No portrayers, please. I don't allow that.
---------
Naging maayos ang pagbalik ko sa pagtatrabaho. Mabilis na lang ang mga ginagawa ko dahil tinapos ko na ang iba noong nakaraan. Nakakasalubong ko si Sage, he'll smile at me or greet me at ganoon din ang ginagawa ko. I never saw his fiancee. Sabi ng mga kasamahan ko ay hindi din naman daw nila nakikita 'yon na dumalaw ni minsan dito sa office.
Sa bawat araw na nagdadaan ay tinutulungan naman ako ni Sage. Lalo na sa mga oras na nakakaalala ako. Alanis, Shecarra and Kier are always visiting me. Minsan, sa bahay pa sila nagdidinner para lang samahan ako. Minsan, nago-overnight pa si Alanis. Minsan naman ay kasama niya si Jonas o si Kier. Natatakot kasi silang mag-isa lang ako sa bahay lalo pa pag gabi.
Sage will always offer me to have lunch with him which I never rejected. He's my childhood friend at mukhang alam naman yung ng ibang ka-trabaho namin kaya ayos lang sa kanila pero maingat pa rin ako dahil sa mga matang mapanghusga na naka tingin sa amin.
I found out that Caius is really his step-brother from his father. He told me about what happened before which I remember the same night. Si Calliope naman at yung mother niya ay dito na din sa Regalla nakatira dahil na rin sa kagustuhan ni Caius. Lumaki siya kasama sila kaya gusto niyang nakikita pa rin sila na hindi naman tinutulan ni Sage.
"Ready?"
Umangat ang tingin ko at nakita ko ang malaking ngiti ni Sage sa akin habang nakadungaw.
"Don't tell me, busy na naman ang fiancee mo kaya ako ang inaaya mo?" Pabiro kong tanong habang sinesave at pinapatay ang mga browser sa computer ko.
Pagak siyang tumawa, "Nope."
Tumayo ako nang tuluyang mamatay ang computer saka kinuha ang bag ko, "What's your reason today?"
Tumaas ang kilay niya, "She knew about us having lunch together. She's fine with that."
Tumango dahil alam ko na naman iyon. Isinukbit ko ang bag ko sa balikat saka lumabas ng cubicle ko. Inilahad ni Sage ang kamay niya sa elevator kaya naglakad na ako pauna sa kanya.
"Where will we eat today?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang parking lot
"Bakit? Nagsasawa ka na ba sa usual place natin?" Tanong niya bago pinatunog ang Evoque na nasa harap na namin ngayon.
Umiling ako, "Hindi naman. Gusto ko lang makakita nang ibang tanawin dito sa Regalla."
Binuksan niya yung front seat para sa akin at agad naman akong pumasok doon. Mabilis siyang pumasok sa loob at pinaandar ang sasakyan.
"Okay then. Sa ibang lugar naman."
Kumain kami ni Sage sa isang diner sa Rockies kung saan may kita ang buong cliff at farm sa ilalim. Simple lang ang lugar at hindi gaanong matao kaya tahimik ang buong diner. May maririnig na konting usapan at kalansingan ng mga pinggan pero hindi gaanong masakit sa tenga ang mumunting ingay doon.
"Is this your first time here?"
Nilingon ko si Sage. Naka puting v-neck shirt siya. Ang coat na suot niya kanina ay hinubad niya sa loob ng sasakyan. Kitang kita ang malaking braso ni Sage sa suot niyang iyon pati na rin ang dibdib niyang malaki at mukhang matigas.
Pinilig ko ang ulo ko at inangat ang tingin sa kanyang mukha, "Yup. Wala din akong naalalang ganitong lugar noon."
Tumango siya. Ang isang kamay niya ay umangat sa kanyang labi at pinaglaruan ang ibabang bahagi noon.
"Wala pang masyadong atraksyon noon dito hindi gaya ngayon na marami ka nang pwedeng puntahan." Aniya
Nanatili ang titig ko sa labi niyang mamula mula at medyo basa. Ano kayang pakiramdam nang mahalikan nang mga labing iyon? Mabilis na uminit ang pisngi ko sa naiisip. Why do I suddenly asks questions like this?
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...