"Zian, matanong lang ha, isang taon na ang lumipas wala ka pa rin bang nararamdaman para kay Akia? " lahat kami ay napalingon kay Thower na biglang nagseryoso.
"Kagaya ng sinabi ko. Hindi ko alam. Pero ang alam ko lang nung unang beses ko sya nakita ay na-attract na ako sa kanya"
"Boom!" at pumalakpak pa si Jess dahilan para lingunin namin sya. "Ayon naman pala e, Zian, pag-aralan mo sa sarili mo kung ano ba talaga yang nararamdaman mo, tutal kayong dalawa lang naman sa iisang bubuong hindi na mahirap malaman ang totoo dun dahil alam mo na baka maunahan ka pa ng iba" at nakakaloko pang ngumiti si Jess.
-------
Akia Celestine-Auer's Pov
Napagkasunduan namin ni Dc na punatahan yung location kung saan itatayo ang restaurant. Napangiti na lang ako ng nakikita ko na ang improvements. Pinicturan at binalita ko na rin ito kina Mommy at Daddy para malaman nila at nagsend din ako ng picture kay Des na ngayon ay nasa Seoul,South Korea.
Nagkaroom kami ng kwentuhan ni Dc tungkol sa mga ilalagay sa restaurant pag itong nabuo na at kung ano ano pa. Naisipan na rin naming maghapunan sa restaurant nila Mommy. At good thing dahil nakita namin dun si Mommy na may kausap na friends nya kaya lalong napahaba ang usapan hanggang sa mag-a-alas nuebe na ako ng gabi nakauwi.
Nilapag ko na lang sa may sofa ang sling bag ko at pumunta na sa kwarto. Nakita kong nakahiga na si Zian at mukhang tulog na sya kaya hihiga na sana ako ng higaan ng marinig ko syang nagsalita.
"Kasama mo na naman sya?" naguluhan ako sa sinabi nya kaya napakunot ako ng noo.
"Sino?"
"Ung lalaking yon" madiing saad ni Zian.
"Ano?" sunod kong tanong sa kanya pero hindi na sya nagsalita sya dahilan para isipin kong siguro ay nagsasalita lang sya habang tulog kaya humiga na lang ako sa kama at natulog na.
Sinag ng araw ang gumising sakin kaya agad na akong tumayo at sandaling naghilamos at nagtooth brush ng ngipin at pagkatapos ay pumunta na ako ng kusina para sana magluto ng makita kong nakaalis na pala si Zian.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagod. Nakaramdam ako ng lungkot.
Ganito na lang ba ako lagi ? Kailan naman ako mapapansin ni Zian? Kaya siguro dahil gusto kong maging friendly at mapansin ni Zian ay humantong ako sa pagkuha ng phone ko at tawagan ang kuya ni Zian.
"Hello, Prof. Auer?" narinig kong natawa sya.
"Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Naka-gradute ka na't lahat tapos Prof parin ang tawag mo sakin?" natawa lang ako sa sinabi ni Prof.
"Maiba tayo Prof, may number ka ba ng manager ni Zian?"
"Si Robert? Bakit mo kailangan ng number ni Robert?"
"Gusto lang sanang puntahan si Zian, alam mo na Prof para makapag-ayos na. Isang taon na kaming kasal pero ganun parin ang pakikitungo nya sakin" nakaramdam na ako ng lungkot.
"You know what, nung makilala kita alam kong bagay talaga kayo ng kapatid ko kaya hindi kita pipigilan dyan sa gusto mo" at inisa isa na sakin ni Prof ang number ni Robert. Sinulat ko lang ito sa sticky note.
Pagkatapos non ay inend ko na ang call at tinawagan naman si Robert.
Pagka-end ko ng call kay Robert ay gumuhit na sa labi ko ang saya dahil nalaman ko na kung nasaan si Zian kaya ipagluluto ko sya ng lunch.
Pagkarating ko sa lugar ay hindi ako pinapasok ng guard kaya tinawagan ko pa si Robert para mapapasok pa ako sa loob.
"Akia, pasensya ka na, hindi ka nakilala nung guard. Dapat kasi sinabi mong asawa ka ni Zian" nakangiting saad ni Robert.
"Ok lang yon. Hindi naman talaga kami ganun sa real life kaya ok lang. Ok lang dahil hindi naman talaga asawa ang turing namin sa isa't isa" sandali syang natigil sa paglalakad pero pinagpatuloy uli nya kaya muli ko syang sinundan hanggang sa narating na namin.
"Akia, umupo ka muna dyan. In five minutes ita-take na nila ang next scene" tumango na lang ako sa sinabi ni Robert at umalis na lang sya. Kaya sandali kong pinagmasdan ang lugar na ito.
"Ready on five,four,three,two .." marahil dahil sa pagmamasdan ko sa lugar na to ay hindi ko na napansin na nagsimula na pala.
Umupo na lang ako ng ayos ng may naramdaman kong umupo sa may kalapit ko. Hindi ko na lang pinansin yon ng marinig ko itong nagsalita.
"Then you must be,Akia Megumi Celestine, such a wonderful name" dahil sa narinig ko ang pagkakabigkas ng pangalan ko ay hindi ko napaligilan ang sarili kong mapalingon at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"T-thower?" nanlaking matang bigkas ko ng pangalan nya. Dahil na rin sa ito ang unang beses ko syang nakita in person.
Natatawa syang nilapitan ako at muling pinaupo dahil sa nangyari kanina ay basta na lang akong tumayo dahil sa pagkagulat.
"Napakaganda mo pala talaga in person, Akia" napangiti na lang ako sa sinabi ni Thower at tahimik na lang na pinanuod and eksenang inaarte nila Zian.
Hanggang sa natapos ang eksena at nagkaroon sila ng lunch break. Kinuha ko na ang opurnidad na yon para lumapit kay Zian, sumunod lang sakin si Thower.
"Zian .."
"Ano ba yan, bakit nagpapasok ang guard ng isang basura dito?" bulong nung babaeng ka-eksena ni Zian kanina sa kalapit nya at nagtawanan pa sila.
Nakaramdam naman ako ng kahihiyan para sa sarili ko. Gusto kong sabihin na kasal ako kay Zian pero mukhang kahit sabihin ko ang bagay na yon ay pagtatawanan lang ako ng lahat dahil maging media ay nakalimutan kung sino ako.
Ganun na lang ba ako kababa para hindi ako maalala? Na ni minsan ay lumabas sa tv at dyaryo ang mukha ko? Well siguro hindi talaga dahil pinalabas ng balita na asawa ako ni Zian at naghiwalay din kami agad.
Which means tinanggalan nila ako ng karapatan.
"Zian, ang ganda nya talaga" nabalik lang ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang sinabi ni Thower. Hindi ko na sana papansinin yon kundi hindi ko lamang sana narinig ang pangalan ko.
"Ang ganda talaga ni Akia,diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/54418019-288-k377657.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomansaHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...