Kabanata 10

16.3K 366 5
                                    

Ang hangin na tumatama sa aking balat. Ang pakiramdam ng nasa ere habang tumatalon. Ang lagaslas ng tubig ng talon. At ang boses niyang umalingawngaw sa hangin at sa buong Zion.

Nilingon niya ako bago siya pumikit. Nanatili akong naka tingin sa kanya kahit na lumubog na kami sa tubig. Ramdam ko ang pag angat ng buhok ko sa tubig at ganoon din ang buhok niya. Ang init ng balat ng braso at kamay niya ay naka kakuryente sa aking beywang. He pulled me closer to him bago siya dumilat at pagtagpuin ang aming mga mata. I rested my hands on his bare chest. Alam kong matigas yon dahil nakikita ko naman pero ngayon ko lang nahawakan.

Seconds later we were both gasping for air. Ang isang braso niya ay nanatili sa aking beywang.

"A-ano?" Gulat na tanong ko ng makabawi ako.

Winawagayway ko ang aking paa sa tubig. Trying to float. Abot na niya ang mga bato sa ilalim samantalang ako ay halos wala pa ring makapa.

Yinakap niya akong muli at ini angat ng kaunti dahilan para mapa yakap ang braso ko sa kanyang leeg. Ang tubig sa kanya ay hanggang balikat at dahil naka angat ako ay hanggang ibabaw ng dibdib ko lang abot ang tubig.

"You heard me." Sagot niya

Kumunot ang noo ko. Love? Mahal niya ako? Hindi ko maintindihan. Ang sabi niya ay gusto niya ako. Ilang buwan lang ang naka lipas ay mahal na niya ako? Ano bang ibig sabihin ng mahal? Ganoon din ba ang naramdaman niya sa mga naging girlfriend niya?

"Look, Yummy. Matagal na kitang mahal. I just..." pinasadahan niya ang kanyang buhok

"What do you mean?" Tanong kong muli, "I... don't get it."

Hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko, "Ano bang ibig sabihin ng I love you?"

Ang kanyang mata ay titig na titig sa akin. Its intensely deep like digging a hole in my soul. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi na manipis at mamula mula at naka awang.

"M-mahal mo ko?" Tanong ko

"Oo. Mahal kita."

Umangat ulit ang tingin ko sa kanyang mata pero naka tuon na 'yon sa aking labi.

"Like... how you love adventures?"

Tumawa siya. Uminit ang pisngi ko kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Sage Calyx!" Singhal ko

He chuckled and shook his head, "No, Yummy."

"You love me?" Tanong kong muli.

"Yes. I love you."

"Like your girlfriends?"

Kumunot ang noo niya bago marahang tumawa, "Sarap mong i-beast mode."

Kumunot ang noo ko at hinampas siya sa balikat, "Pinaglalaruan mo na ko!"

Umiling siya at patuloy na tumawa, "I love you, Yuri. Like real."

Uminit ang pisngi ko kasabay ng paglipad ng mga paru-paro sa tyan ko. His eyes say it's real and he's sincere. Kumalabog ang dibdib ko. Ano ba to?

I know this is just infatuation. I like him, alright. I like how his hair naturally styled. How he dressed. I'm attracted but I can't say I'm in love. I don't even know the difference between love and infatuation. And how I know?

Sa Manila na tumutuloy si Sage habang nag aaral. May bahay daw na inihanda ang parents niya para sa kanya 'doon. Wala akong balita sa kanya dahil wala naman akong cell phone. Wala din naman akong social media accounts para mag usap kaming dalawa. We connecting on skype and yet busy naman ako palagi. Graduating na ako at nag rereview na ako para sa college exam ko.

Balak ko nga sanang mag try sa Manila pero ayaw ni mama. Ayaw niyang humilaway ako sa kanya kaya wala akong ibang choice kundi ang mag aral sa Regalla City Colleges.

Ang una hanggang tatlong buwan na malayo kay Sage ay mahirap. Minsan nakikita ko na lang ang sarili kong naka dungaw sa bintana at inaantay siya hanggang maaalala ko na lang na wala nga pala siya.

Hindi naman siya pumapalya sa pagpapadala sa akin ng bulaklak araw araw. Palaging puting rosas 'yon. Kung sino at paano yun nakakarating sa bintana ng kwarto ko ay wala akong alam. Kabado lang ako dahil hindi pa ako pwedeng mag entertain ng lalaki. Agree naman ako 'doon dahil pakiramdam ko ay sakit lang iyon sa ulo. Katulad ni Shecarra at Alanis. Sa isang taon ay naka ilang boyfriend na ata ang dalawang 'yon.

Nang grumaduate ako ay dumating si Sage. Umuwi siya para lang maka dalo. I am the Summa Cum Laude. Akala ko nga hindi ako dahil medyo nahirapan ako nitong last. Dumating din si papa sa party ko. He gave me a car for a reward. Though, hindi sila nagpansinan ni mama the whole party. Mama gave me a cell phone for communication daw.

Naka pasa ako sa RCC. I took up Tourism Management dahil yun ang gusto ni mama. Pero kung ako ang papapiliin, I would like to take up Criminology. Pero hindi pwede. Patty took up Hospitality Management. Si Shecarra naman ay Business Ad at si Alanis ay katulad ng sa akin.

My first month is really adjusting. Buti na lang at andoon ang iba kong HS classmates kaya nakayanan ko naman. Kier and Patty are always with me. Naging sila after namin gtumaduate ni Patty.

Sage and I are still in contact. Lalo pa't may phone na ako. He'll text me every day asking how was day, kamusta college at kung anu ano pa. Minsan nakakalimutan ko ng mag reply dahil sa dami kong ginagawa. Bukod doon, napapansin ko na ang problema between my parents. Pag luluwas si papa ng Manila ay umiiyak si mama. Nag aaway pa sila minsan. Pero pag nasa bahay naman si papa ay hindi naman sila naguusap. They barely talk.

One time, ginabi ako sa school dahil may gumawa pa kami ng groupmates ko ng report, it was already past nine PM nang maka uwi ako.

There, I found my mother, crying and drinking herself to death. She kept on saying na may kabit si papa. Hindi ko alam kung saan nang galing yon but when I confronted my father, he denied it. Aniya, masyado siyang maraming ginagawa sa Manila at may rape case pa siyang hawak. Nag dududa daw si mama dahil bihira na siya makauwi.

I brushed it off me. I tried telling that to Sage pero busy siya. Ang alam ko ay nag varsity siya ng basketball sa unibersidad niya kaya ganoon. Sa t'wing makakapag usap naman kami pag hindi siya busy ay hindi ko nagagawang sabihin sa kanya. I can see on his face how tired is was. Hindi ko na tuloy nasasabi.

Second-year college na ako ng makita ko ang tunay na problema. Kinukutuban na din akong may kabit si papa. Minsan naiisip ko na baka may ibang pamilya na siya at ayaw na niya sa amin ni mama. I can't blame my father if he does, alam ko kasi kung gaano ka nagger si mama that sometimes its really annoying. Pero hindi ko matatanggap kung may roon man.

"Sumabay ka na sa akin, Yuri." Ani Tyrone

Group mate ko siya at tinapos namin ang project na kailangan na sa susunod na araw. Kaya late na ako naka uwi.

Umiling ako, "Hindi na. Nag pasundo naman ako sa driver namin."

"Sure ka?" Tanong niya

Tyrone is a good friend of mine. Naging ex niya si Alanis. Ang sabi ni Alanis ay kaya sila nag hiwalay dahil gusto daw ako ni Tyrone. Alanis knew me kaya hinayaan niya though, hindi naman daw siya nasaktan. We have a sister code. Kaya ang ex ng isa ay hindi dapat maging boyfriend ng isa pa.

Tumango ako, "Oo. Malapit na din yun." Tumingin ako sa orasan ko. Its almost 7PM.

Tumango din siya bago nag paalam. Sumakay siya sa kotse habang ako naman ay nag antay sa labas ng gate.

"Yummy!"

Nanigas ako sa boses ng tumawag. I didn't need to see who it was dahil kilalang kilala ko naman ang boses na 'yon.

Umangat ang tingin ko sa kanya, "You're home."

Yinakap niya ako, "I missed you."

Yumakap din ako, "Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa umuwi?"

"Kanina lang. Sinusundo kita. Dumaan ako sa inyo. Sabi ni tita ay matatagalan ka daw umuwi kaya nag prisenta na akong sunduin ka." Aniya

Tumawa ako, "Is that part of your ligaw too?"

Nag kipit siya ng balikat bago tumawa. Ngumiti ako at hindi napigilan ang sarili kong yakapin siyang muli ng mas mahigpit. I miss him.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon