Ash's POV
Another day......Malungkot pa din ang aura ko.
Isang linggo na mula nang malaman ko lahat.......isang linggo ko na din syang hindi nakikita.........
Hindi kase sya napasok....
Hanggang sa naisipan ko pumunta sa park.
Papunta ako sa may swing....nang may nakita akong lalake doon....
Nakatalikod sya pero kilalang kilala ko sya.
Sya yung lalakeng di ko naisip na mahal pa rin pala ako.........yung lalakeng gusto ko na makausap....
Yung lalakeng gusto ko paabutan ng sorry ko...
"Jyetry...."
"Ash-er uhm.....Jasy?A-anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong nya sabay tayo sa swing.
"Uhm.........naisipan ko lang pumunta dito."sabi ko sabay upo sa kabilang swing.Umupo din naman sya.
Nakakabingi ang katahimikan.Hindi ko alam kung paano ako magoopen ng convo eh.
"Uhm......Jyetry..."banggit ko.
"Hmm?"that voice is damn soft.I miss it.
"Uhm.....wala wala....."hayz!Anu ba yan Ash!Anong nangyayare sayo.
"Jasy...uhm-"
"You can call me Ash."pahayag ko sabay ngiti.
Natigilan naman sya pero mayamaya ngumiti din sya.
Ngiting pamatay.Na matagal ko nang hindi nakikita.
"Ash......nung nalaman mo....galit ka ba..."
"H-hindi naman......uhm.....oo...siguro...baka........galit na galit nga ako kay Evette....pero sa totoo naawa ako sa kanya....ginawa lang naman nya ang lahat para lang sa taong mahal nya....."parang ikaw Jyetry.
"E.....sakin.....galit ka ba?"napatingin ako sa kanya.
Tumayo ako tapos binatukan sya ng malakas.Para naman damang dama ang pagmamahal ko sa kanya.
"Hoy!Ikaw Alien ka!Mas galit ako sayo!Alam mo ba nakakainis ka!Bakit may paligtas ligtas ka pa dyang nalalaman?!Ha?!Wag ka nga!Hindi ka superhero!Alien ka!Kung makapagligtas ka feel na feel mo naman ikaw si Superman!Huh?!Alien ka!Wala kang kapangyarihang katulad ng kay Superman!Gusto mo batukan pa kita ng isa?!Ha?!"nung una nakita kong nasaktan sya sa pagbatok ko pero mayamaya tumawa sya.Haluh!Anong nakakatawa?
"Hoy!Ikaw alien ka!Kung makatawa ka ng wagas akala mo wala kang atraso sa akin!Tumahimik ka nga dyan!"
"Hahahahahahahaha!"tiningnan ko naman sya habang tunatawa sya.Kung kanina naiinis ako.Ngayon naman natutuwa ako.
Kase feeling ko sa isang taon nyang kalungkutan.Ngayon lang sya sumaya ng ganto.
Naiiyak na ako nyan eh.Yan nga!Umiyak na ako!
Bigla naman syang tumayo para iharap ako.Nginitian nya ako at pinahid ang luha ko.Tapos tumingin sya sa mga mata ko.
Mga matang cold na nanumbalik na ang sigla.....
"Nakakainis ka naman eh."saad ko sabay pahid ng luha ko.
"Bati na tayo?Balik na tayo sa dati huh?Miss na miss na kita eh.Miss na miss na."sabi nya sabay yakap sa akin."Alam mo ba nung makita kita dito.....dahil sa aso mong tunaoon sa lap ko.Nagulat ako....hindi ko nga inaasahan na babalik ka.....akala ko kasi hindi na kita makikita eh."nakita kong naiyak din sya.
"Gusto kitang yakapin nung tme na yun.Tapos sasabihin ko na....AKL ko..."that endearment."...mahal kita.Sorry patawarin mo na ako miss na miss na kita.....kaso hindi pwede eh.""Nasaktan pa nga ako Ash ng maramdaman ko na parang wala lang ako sayo....naisip ko nga may iba ka na eh.Hindi ko ba alam sa isang taon na pagiyak ko araw araw.Hindi pa din namumugto ang mata ko.....hindi pa din nauubos ang luha ko...."
"Sya!Tama na ang drama!Umuwi ka na sa inyo!Alam kong hindi ka pa nagaalmusal!"sabi ko.
"Mamaya na!Matagal pa kitang hindi nayayakap eh!"reklamo nya.
"Bili na!Sige na!Mamaya may date tayo!Pramis!"agad naman syang napangiti at napatalon.
"Sige huh?!Sabi mo yan AKL ko!haha.Sige!Uuwi na ako!"sabi nya sabay takbo.Pero bago yon may sinabi ako.
"Hoy!Alien!Sorry din!Mahal pa din kita!Sige babye na!"at iniwan ko sya doong nakatulala.
************
Pagpasok ko ng bahay.Maganda ang aura ko.Nagtataka nga lang ako lahat sila nasa sala.Lahat din sila nakacrossarms sa akin.
"O?Anong kaartehan na naman yan?"pagmamataray ko.
"Nakakatampo ka kambal.Hindi ka nagkwekwento."
"Oo nga lil sis!Kung hindi pa ikinuwento ni Trish dyan kay AJ.Hindi ko din malalaman."
Wag mo sabihing....
"Asan si Jyety huh?Masasapak ko yun!"pabirong sabi ni AJ.
"Haha.Sayang ang pagmomoveon mo.Niligtas ka lang pala ng taong mahal mo!"kantyaw ni kuya.
"Tumigil nga kayo!Ayos na ako....kami ni Alien.Yan!May lablayp na ako!Hindi na ako bitter!"
"Wuhoo!Hindi na bitter si kambal!"
"This goes for a celebration!"
"Hoy!Anong cekebration kayo dyan?!Asaan si Trish?!Ang babaeng yun umayos lang ang buhay ko,dumadal ulit!Patay talaga sa akin yun."
Mayamaya kinuha naman ni AJ ang celphone nya.May dinadial.Sino namang dinadial nun?
"Hello Trish?.....wag ka pupunta dito.....dahil sa kakambal ko....nalaman kasi nya na sinabi mo sa amin ang nangyare.....ang daldal kasi ng kuya ko eh....sabi nya patay ka daw sa kan-"inagaw ko naman yung celpon kay AJ.
"Hoy!Ikaw babae ka!Pumunta ka dito ngayon din!Kung hindi,hinding hindi mo na makikitang buhay si AJ!Intindi?"sabi ko sabay end call.Binqlibg ko naman ang tingin ko kay AJ.
"At ikaw!Paghindi pumunta dito si Trish.Humanda ka sa akin!Babangasan kita!"sabi ko sabay akyat.Tinawanan lang sya ni Kuya.
Hayz!This is another start of my life......