Twitter: @itsWTG
IG: @officialwhosthatgirl
———————————Nang grumaduate si Sage ay nagka roon ng salu-salo sa kanila. Anak siya ng v-Gov. Talagang pinaghandaan. And not just that, kahit na halos cutting ang ginagawa ni Sage ay naging Valedictorian pa rin siya ng batch nila.
Malaki ang ngiti niya ng bumaling siya sa'kin. My mother is with me while as usual, nasa Manila si papa.
Mabilis siyang lumapit sa amin ni mama, "Tita! Yummy!" Aniya
"Congratulations, Calyx." Hinaplos pa ni mama ang pisngi niya
Napa kamot siya ng batok, "Thank you po."
"Oh siya, pupuntahan ko lang ang Mama mo." Tinignan siya ni mama bago lumipat sa'kin at bumalik sa kanya, "Maiwan ko na muna kayo." Saka siya tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.
Hinila naman ako ni Sage papunta sa garden saka yinakap ng mahigpit, "I thought you won't come."
Tumawa ako, "Pwede ba naman yun? I'd miss the world for this. Saka hello, andyan lang sa tapat ang bahay namin ha!"
Tumawa siyang muli at yinakap ako bago humilaway. Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob. He prepared food for me at sabay kaming kumain sa garden. Some of his batches and friends were also invited. May ilang taga City Hall din. They were greeting him constantly but he never leaves my side. Sa t'wing may tatawag sa kanya ay isinasama niya ako. Then we'll chat alone.
That day he asked my mom if we can stroll around the city. Niregaluhan kasi siya ni vice ng isang mustang na kulay dark blue. He wanted me to be his first passenger. Buti naman at pumayag si mama.
Gumala kami sa buong Regalla hanggang mapunta kami sa overview. Doon ay halos puno ang makikita sa daan at pag nasa pinaka tuktok ka na ay makikita mo naman ang buong Regalla. It was not yet civilized. Halos puno lang din ang makikita. Ang malaking orasan na tinatawag na Big Ben ay kitang kita mula dito.
Pagkatapos doon ay dumaretso kami sa Zion Falls at naligo doon. Nagdala siya ng ilang pagkain mula sa handaan kaya naman may makakain kami. The whole day was perfect. Ang dibdib ko ay napupuno ng galak at tuwa dahil sa mag hapon kaming magkasama.
Naramdaman ko ang malambot na telang yumakap sa balikat ko. I looked up and saw Sage smiling at me. Nginitian ko din siya bago siya naupo sa tabi ko.
"Okay ka lang? You're too quiet." Aniya
Bumuntong hininga ako, "I'm just thinking..."
"About?"
Nilingon ko siya. His legs straight. Ang dalawang braso niya ay naka tuon sa kanyang likod.
"Are you gonna spend your summer here? Or kailangan mo ng lumuwas?" Tanong ko
Ngumisi siya, "You're thinking about me?"
"Itatanong ko ba 'yon kung hindi?"
Tumawa siya, "So honest."
Tumaas ang kilay ko, "Do you want me to be dishonest, then?"
Umayos siya ng upo at inakbayan ako. Hindi siya nagsalita. Ang kanyang mata ay naka tuon sa talon. It was dark and yet shining. Bumaling ako sa talon at pinagmasdan ang ganda noon.
"I was just thinking... pag wala ka na, no one will dare to asked me out." Saad ko pagkatapos ng ilang sandali
"Ask you out? Pag wala na ako may balak kang magpaligaw sa iba?" Tanong niya
Kumunot ang noo ko, "Ha?"
Dumilim ang tingin niya, "Yuri Myenne, it's not because I wasn't here, you can go out on a date and let other guys court you. Ako lang ang pwedeng manligaw sayo." Tumahimik siya bago muling nag salita, "Damn it! I waited for years to court you tapos magaaral lang ako sa Manila may iba pang manliigaw sayo bukod sa'kin? No way!"
Lalong kumunot ang noo ko, "What? What are you saying, Sage? What I mean about asking me out is like this! Yung mamamasyal. Yung aayain ako lumabas ng bahay. What were you thinking?"
Yung pagkalukot ng mukha niya ay unti unting nawala kasabay ng pamumula ng leeg niya hanggang tenga. Even he's nose and cheeks are burning red na para bang nilalagnat siya.
Napa kamot siya ng batol at nag iwas ng tingin, "I thought... you mean... fuck."
Tumawa ako, "Seriously, Sage? Nanliligaw ka pala. I didn't know."
He hissed, "What you didn't know?"
"What?" Tumawa ako, "You didn't ask for my permission!"
Napa hugot siya ng malalim na hininga bago ako tinitigan, "Seriously?"
Tumango ako, "You just confessed that you like me then you gave me flowers every day. Hatid sundo mo ko na para bang hindi tayo magkapit bahay."
"Ano sa tingin ko ang dahilan kung bakit ko 'yon ginagawa?" Tanong niya
Nagkipit ako ng balikat, "I thought it was just a friendly gesture. Besides you always do that." Sagot ko
Umawang ang bibig niya na para bang hindi siya makapaniwala. Sinundot sundot ko ang tagiliran niya.
"Nanliligaw ka pala?" Tanong ko
He made a face, "Ewan ko sayo."
Tumawa ako, "No seriously, Sage? Nanliligaw ka?"
He pressed his lips together bago umiling. Ang pamumula niya ay hindi pa rin nawawala.
"Ayie. You're blushing!" Tumawa ako ng malakas
Bumuntong hininga siya, "I can't believe this." Tumayo siya at biglang tumalon sa tubig.
"Sage!" Natatawang tawag ko sa kanya.
Pinagmasdan ko ang anino niya sa ilalim ng tubig. The water is clear kaya naman kitang kita ang ilalim. Ilang sandali ay lumutang na siya right infront of my face.
Bago pa ako makapag react ay hinila na niya ako papalusong ng tubig. Hindi ako marunong lumangoy noon dahil hindi naman ako pinayagan matuto nila mama. But Sage patiently taught me whenever we go here kaya naman kahit papaano ay marunong ako.
Lumangoy ako papunta sa kabila at umangat. I scanned around pero wala akong nakitang Sage. I was about to check the water ng may humila sa'kin. I screamed bago ko naramdaman ang pag lamon sa'kin ng tubig. There I saw Sage grinning at me. Pabiro ko siyang tinulak bago ako umangat. I gasped for air until I felt a warm hand on my waist.
"Let's dive." Ani Sage
Umangat ang tingin ko sa talon, "I can't. I don't know how."
"I'll teach you." Hinila niya ako paangat.
Ang gilid ng lawa ay mabato bato pa kaya naman medyo nahirapan ako maglakad. Hindi ako sanay mag paa kaya naman hirap ako pag may mga matutulis na bato akong naapakan. Sage realizes that kaya naman pinasakay na niya ako sa likod niya.
Nang makarating kami sa gilid ng talon ay pinauna niya akong umakyat. Gumawa na siya doon ng maliit na hagdan kaya naman hindi na mahirap umakyat. Dati kasi ay puro bato lang ang aapakan at hahawakan. Delikado kaya naman hindi ko tinatry at ayaw din ni Sage. Ngayong may hagdan na na kawayan ay inaya na niya ako.
Nang makaakyat kami ay tinuruan na muna niya akong mag dive ng tama. Ilang beses niyang ginawa pero natakot ako kaya hindi ako kumikilos. Ilang beses na siyang nagpabalik balik pero nanatili ako 'doon sa taas at pinapanood lang siya.
"You try it." Aniya
Umiling agad ako. I'm afraid.
He chuckled, "I'll hold you. I promise."
Hinila niya ang kamay ko bago ako yinakap. Napa takip ako ng dalawang palad sa mukha ko habang naramdaman ko naman ang pag higpit ng yakap niya sa'kin hanggang sa pag talon niya kasama ako.
"I love you, Yuri Myenne!" He shouted
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...