Nakangiti akong nakahiga habang nakatingin sa ceiling ng kwarto ko.
Ewan ko.Pero alam kong mukha akong tanga dito.
Anyways,anything was perfect until my phone ring.
"Hello?Istorbo ka alam mo?"paggreet ko.Sino kaya ang istorbong tumawag at sumira ng pagpapantasya ko sa taong mahal-
[Ah...ganun ba?Sorry naman po.Itatanong ko lang po sana kung tuloy yung date po natin kaso po naiistorbo ko po pala kayo....kaya sige na po ibaba-]
"Subukan mong ibaba!Malilintikan ka sa akin!"si AKL ko pala.Si alien pala to.Grabeh akala ko naman ibang tao eh.Nasungitan ko tuloy."Atsaka hindi ako matanda para sabihan ng po.Nakakainsulto.Feeling ko nga mga 12 years old lang ako....Hmp!Feeling ko pala yon.Sa paningin mo pala mukha na akong matanda."nakapout kong sabi.Sa ganda kong to.Kelan pa ako nagmukhang matanda?I never get old.T_T...
[Hindi naman sa ganon AKL ko....Wag ka na magtampo.Hindi ka naman mukhang matanda.Atsaka wag kang magalala.Tama ang feeling mo......ikaw ang pinakamagandang babae sa paningin ko.Kaya hindi kita ipagpapalit sa kung sino sino.]wait lang!Magiiscream lang muna ako sa loob loob ko.
Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Ayan tapos na.Pwede na ako magpakipot ulit.hehez.
"Sus kaya pala pinagpalit mo ako kay Evette na impaktang despidida."sige emote pa more.
[I just did that to save you.Atsaka kahit naging kami ng kunwari...hindi ka pa din napapaltan dito sa puso ko.Ikaw lang naman ang taong pinili nito.Kaya kahit ano mang mangyare.Dito pa din sa puso ko ang kalalagyan mo.]ese...pede bang kiligin?'ano ba Ash!Kinikilig kanna nga eh magpapaalam ka pa?'sorry naman po.
Panira talaga lagi ang maldita kong utak.
[Atsaka bat ganyan ka kay Evette.Akala ko ba magkaibigan na kayo?]-_-.Okay na eh!Tss.Kaso parang masconcern sya sa impaktang witch na yun!
"Magkaibigan?Asa sya!I just said that para lubayan nya ako nung pauwi na ako.Hindi ko naman alam na masyado syang utouto.Ako?Magkakaroon ng kaibigan?At sa isang impakta pa?No way!And by the way....tuloy ang date."
[Sige.Meet me at 6:00 sa tapat ng bahay nyo.Magkapitbahay tayo remember?Susunduin kita.I love you]
"Okay.I love you too"
*end of convo*
Evette's POV
Huhuhuhu.I really wanna be friends with Ash.
Actually IDOL ko sya.Ngayon ko lang ipinapakita kase nga magkaaway kami dati.
Huhuhu.That Trish is so kainggit.Because my IDOL Ash is her BFF.
Paano ko ba sya magiging friend?E kahit kulitin ko sya no effect.Kamalditahan kase nun.
"Oh.....look who's here?Desperadang impakta.Sa lahat ba naman ng pwedeng makita."napatingin ako sa nagsalita.Si Trish pala.
Mukha atang sya ang bago kong kaaway.Besides galit ako sa kanya kase ayaw nya ako palapitin sa bff nya nung isang araw.
"Tss.Siguro ganan ka kasi threaten ka lang makuha ko ang bff mo.At ako ang maging bff nya."pagmamalaki ko.Aba!Syempre hindi ako magpapatalo."Mas maganda at mas sexy kumpara sayo.Pretty cute ka lang pero I can see fats in your tummy with your fitted shirt."pangasar ko.Nainis naman sya.Haha.Mainis ka pa please.
"How dare you!Pwede ba?Tigilan mo na ang imahinasyon mo na bff ka ni Ash.Ni ayaw nya nga sayo eh.So paano mangyayari yang sinasabi mo?Atsaka maganda ba kamo?Aba!E mas mukha akong maganda kesa sayo.Ako at si Ash lang ang basehan ng maganda sa mundo.Tingnan mo pa sa dictionary.Natural beauty to noh."tss.So haba ng speech."...Ang sayo.Guess it was a plastic surgery.....tulad ng tingin sayo ni Ash dati....Plastic."na woah naman ako sa sinabi nya at hindi makapaniwala.
"Una,tanggap ko pa na ang basehan ng ganda sa mundo ay si Ash.Pero ikaw?Mapapalitan pa kita noh!Paginupdate yung luma mong webster dictionary.Ash and Evette.Atsaka natural ang beauty ko noh!Dont be so jealous kaya siguro-"
"Pwede ba kung magbabangayan kayo wag sa tapat ng bahay ko?Okey sana kung sampalan at sabunutan.Kaso sagutan pa.Alam nyo yung salitang nakakarindi?Kayo yon!Isearch nyo sa google.At hindi sa mga webster dictionary nyo mga bulok."OoO.....Si Ash.
Agad naman akong ngumiti at lumapit sa kanya.
"Hi Friend!^_^"bati ko.Sabay belat kay Trish.
"Friend?Sino?Yung gate ba ng bahay ko?"T_T ikaw naman ang tinutukoy ko eh hindi yung gate ng bahay mo."At ikaw Trish!"sabay turo nya kay Trish.Huhuhuhu.Bat ba lagi na lang si Trish?Makaalis na nga!
"Pumasok ka sa bahay!May atraso ka pa!Pasalamat ka at paghindi ka talaga dumating nako.Kawawa si AJ sa akin pagnagkataon."
Hmp!Andaya naman!
Ash's POV
"Anong nginingiti ngiti mo dyan babae ka?Kung makangiti ka akala mo wala kang kasalanan?Paghindi ka tumahimik.Ipapalit kita kay Evette!"
"Talaga?As if gusto mo maging kaibigan yung bruha na yon.I bet aalilain mo lang sya."
"Hoy!Umayos ka nga!At dahil dyan sa kadaldalan mo ikaw ang magpapaligo sa aso ko."bigla namang tumayo si Trish.
"Excuse me?BFF ako hindi yaya o caretaker ng aso."
"Excuse me?Dadaan lang?...Hindi ka nga yaya,mukha ka lang yaya.Sige na!Paliguan mo na ang aso ko.Kasi seryoso ako na pagdi mo ginawa ipapalit kita kay Evette."
"Seryoso?"
"Oo."panakot ko.Agad naman syang tumakbo palabas at hinanap ang aso ko.Hayz!Yung babaeng yun!Sumaya lang ako naging sakit na sa ulo.
Kung hindi k lang sya bff malamang nasabunutan ko na sya.
BTW,Ive got to get ready for a date.
Teka......diba nagbreak kami?
I mean.....kami pa ba?Or liligawan nya ulit ako?
Aish!Bahala na this!
Ang mahalaga mahal namin ang isat isa.Thats what relationship is all about.
Kasi hindi sapat na isa lang ang nagmamahal.Kailangan parehas.Para happy walang ending.
O ha?Kuha mo?
