Chapter 24

2.9K 52 0
                                    

Akia Megumi Celestine-Auer

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Hindi kami totoong kasal ni Zian? Sa dalawang taon na pagsasama namin, hindi totoo ang lahat?

"You're joking,right" at para kahit papaano mawala ang pagka-uneasy ko ay pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. At pagkatapos ay muling bumalik sa sala para linawin ang sinasabi ni Kuya Nico.

"Kuya Nico--"

"You don't believe me? Here" at inabot sakin ni Kuya Nico ung brown envelope, naguguluhan man ay tinanggap ko ung brown envelope.

"Basahin mong mabuti ang nakasulat sa papeles. Nakasaad din dyan na hindi valid ang naging kasal nyo" wala sa sariling tulala akong umupo sa may sofa habang hawak hawak ang brown envelope na inabot sakin ni Kuya Nico.

Hindi ko na rin alam kung nananatili pa bang nagbabasa ng libro si Zian o umalis o nagpaparty na dahil panigurado masaya yon dahil hindi naman talaga totoo ang kasal namin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman, matutuwa ba ako? malulungkot, o iiyak. Hindi ko alam kung paano ako magre-react.

Basta ang alam ko lang ay nananatili akong nakatitig sa brown envelope habang unti unting pino-process sa isipan ko ang lahat ng sinabi ni Kuya Nico.

----

Clark Zian's Pov

Basta na lang umalis si Nico pagkaupo ni Akia sa may sofa. Nung marinig ko ung sinabi ni Nico ay pinigilan ko ang sarili kong magwala. Pasimple ko ring naikuyom ang kamao ko dahil sa galit at inis.

"Nico .." puno ng diing bigkas ko ng pangalan nya.

Tumigil sya sa kanyang paglalakad at hinarap ako habang suot suot ang ngisi sa kanyang mga labi.

"What are you playing huh? Hindi ka ba na-inform na hindi ako makikipaglaro?" sinamaan ko sya ng tingin pero hindi parin natatanggal ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Mabuti naman at naisipan mong sundan ako." at nagcross arms pa sya habang nananatiling nakangisi.

"Hindi ako nakikipagbiruan! Nico, ano yung kanina? What are you doing--"

"Kilala kita Zian, you're not even serious in your life right now kaya heto gumawa ako ng paraan para maging seryoso ka na." at tumalikod na sya.

"What do you mean?"

"Don't worry, I'm just testing you if you can pass my tests" at pagkatapos nyang sabihin yon ay umalis na sya.

Napasipa ako sa may pader dahil sa frustrations.

"Ahh! Asar!" pinagsisipa ko ito.

Nakakaasar.


----

Akia Celestine-Auer

Halos hindi ako nakatulog kagabi. Kahit na alam kong tulog na itong kalapit ko sa higaan ay hindi parin ako madalaw ng antok. Hindi parin kasi mawala sa isipan ko ung nabasa at sinabi ni Kuya Nico kanina.

Para kasing ang hirap tanggapin. Pero kailangan kong tanggapin dahil ito ang totoo.

Maaaga akong gumising at pumasok sa trabaho. Nagpahanap na rin ako sa secretary ko ng Condo Unit at maya maya pa ay sinabi nyang may nahanap na sya dahilan para pumunta ako dun sa unit para tingnan.

Nung naging okay sakin ung unit at nagkabayaran kami. Ayoko mang gumastos pero kailangan dahil kung tutuloy ako sa unit ni Zian ay wala naman akong karapatan dahil hindi naman ako ang asawa nya dahil peke pala ang lahat.

Napapaiyak na lang ako kapag naiisip ko. Sa loob kasi ng dalawang taon na yon ay lalong lumalim ang pagtingin ko kay Zian.

Fully furnished na rin ang unit na paglilipatan ko kaya gamit ko na lang ang kulang kaya nung mga gabi na ako umuwi ay pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nag-empake ng damit. Naabutan pa nga ako ni Zian.

"What are you doing?" tanong nya pagkapasok nya ng kwarto namin.

"Mage-empake, kasi diba hindi naman tayo tunay na kasal kaya ang pangit naman tingnan kung mananatili pa ako dito diba? and besides matagal na namang alam ng media na hiwalay tayo diba pero this time it's for real" habang sinasabi ko yon ay pilit kong pinipigilan ang sarili kong masaktan. Oo, ramdam ko kung paano kumurot ang puso ko pero kailangan kong tanggapin.

Mahal ko si Zian pero hindi sapat ang pagmamahal ko para mapatunayan na kasal talaga kami sa isa't isa

"No. Hindi ka aalis" agad tinanggal ni Zian ang kamay ko sa page-empake kaya naguguluhan ko lang syang tiningnan.

"What are you doing? aalis ako, hindi tamang titira tayo sa iisang bahay without the blessing of the Lord" at pagkatapos kong sabihin yon ay sinara ko ang zipper ng luggage ko at binaba ko na ito sa lapag at nagsimula ko na itong hilahin papunta sa may pinto ng kwarto.

"Akia--"

"I get it, alam ko namang masaya ka kaya nga aalis na ako. Anyway, salamat pala sa dalawang taong pagsasama natin. Too bad, hindi pala totoo ang lahat"

Hindi ko na sya hinintay pang masalita at basta na lang akong lumabas ng kwarto at simula ng maglakad papunta sa may pinto. Aaminin ko, hinihintay kong kayapin nya ako sa likod at sabihin saking wag na akong umalis pero dalawang hakbang na lang ay wala parin sya. Ni footsteps nya ay hindi ko naririnig kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol papalabas ng bahay.

Sumakay na ako ng taxi at sinabi ko ung address. Iyak lang ako ng iyak .Hindi man lang nya ako pinigilan man lang. Totoo nga talaga lahat ng pag-a-assume ko, hindi ako mahalaga para sa kanya.

Nakakaiyak naman ang ganito.

Mamimiss ko sya.

Dear Zian Auer ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon