Napangiti lang ako sa sinabi ni Momy at tumayo na ako at nilapitan sya. Niyakap ko sya sandali.
Pwede ko bang sabihin na dito ko gustong matulog? Para kahit papaano ay makalimutan ko ung nangyari kagabi?
"Mommy .." panimula ko pero hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil naalala ko na naman ung nangyari kagabi at mga realizations ko.
"May problema ba kayo ni Zian?" bumakas sa mukha ni Momy ang pag-aalala kaya napangiti na lang ako ng pilit.
"Ahh .. Gusto ko po kasing makasama muli kayo ni Daddy kaya gusto ko po sanang .." nagsimula na namang bumagsak ang mga luha ko. "dito muna tumuloy sa bahay"
Niyakap lang ako ni Momy. Hindi na nya ako tinanong pa dahil sa yakap na pinapadama nya sakin ay sinasabi lang nitong 'kaya mo yan'
----
DITO na ako sa bahay magpapalipas ng gabi. Tatanggalin ko muna sa isipan ko ung maaaring nasa bahay na si Zian dahil naniniwala akong hindi man lang nya ako hinahanap o hinihintay man lang.
Sa loob ng isang taong lumipas ay kilala ko na sya at sa pagkakakilala ko sa kanya ay wala akong halaga para sa kanya. Sadyang dumating lang ako sa buhay nya para muling maibalik ang sarili nya sa limelight.
Inayos ko na ang kumot ko at wala sa sariling napalingon sa table ko kung saan nagsusulat ako nun ng mga letters. Sandali akong umupo para tingnan ang mga naiwan kong gamit sa drawer nito.
May nakita akong dalawang envelope na may laman na sulat na hindi ko pa pala naise-send.
Kaya kumuha ako ng isa at pagkatapos ay binuksan ko un at binasa na ang letter.
Dear Zian Auer,
Nag-away kami ni Des, hindi ko matanggap sa sariling niloko nya lang ako. Pwede naman nyang sabihin sakin ung totoo diba?
Pwede nya naman siguro sabihin sakin na 'hindi ko sinabi sayo ang lahat dahil baka hindi mo ako maintindihan' .
Zian, aaminin ko mahirap pero pipilitin komg inintindihin ang lahat. Kaibigan ko sya, mahal ko sya.
At saka hindi naman siguro kami tatagal ng magkaibigan kung hindi ko sya mahal diba?
Kakayanin ko naman siguro diba? Kung binigyan lang nya ako ng oras para tanggapin ang lahat.
Salamat ha. Kasi kahit papaano nailabas ko ang lahat ng ito. Hindi ko kasi ito masabi kina Mommy at Daddy.
Nagmamahal,
Akia Megumi CelestinePagkatapos kong basahin ang sulat ay binalik ko na ito sa drawer at muli akong humiga sa kama at nagkumot.
Sana noon pa lang tinigil ko na ang kabaliwan kong ito. Sana nagresearch ako ng mas deeper para nalaman ko kung sino ba talaga si Zian.
Sandali kong pinunasan ang luha kong mabilis na bumagsak. Pinilit ko ang aking mga mata at nanalangin at pagkatapos ay natulog na.
Ako na rin siguro ang lalayo.
----
After 2 months ....
"Ang gaganda ng sinabi ng mga critics sa restaurant nyo." nakangiting sabi ni Kylie habang hawak hawak ang magazine. Nakangiti lang si DC at hinawakan ang kamay ni Kylie.
Sa dalawang buwan ding kasing lumipas naitatag na ang restaurant namin.
Mukhang sa loob ng dalawang buwan ay nakamove on na si DC.
Napangiti lang ako at ininom ang pineapple juice at kakainin sana ang carbonara ng maamoy kong hindi na maganda ang amoy nito kaya inilayo ko ito sakin. Mukhang napansin naman ito ng lovers sa harapan ko kaya natigilan sila at napalingon sakin.
"Akia, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Kylie sakin. Tumango lang ako pero sa pagtango ko ay muli ko na namang naamoy ang carbonara dahilan para maduwal ako.
Nabigla sila sina DC at Kylie sa nangyari kaya agad napatakip ng bibig si Kylie. Naguluhan naman ako at napakunot ng noo sa naging reaksyon ni Kylie.
"A-akia .." nanginginig na ang mga kamay nya habang nakatakip sa bibig nya ang kamay nya.
"Anong problema, Kylie?"
Hindi nya pinansin ang tanong ko bagkus ay basta na lang nya hinawakan ang pulso ko dahilan para mabigla ako at manlaki ang mga mata ko.
"Kylie, ano bang problema bakit mo hinawakan ang puls--"
"Ilang buwan ka ng delay?" straight to the point nyang tanong dahilan para mapanganga si DC na papasubo na ng carbonara. Pero si Kylie para mabilis na na-compose ang sarili dahil diretso na syang nakatingin sakin habang nananatiling nakahawak sa pulso ko.
"You're freaking me out right now, Kylie" bigla na akong kinabahan sa sinabi ni Kylie at hinihinigit ko na pabalik sakin ang pulso ko pero mas lalo nya pang hinigpitan ang hawak dito.
"Come on, tell me. Two months? Three months?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Binitawan na rin nya ang pulso ko pero hindi ako makapagreact sa narinig ko.
Maaari kayang ... No! Hindi pwede! Hindi pwedeng champion agad sya in just one shot.
Umiling iling ako at agad kinompose ko agad ang sarili ko.
"Kylie, wag ka nga! You're reading too much stories kaya naiisip mo na maaaring mangyari sakin ung mga nababasa mo" at pagkatapos ay tumayo na ako.
Nagpaalam ako sa kanila, pinigilan nila ako pero hindi ko na lang pinansin yon at pinagpatuloy ko lang ang pag-alis ko sa restaurant.
Bakit hindi ko naisip ang bagay na ganun? Ganun ko na ba ginugol ang dalawang buwan ko sa restaurant dahilan para makalimutan kong hindi pa ako dinadatnan?
NATAGPUAN ko na lang ang sarili ko na papasok sa isang drug store. Ayoko man malaman pero gusto kong malaman. Ayokong nananatili ako sa gitna ng postive at negative.
Para once in for all, malaman ko na ang lahat.
At pumuwesto na ako sa counter at umorder na. Wala ng urungan 'to. Anumanv maging result tatanggalin ko ito ng buo.

BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomanceHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...