GTL 45:Plan

23 2 0
                                    

Jyetry's POV

Nakakainis naman si Ash eh.Akala nya ata kami na ni Lyn.

Tapos etong si Lyn umamin sa akin na gusto nya ako.Ano kaya sasabihin ko?

Malaki ang utang na loob ko sa taong to.

"Oppa?Gusto mo din ba ako?"by just looking at her.

Mabait sya.Sya ang naging kaibigan ko na babae ng umalis si Ash papuntang Canada.

Hindi ko to makakayang saktan.Para ko ding kapatid to eh.

"Gusto din kita Lyn..."bigla naman nagliwanag ang mata nya.

"T-talaga?"tuwang tuwang sabi nya.

"Gusto din kita Lyn pero hanggang kaibigan lang yon."sabi ko.Pasensya na Lyn.

Pagkasabi ko non agad syang sumimangot.

"How dare you?!After kitang damayan ng isang taon,nung iniwanan ka ng babaeng yon na tinutukoy mo!"sabi nya sabay sampal sa akin."Akin ka lang Jyetry!Pinaghirapan kitang abutin!Akin ka-"dahil sa inis ko ay hinawakan ko sya sa magkabilang balikat na ikinabigla naman nya.

"Lyn!Pwede ba?!Hindi mo ako pagmamayari!Kasi hindi ako sayo in first place!"madiin na sabi ko."Thank you dahil dinamayan mo ako!Pero hindi ko yon masusuklian ng pagmamahal ko!......Dahil paano ko sasabihing gusto kita kung hindi naman talaga kita gusto!.....Mahal ko si Ash!Alam kong hindi mo alam na may ginawa ako na hindi nya nagustohan kaya iniwan nya ako.Kase ang buong alam mo ay sya ang lumoko sa akin!......Pero nagkakamali ka Lyn.Hindi na mauulit ang pagkakamaling yun Lyn dahil hindi ko na kakayanin paglumayo pa sa akin ulit yung taong mahal ko!"agad naman syang umiyak at tumakbo palayo sa akin.

Tatawagin ko sana sya kaso.....anlayo na nya.

Hayz!

Ash's POV

"Wow huh!Kapal ng kalyo sa mukha ng lintang yon!"sabi ni Trish.

"Oo nga.May paconfess effect pa.Ano to?Sabunutan mo na kaya Ash."suggest ni Evette.

"Tss.Pakasaya sana sila!"sabi ko sabay upo sa bench.

"Huh?Ash!Hindi ikaw yan!"sabi ni Trish.Kumunot naman ang noo ko.Sa ganda kong to,paano nya masasabing hindi ako to?
"Ang tunay na Ash!Palaban!Diba sabi mo nga?Ang iyo ay iyo lang.Bawal makishare!"

"Atsaka Ash...."sabi ni Evette sabay hawak sa balikat ko."Ash,kung pinaglaban mo sana si Jyetry edi sana pinayagan ko kayo na let it be.Hindi itong nanggagamit ako.Ash,wag mo ulitin ang pagkakamali mo ng isa pang pagkakamali."anong ibig nyang sabihin?"Kung ang pagkakamali mo noon ay hindi mo sya naipaglaban kaya nasira kayo eh,bat hindi mo ibahin ngayon?At itama yung mali mo?"

"Exactly!"pagsangayon ni Trish kay Evette.

Abat!Hindi nagaaway tong dalawa.Last time I checked sila ay aso't pusa.

"Ano naman ang gagawin ko?Gusto nyo ba makipagtag of war ako sa lintang yon?E alam ko namang kusang sasama sa kanya yung alien na yon eh!Tingnan mo nga kanina,niyakap na't lahat hindi pumapalag!"naiinis kong sabi.

"Hmmm.....Asaan ba si Jonathan?"sabi ni Evette sabay labas ng celphone nya.

"Anong connect neto kay Jonathan?"tanong ni Trish na sana ay itatanong ko den sana.E sa naunahan ako eh.Alangan ulitin ko yung tanong?Tanga lang?

"Pagseselosin natin si Jyetry.Kilala ko sya.Pagnagselos yon kusa yong lalapit sayo."tss.ang dami nyang alam sa alien na yun.

"Then!Kaboom!Ashtry leave happily ever after!"nalulukang sabi nung dalawa.Happily ba daw kamo?Wala pa ding forever!

Lalo na sa katulad kong bitter!

"Hello Jonathan?"abat!Tinawagan nga."Hindi.Hindi.Its not what you think,hindi ito evil plan sa paghihiwalay kay Ash at Jyetry.........pagbabatiin natin sila......................Ah!Basta!Long story!Basta meet mo ako bukas sa cafe and Ill tell you the whole thing.......kaya kung ako nga sayo umuwi ka na kamo.Namimiss ka na ng mga nadito.......Bye!"sabi nya sabay baba ng celphone at tingin sa amin."Everything is finally settled!"

"So?What's the plan?Paano kung balakin nna naman ni Jonathan na paghiwalayin si Jyetry bat si Ash."

"Dont worry Trish!He won't do that again.Actually,may tao syang nagugustuhan.Kaya imposible na yong mangyari.I saw him lovesick with that girl."Si Jonathan?May bagong nagugustuhan?Bago yun ah!Nakamove on na din ang loko sa mga masasamang ginawa ko.

"Bye guyz!"sabi ko sabay takbo.Sensya na!Gabi na eh!May curfew ako!Mapapagalitan ako ng kuya ko!

*********
The next morning

"So.....kamusta ka na Ash?"masiglang sabi ni Jonathan.

We were talking about our plan.

Me,Jonathan,Trish and Evette.

Hindi naman nakakailang.Sanay na ako.Mas gumaan na din yung loob ko.

"Mukha ba talaga akong okay?Hayz!Ang hirap talaga maging maganda!Kahit hindi ka okay,maganda ka pa den!"sabi ko.Tinawanan lang nya ako.

"Ahaha.Mayabang ka pa din!"Hello?May ipagmamayabang ang gandang to noh?!

"So magpapangap kang manliligaw ni Ash.Para magselos si Jyetry."kinikilig na sabi ni Evette.

"Sige.Payag ako.haha.Im up for it.Basta tulungan mo ako kay Ano."

"Oo na.Hahanapin ko pa yung babaeng yon at irereto kita."sabi ni Evette.

Everything is well planned by them.

Habang ako nakikisabay lang.

Aba'y sila naman ang patay sa akin pagnagkalinteklintek eh!

******************
"Kambal!Bilisan mo na kumain!"sigaw sa akin ng kakambal ko.

"Bakit ba?!E sa nakain pa ako eh!"reklamo ko sabay kagat sa bacon.

"Ang mga manliligaw mo!Nasa labas na!Naghihintay na!"

O_O.........processing.............Si Jonathan!!!

Agad agad akong tumayo at lumabas.

Ang pinagtataka ko lang eh......bakit mga?

Pagkalabas na pagkalabas ko eh nagulat ako.

Si Jonathan.......well ineexpect ko naman talaga sya........kaso.....Si Jyetry....I didn't expect him....

"Goodmorning my princess.."sabi ni Jonathan sabay halik sa akin sa pisngi.No choice.Go with the flow."Tara na,hatid na kita.."tumango na ako.

Nako.Kaderders hinalikan pa ako sa.pisngi!Pwede namang hindi na naman ah!Atsaka kung hindi lang ako sumangayon sa plano baka kanina pang namula ang pareho nyang pisngi sa sampal ko.

Bago pa ako makapunta sa kotse ni Jonathan e may malakas na kamay na humigit sa akin.

Paglingon ko.........

"Kelan pa sya nanliligaw sayo?!!"galit na tanong nya.Mahigpit ang hawak nya sa balikat ko.

Pati ako nagulat sa pagsigaw nya.Kase hindi pa sya sumisigaw ng ganto.

Sorry....Jyetry....sorry.

"Kagabi lang,well anong oras nga ba?....hmm....yung oras ata after ng pagyayakapan nyo ni Lyn?"agad naman syang natigilan.Unti unting naalis yung hawak nya sa balikat ko.Tiningnan ko sya sa mga mata nya."Atsaka wala namang masama na ligawan nya ako diba?.....tutal.....hindi naman tayo."

Habang pinagmamasdan ko ang mata nya......ewan ko pero parang nasasaktan ako.

Hindi cold.Pero malungkot.Papaiyak na nga sya eh.Ayaw lang pumatak.

Agad agad akong sumakay sa kotse ni Jonathan.

Ng makapasok ako sinarado ko ang pinto.Bago humarurot ang kotse nakita ko si Jyetry na pumatak ang luha at nakatayo lang doon.

Gusto ko sya balikan pero......gulong gulo ako.

Jyetry.......ginagago mo ba ako?......o mahal mo talaga ako?

Puso koy litong lito!Nalilito!
















Got To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon