GTL 32:Sudden Break up

17 1 0
                                        

Isang linggo na mula ng mangugulo yung impaktang ex ni alien.

At isang linggo na ding wala si alien sa school.Binibisita ko siya sa bahay niya kaso sabi ng ate nya nasa ibang bansa daw sya.

At hulaan nyo.Kasakasama nya sa ibang bansa yung ex nyang si Evette impakta.

Business lang daw.As if business nga lang.Tss.

"Ate Kathleen!Bat ba nasa ibang bansa yung dalawang yon?"naiiyamot kong sabi kay ate Kathleen na katabi si Kuya Quen.

"Huh?IDK.Basta sabi nya business matter lang daw."DAW lang daw eh.-_-.Walang bang sagot na sure?

"Katkat!Gusto mo?"sabi ni kuya kay ate kath.Katkat?Corny ah.

"Sige QuenQuen."mas lalo pa ata akong naduwak.

"O?Anyare sayo Ash?"sabi ni ate Kathleen.Paano kase pibalobo ko yung pisngi ko na parang nasusuka.E sino ba namang di masusuka sa kakornihan ng dalawang to?

"Nakakaduwak?Kayo yon ngayon.Katkat?Quenquen?Pwe!Ang kokorni nyo!!"sabi ko sabay tayo.

"Bitter ka lang!"singit ni AJ.Psh!Pwera sila na ulit ni Trish."Di kasi nagpaparamdam sayo si alien MO."

"Che!"sabi ko sabay alis.

Hayz!Bat nga ba kasi di nagpaparamdam yang alien?Meron namang internet at cellphone!Wala pading silbi?!Hayz!Di ko na alam ang gagawin ko.

Isa lang ang masasabi ko.Ang cold mo walang tatalo.

********************
Walking through the hallways.Balita ko kase umuwi na si alien.At maaga syang pumasok.

Miss na miss ko na sya.Nakakayamot!Nakakatampo!

Hayz!Lagot talaga sa akin yun pag-........

Pinigilan ko agad ang patak ng mata ko.Well nakita ko lang naman na hinalikan ni Jyetry si Evette.WOW ha!Nawala lang ako anong nangyari na?

Mayamaya nakita naman ni Evette na nasa harapan nya ako.

"Oh?Hello Ash!Adito lang sana ako para ihatid ang FIANCE KO.Dont worry di ako manggugulo.Right Jyetry?"sabi ni Evette kay Jyetry.

Nagulat naman si Jyetry ng makita ako.Pero mayamaya naging cold ang mata nya.Yung parang titig na wala lang ako sa kanya.

Tumango na lang si Jyetry bilang sagot.Wow huh as in wow!

So?Magfiance pala sila huh?Wala akong kaalamalam huh.Ang galing.Nawala lang sila.Business matter daw.Tapos pagdating nila dito-.......Wow ha!Talaga!

Di ako makapaniwala.Pumasok ako dito na ito ang maabutan ko.Oh!My!Gosh!

E di sige!Okay lang naman sa akin na may fiance yung bf ko ng di ko nalalaman.Okay lang naman talaga eh.Okay lang.Okay lang talaga.

Pero mapride akong tao at ayaw ko ibaba ang sarili ko.Lalo na pagganto.Sige!Taguan ng emosyon.

"Hi din!So Fiance mo na pala sya?Congrats huh!Congrats Jyetry!Hayz!Perfect na perfect talaga kayo."natutuwa kong sabi kahit hindi naman talaga yun yung nararamdaman ko.

"Thanks!"sabi ni Evette sabay lingkis kay Jyetry.At nginisian pa nya ako huh.

Gusto ko syang sabunutan, sampalin o kaya patayin.Pero ayoko naman magmukhang apektado.

Kahit na sa loob loob ko unti unting nadudurog ang puso ko.

"BTW,I gotta go!Bye Jyetry!Bye Ash!"sabi nung impakta sabay entrance.Nginitian ko naman sya.Peke huh!What do you expect me?Ngitian ng tunay yung bruhang yon?!Huh?!

"Ash..."napatingin naman ako sa cold na pagsasalita ng cold na nagsalita.

"Yes?Haha.Huy!Congrats huh!Hindi mo man lang sinabi sa akin na may fiance ka na pala."natatawa kong sabi.Kahit pilit yun.Mayamaya dumating si Trish.Siguro alam na niya.Mukha naman siyang hingal dahil siguro hinahanap ako."Grabeh ka Jyetry!Di mo man lang sinabi na may Fiance ka na pala.haha.Ganyanan na!Haha.GF mo pa naman ako tapos di mo sinabi."sabi ko.Pero sa pahuli di ko napigilang pumiyok.E yan na eh.Naiiyak na ako.

"Ash...Im sorry"Damn You!!!!!Damn that sorry thing!!!Bat ba pag lagi na lang ako iniiwan idadaan nila sa sorry na yan?!

"Sorry?!Sorry?!Aanhin ko ang sorry mo huh?!Umalis ka ng walang paalam!Tinanong ko sa ate mo kung nasaan ka!Ang sabi nya nasa ibang bansa just for Business Matters!Business matters?!Fuck that Business Matters!"sabi ko sabay bato sa sahig ng hawak ko."Jyetry!Ginawa mo akong tanga!Sabi mo mahal mo ako!Pero bakit kailangan mo ako saktan?!"humihikbing sabi ko.

"Ash....I love her...I love Evette"napatungo naman sya.

Bakit naman sya nagkatungo??
Naguguilty ba sya?!Naguguilty saan?Sa paggawa sa aking tanga.

"Edi sana hindi mo sinabing mahal mo ko!!Para hindi na kita kailangan mahalin ng ganito!!Ginawa mo akong tanga!Ginawa mo akong tanga!Ginago mo ako!"sabi ko sabay palo sa dibdib nya.

"Ash.....tama na..."sabi ni Trish sabay higit sa akin palayo kahit nagpupumiglas ako.

"Bakit ba lagi nyo na lang ako sinasaktan?!Ano bang ginawa ko sa inyo para saktan nyo ako ng ganito?!Pagkatapos nyo makuha ang gusto nyo iiwan nyo na lang ako sa ere!Ganon?!Huh?!Ganon?!"napasipa na ako."Mula ngayon ayaw na ayaw kong makikita ang pagmumukha mo at ng babaeng yon!!Naintindihan mo?!"

Sabi ko sabay takbo patungo sa kung saan.

****************
Clasroom
History Class

Kailangan ko pa din pumasok kahit na ganto na yung sitwasyon.Napipilitan lang talaga ako.

Pero hindi naman ako nakikinig sa klase eh.Nakalutang lang ang utak ko.

"Kambal.....okay ka lang ba huh?Bat pugto yang mata mo?"kagrupo ko si AJ.Buti naman nagiba ang seating arrangement dahil sa by groupings na project ngayon.

Sa halip na sagutin hindi ko na lang sya pinansin.

Hayz!Pambihira!Bat ba ang sakit sakit?!Nakakainis huh?!Argh!!!

Makapagcutting na nga lang!!!

"Huy kambal!Bat ayaw mo magsalita?!Huy!Pansinin mo naman ako!"kinulit nya ako ng kinulit perp mayamaya pinigilan sya ni Trish.

"AJ!Mamaya ko na lang sasabihin sayo...."pabulong na sabi ni Trish dahulan para matahimik ang kakambal ko.












Got To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon