Prologue
Is everything okay there? Ready na ba si Ianna?
Sinwipe niya ang kanyang screen at nag-enter ng passcode para mareplyan ang text ni Erin.
Yes. Malapit ng matapos ang hair and make up niya.
She replied. Tinignan niya si Ianna na walang kamalay-malay habang inaayusan ito. For Ianna, it's just a normal day of work but little did she know... she is having her wedding today.
Okay. Text me when everything is done.
She typed okay and send it to Erin as she look up to Ianna.
"Saan ang location ng photoshoot natin ngayon?" Pangungulit nito.
"Sa Eiffel Tower." Tipid niyang sagot. Ayaw na muna niyang magsalita dahil baka madulas siya at masira lang ang plano.
Napakunot-noo ito ng makitang kinukuhanan ito ng kanyang photographer.
"We're also shooting for behind the scenes now?" She asked again.
Now how will she answer that? Mabilis siya naghanap ng maipapalusot. "Ah... yeah. It's my staffs' idea." She's not that good with lying so she hoped that Ianna didn't notice it.
Napatango na lang ito parang may duda parin pero pinili na lang nitong manahimik.
She sighed. You can do this Therine. For Ianna's happiness.
"Ilang wedding gown ang isho-shoot natin ngayon?" Maya-maya ay tanong nitong muli.
"Uunahin natin yung pang-final gown sa runway. Kapag may time pa tayo we'll proceed to the other wedding gowns." Mabuti na lang at napaghandaan niya ang sagot sa tanong na iyon. Umakto siyang busy sa cellphone niya. Sana ay mapaniwala niya si Ianna sa kanyang busy-busyhan mode at lulubayan na muna siya nito.
"Mmkay." Sagot nito at mukhang titigilan na nga siya sa pang-i-intriga.
Hanggang sa matapos ito sa pag-aayos ay inabala niya ang sarili niya sa kanyang cellphone kahit wala naman siyang ginagawa doon.
"Why do I feel like I'm actually having my wedding day today?" Saad nito.
Pakiramdam niya ay bigla siyang ninerbiyos ng sobra at namutla. Nabuking na ba sila/siya?
Nagtawanan ang kanyang mga staff na kasama nila sa silid. Her staffs knows about the plan of Ianna's secret wedding. At nagpapasalamat siyang kasama niya ang mga ito para mapagtakpan ang buong plano. Namutla at na-speechless siya sa sinabing iyon ni Ianna. Life saver ang kanyang mga staff. Without them, sigurado buking na siya at ang plano ni Blake na surprise wedding
"Totoo nga Miss Ianna! Iba na talaga nagagawa ng inlove, blooming!"
"At engage, kaya mas lalo pang bumublooming!"
Medyo enthusiastic na saad ng staff niya habang nagpapalitan ng makahulugang tingin. Mabuti na lang at inabala ni Ianna ang sarili sa pagmasid sa salamin.
"Muntik na tayo doon Therine." Bulong ni Rissa, ang kanyang photographer.
"Yes mabuti na lang at napagtakpan ni Dianne at Angel." Bulong niya rin. "Take some photos of her. Kailangan daw yan para sa album."
Tumango ito at naghanap ng angulo para makunan ng pictures si Ianna.
Is she done? Everything is ready here.
Text ni Erin.Okay, papunta na kami. Aayain ko na siya palabas ng hotel.
She replied."Let's go?" Pag-aaya niya matapos mareplyan si Erin.

BINABASA MO ANG
Worth The Risk (Bachelorette Series 4)
RomantizmBook Four of Bachelorette Series ✔️ Completed There's a type of love that's not worth keeping for, you can let it pass with no hard feelings. But there will come a time when you'll find that one great love. A love that you're willing to risk it all...