarili mong totoo yan" nasaktan ako sa sinabi nya dahilan para lalo akong mapaluha.
"Alam kong ang sinasabi ko ang totoo. Ikaw mismo sa sarili mo ang nagloloko sa sarili ko. Akala ko, ayaw mo sakin pero hindi mo sinabing ayaw mo rin pala sa magiging anak mo"
Maya maya pa ay sinabi na sa kin ng doctor, sabi nya tulog daw ako kaya sinabi nya kanina kay Zian at bumalik daw sya dito sa room ko para sabihin sakin ng personal.
Hindi daw kinaya ng baby ko ang sama ng loob at stress kaya bumigay daw sya.
Malungkot akong umuwi ng bahay. Nagkulong lang ako sa nursery room at hinihimas ang tyan kong walang laman. Iniwan na ako ng anak ko.
Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nagsimula na naman akong umiyak dahil nararamdaman ko na namang nag-iisa na naman ako.
Nagkatulog na rin ako dahil sa pag-iyak.
---
Hindi ko napansing halos magda-dalawang araw na pala akong hindi lumalabas ng nursery room at maghapon lang nakatulala sa kisame habang umiiyak. May balak pa sana akong bumili ng mga cute na damit para sa baby ko pero biglang nawala ang lahat.
Ilang buwan na lang pero hindi na nya kinaya ang lahat at iniwan na nya ako. Niyakap ko ng mahigpt ang unan na nandito na heart shape at lumuha.
May narinig akong mga katok sa pinto. Alam kong si Zian yan at wala akong balak na pagbuksan sya. Kung sana lang ay okay lang pero mali ang ginawa nya dahil sya mismo ang pumatay sa sarili nyang anak. Pinatay nya ang anak ko.
"A-akia, wala ka bang balak lumabas ng nursery room?" hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya at mas hinigpitan ang yakap sa unan.
--
Clark Zian's Pov
Magiging anak mo
That thought squeezes my heart. Ang sakit lang tanggapin na magiging tatay na pala ako pero wala man lang akong kaalam alam. Napakabobo ko naman para hindi maisip na maaaring ako ang ama ng batang dinadala nya.
Hindi ko naisip na maaaring ako nga ang ama ng bata dahil ang alam ko ay may nangyari samin.
Wala sa sariling napaluha ako. Napahilamos ako ng mukha ng marealise kong lahat ng pagkakamali ko. Pagkakamali sa pagtrato kay Akia at sa lahat ng nagawa ko.
Siguro ... kailangan ko ng magbago pero hindi ako siguro kung magagawa ko ito ng madalian.
---
It's been 2 days at hindi na dito natutulog si Akia sa kwarto. Hindi na rin sya kumakain. Wala man akong pakialam sa kanya ay nag-aalala parin ako.
Tanging nagkukulong lang sya sa nursery room. Nalulungkot akong nakatingin sa pintuan ng nursery room matapos kong kumatok at hindi nya ako pinansinin.
Kaya bago ako umalis ay nagiwan ako ng note sa ref na nagluto ako.
Pagdating ko sa trabaho ay binigay na sakin ung script pero hindi ko masyadong maintindihan ung binasa ko dahil nag-aalala ako para kay Akia. Tinawagan din ako nila Mom na pupuntahan nila si Akia dahil nag-aalala din sila dito.
Naglabas na lang ako ng buntong hininga at hindi ko napansin sa sarili kong napaligon naman ako dun kay Direc na kasama ung anak nyang lalaki at masaya silang nagkukwentuhan.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng sakit at paghihinayang.
"Ano, kinain mo ung sinabi ko?!" napalingon ako dun sa nagsalita. Si Darren pala.
Hindi ko na lang sya pinansin at sandaling pinunasan ang mga luhang dumadaos-os sa pisngi ko at pagkatapos ay binasa ko muli ung script. Pero hindi ko ito masyadong maintindihan dahil basta na lang akong inakbayan ni Darren.
"Alam mo kung ako sayo, mags-stay muna ako sa bahay para may kasama si Akia. Alam mo kasi bro, sabi ni Des ang mga babae daw kapag brokenhearted ay mabilis na mainlove sa mga lalaking nagkakapagpapangiti sa kanila kapag nasasaktan sila" hindi ko na lang pinansin ung sinabi ni Darren at babasahin ko na sana ung script ng magsalita uli sya.
"Tapos sa ganda ni Akia, malamang ay popormahan na yon ng iba plus ang balita ko ay crush na ni Thower si Akia kaya Zian magbantay kang mabuti sa asawa mo dahil baka mabigla ka sumama na lang sya sa iba" at pagkatapos sabihin yon ni Darren ay basta na lang sya umalis dahilan para maikuyom ko ang kamao ko .
-----
Akia Megumi's Pov
Pagkatapos bumisita nila Mom,Dad,Mommy at Daddy ay lumabas na ako ng nursery room at tumambay na lang ng sala. Mabuti na lang talaga at pumasok sa trabaho nya si Zian. Tinext ko na rin si DC na sya muna ang bahala sa restaurant dahil pakiramdam ko ay hindi ko pa kayang magmanage ngayon.
"Akia ..." nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang dumating.
"T-thower, anong ginagawa mo dito?"
"Ano pa ba, edi binibisita ang crush ko" abot tenga nyang ngiti kaya peke lang akong napangiti.
"Ahh. Hindi mo ba kasama si Z-zian?" naiinis ako sa sarili ko bakit si Zian agad ang naisip ko gayung naiinis ako sa kanya.
"Wala. May shooting si Zian ngayon" sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nakaramdam ng takot sa mga ngiti nya ngayon.
"Pasensya ka na, medyo nakainom ako Akia. Humuhugot lang ng lakas ng loob, alam mo naman. Gusto ko sanang itanong sayo kung pwede.." hindi na nya tinuloy ang sasabihin nya ng basta na lang nya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at unti unting nilalapit ang kanyang mukha sakin. Nilalayo ko naman ito pero nilalapit nya hanggang sa sumandal na ang ulo ko dito sa head board sa sofa.
"Can I kiss you, Akia?" nanlaki na ang mga mata ko sa sunod nyang ginawa kaya napapikit ako ng madiin at ilalapat na sana nya ang labi nya sakin ng may narinig akong bumagsak sa sahig dahilan para mapamulat ako ng aking mata.
Only to find out na nakahiga si Thower sa lapag tulog na may dugo sa gilid ng labi nya at si Zian na hinihingal pang nakatingin kay Thower habang nakaporma pa ang kamao nya.
"A-anong ginawa mo?" pero imbis na sagutin ay sinamaan nya lang ako ng tingin at basta kinarga na parang bagong kasal at dinala ako sa kwarto.
![](https://img.wattpad.com/cover/54418019-288-k377657.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...