Nabigla ako sa sinabi nya at tatanungin ko sana sya ng malaman kong tulog na pala sya.
Wala sa sariling pinagmasdan ko lang si Zian at kinumutan ko lang at niyakap sa kanyang likuran.
"Siguro blessing nga na kinasal tayo. Dahil kahit papaano natupad ang pangarap ko,eh"
-----
SINAG ng araw ang nagpagising sakin. Agad akong tumayo at nung narealize kong nakahubad pala ako ay agad akong tumakbo ng banyo para diretsong maligo na pero mali palang desisyon na tumakbo dahil halos hindi ako makalakad sa sobrang sakit sa may pagitan ng hita ko. Mabuti na lang talaga at wala si Zian dito kundi nakakahiya talaga.
Pa-ika ika akong naglakad papunta ng banyo hanggang sa pagbibihis ay nahihirapan ako dahil konting maling galaw ay mararamdaman ko ang sakit.
Napadaan naman ako sa may gilid ng kama para kunin ung phone ko ng makita kong may blood stain sa bed sheet.
Agad akong napasinghap. Totoo nga ang nangyari kagabi. Akala ko nananaginip lang ako pero nagkamali ako.
Hindi ko na napansin sa sarili kong umiiyak na pala ako. Mabilis ko lang itong pinunasan at agad ng pumunta ng banyo. Kasabay ng pagsakit ng pagkababae ko ay kasabay din ang pagsakit sa bandang puso ko.
Marahil ay wala lang para kay Zian ang nangyari sa aming dalawa. Siguro, dahil lang sa lasing sya kaya nangyari yon. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa sarili ko, awa kung saan pinabayaan ko ang sarili ko na may mangyari samin ni Zian kahit wala sya sa tamang katinuan.
Napahagulgol lang ako habang bumabagsak sa likod ko ang tubig na nagmumula sa shower. Kahit anong lamig ng tubig ay parang walang kakayanang tanggalin ang kirot.
Pagkatapos non ay nagbihis na ako at bumaba na para magluto ng umagahan ko. Alam kong kanina pa nakaalis si Zian. At alam ko rin na kahit may nangyari saming dalawa ay wala parin akong halaga para sa kanya.
---
Clark Zian Auer
Umiling iling na lang ako pagkapasok ko dito sa establishment kung saan kami magsho-shoot ng scene. Gusto ko ng makalimutan kung anong nakita ko kanina nung nagising ako.
Iniisip ko palang naiinis na ako sa sarili ko. Nagpatangay akosa espiritu ng kalasingan kaya nagawa ko ang bagay na yon.
Marami na ring nga staff ang bumabati sakin pero hindi ko na lang sila pinansin at diretso lang ako sa aking paglalakad.
"Kumusta?" isang nakangising mukha ang pinakita sakin ni Thower. Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na lang anf aking paglalakad.
"Tell me, may nangyari ba?" hindi ko muli sya pinansin hanggang sa nakarating na ako sa loob ng dressing room at agad ko itong ni-lock. Napabuntong hininga ako pagkatapos kong ilock ung pinto pero nung maglalakad na ako papunta sa may closet ay may biglang sumipot dahilan para mabigla ako.
"Hahaha. You should have seen your face, it's priceless" umiiyak ng tawa ni Jess. Hinila ko na lang ang kwelyo nya at hinigit na papalabas nang ...
"So, kumusta kagabi?" bigla akong natigilan sa aking narinig.
Napahigpit ang kapit ko sa kwelyo nya at iniharap ko sya sakin. Masama ko rin syang tiningnan.
"Sinadya nyo ang lahat,noh?" nanggigigil na saad ko pero mukhang hindi man lang sya natakot bagkus ay ngumisi pa sya.
"So, meron ngang nangyari. Ayos yon,bro! Tell me, ok na ba kayo ni Akia? Sabay ba kayong nagising kaninang umaga? Niyakap mo ba sya magdama--" hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya ng basta ko na lang syang tinulak papalabas ng dressing room.
Agad ko rin itong nilock dahil baka basta pumasok ung taong yon.
"Ano bang nangyari kagabi? May nasabi ba akong hindi dapat marinig nya? Gosh! Anf tanging naaalala ko lang ay nung hinalikan ko sya kagabi at nung magising ako, yakap yakap ko sya"
-----
Akia Megumi Celestine-Auer
Napag-isipan kong itext si DC na hindi muna ako pupunta sa site. Naintindihan naman nya ako at naisipan ko na lang na magpunta kina Mommy, sa mom ko.
Nung nakita ako ng mga maids ay natuwa nila akong binati, binati ko silang lahat. Pumasok na rin ako sa loob at nakita kong papalabas na si kuyang driver. Nagkangitian lang kami at pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad.
"Akia, bat ka nandito, anak?" napalingon ako dun sa nagsalita.
"Daddy!" agad akong tumakbo kahit medyo masakit parin ung pagkababae ko pero hindi ko yon pinahalata at niyakap ko ng mahigpit si Dad.
"Anak, may problema ba? May masakit ba sayo?" umiling lang ako at hindi ko na rin naiwasang maluha.
Biglang nagbalik sa aking alala ung mga panahong hindi pa kami ni Zian. Ung mga panahong sabay sabay kaming kumaing pamilya. Nagtatawanan, kwentuhan pero ngayon wala na ang lahat ng yon.
"Wala po. Sadyang namiss ko lang po kayo ni Mommy" nakangiti kong saad.
Gusto kong aminin kung ano talagang rason kung bakit ako nandito pero hindi makaya ng dila kong salitain ang nilalaman nitong puso ko. Kaya siguro ay idadaan ko na lang sa iyak ang lahat ng sakit.
"Naku naman, ang anak ko" at niyakap ako ng mahigpit ni Daddy.
Pinunasan nya rin sandali ang mga luha ko nung kumalas sya sa yakap. "Akia, malaki ka na, wag ka ng magiging iyakin ha"
Tumango na lang ako sa sinabi ni Daddy at niyakap sya muli.
Nagkwentuhan, nanuod kami ng tv habang kumakain ng ice cream. Caramel flavored. Naisipan din namin ni Daddy na mag movie marathon kaya game na game ako.
"Nakakapagod pero masayang magshopp--" hindi na natapos ni Momy ang kanyang sinasabi ng mapalingon syan sakin at marahil sa pagkabigla ay nabitawan nya ang mga paperbags na dala nya.
Napatakip din sya ng bibig dahil sa pagkabigla.
"A-akia, bakit ka nandito. Alas sais na ng gabi ha."
![](https://img.wattpad.com/cover/54418019-288-k377657.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Zian Auer ✔️
RomantizmHandsome Actors Series Book 3 "Akia, If you want I can marry you right here,right now but in return you need to stop this sending letters of yours? It's making me sick!" Could this be the fulfillment of a dream of a fan girl or this is jus...