Chapter 39

3.2K 56 0
                                    

Pinunasan ko ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi. Peke rin akong ngumiti habang pinupunasan ko ito. Pero wala e, napaka-plastic ko naman sa ginagawa ko ngayon.

"Akia, naaalala mo ba pa ang mga nangyari 3 years ago? Napakadami diba? Halos hindi ko na kayang isa isahin, pero alam ko na alam mong nalagpasan mo ang lahat ng yon tapos ngayon ka pa susuko?"

Naguguluhan kong nilingon si DC. Hindi sya nakatingin sakin bagkus at diretso lang ang tingin nya.

"DC ..."

"Akia, alam kong alam na alam mong mahal na mahal kita diba?" natigilan at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Hinarap nya ako at sabay nilagay ang mga kamay nya sa magkabilang balikat ko. Natulala ako sa kanya dahil sa ginawa nya.

"D-dc ..."

"Alam mo ba kung gaano kahirap mag move on? Kung gaano ko nakayanang lokohin ang sarili kapag nandyan ka at kung gaano ko lokohin sa puso't isipan ko na si Kylie ang mahal ko kahit na ang totoo ay nung una pa lang ikaw na talaga ang tinitibok nito"

Natulala ako. Hindi ko alam kung paano ako magre-react.

"DC .."

"Stop calling me DC, pakiramdam ko pinatuyanan ko lang sa sarili ko na hanggang kaibigan lang talaga ako para sayo"  Nanatili akong nakatulala sa kanya habang sya naman ay pasimpleng pinupunasan ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi.

"Akia, look, mahal kita, mahal na mahal kita pero sa byahe ng pag-ibig mukhang huli na talaga ako. Maaga nga akong nakabili ng ticket at nakaready na ang mga gamit ko simula pa lang kaso naunahan pa ako ng iba. Naunahan pa ako nung taong hindi naman nag-effort na bumili ng ticket at maghanda ng dadalhin nya. Pero ako --" tinanggal na nya ang kamay nya sa magkabilang balikat ko at tumungo na sya. Alam kong umiiyak na sya dahil bumabagsak ang mga luha nya at nakikita ko ito.

"Akia, sana kung maibabalik ko lang ang panahon. Kung may nage-exist ang tinatawag nilang time machine ay gagawa ako ng paraan para makasakay dun para makabalik ako sa panahon na kung saan sana hinila na kita sa school na papasukan ko para hindi ko na nahumaling sa kanya.  Sana, tayo ang nagkatuluyan at hindi kayo. Sana hindi ka nasasaktan ngayon dahil kung naging tayo lang talaga ang nagkatuluyan tyak lagi kang nakangiti. Kung alam ko lang ung arrange marriage thing na yan, sana, sana nakagawa ako ng paraan para itigil ang lahat. Sana nagawa ko ang lahat para hindi ka napunta sa kanya kasi Akia, mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na"

The whole time ay hindi ko na napansin sa sariling umiiyak na pala ako habang nakatingin sa nakatungong DC na nakalagay ang kamay nya sa kanyang mukha.

"DC .."

"I lost the war. Natalo ako pero alam kong hindi ko tatapusin dito ang lahat, kahit alam kong talo na ako hindi kita papabayaan. Ganun kita kamahal, Akia. I can risk everything just for you"  hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap nya ng mahigpit habang umiiyak ako.

Hindi ko inaasahan na magco-confess sakin si DC na ang buong akala ko ay naka move on na sya. Pinag-usapan namin ang lahat at nakapagdesisyon na ako.

Alam kong sasaktan ko sya at masasaktan ako pero anong magagawa ko? In the first place, umasa ako, nasaktan ako. Kaya tatapusin ko lang ang nasimulan nya. Tatapusin ko lang ang lahat.

"ARE YOU sure about this, Akia?" both families na ang sinabihan ko. Sinabi ko sa kanila ang lahat. Ang dahilan kung bakit gusto ko ng tapusin ang lahat.

Kung ang ibang buntis ay nagpapahinga dahil ilang araw na lang ay manganganak na sila well, ibahin nyo ako. Nandito ako sa bahay ng family ni Zian, just to tell them everything. Pinapunta ko na rin ang parents ko para marinig nila ang lahat ng sasabihin ko.

"Yes. Nakapagdesisyon na po ako. Naaalala ko pa ung sinabi ni kuya Nico na hindi totoo ang kasal namin ni Zian.." lahat ay napalingon kay kuya Nico na sya namang iwas at may kinuhang phone sa bulsa nya.

"Siguro yun na rin ang message ng tadhana na hindi kami para sa isa't isa. Tapos kagaya ngayon, diba po kung mahal ka ng isang tao ay gagawa at gagawa sya ng paraan para makasama ka nya ? Isang bagay na hindi ko nakita kay Zian sa loob ng nakakaraang siyam ba buwan. Siguro nga ay naging okay kami ng isang buwan pero pagkatapos non ay sya na ring bumalik sa dati"

Pinilit kong pigilan ang sarili kong hindi umiyak kahit gustong gusto ko ng umiyak.

"Akia, tinanong mo ba ang rason nya kung bakit sya naging ganun?"

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon