Kabanata 5

16.9K 385 11
                                    

#ForgottenPromise
——————————

"I said, no, Yuri Myenne!" Sigaw ni mama

"Bakit ba hindi mo hayaan ang bata? Lahat ng ka edad niya ay pupunta 'doon. Pupunta din si Calyx." Ani papa

Napatingin si mama kay papa, "At ano, Albert? Mapapariwala ang anak mo!"

"Julianna! Ano ba naman yang pinagsasasabi mo?" Galit na singhal ni papa

"Sa ganyan nag uumpisa ang pagkakamali!" Sigaw ni mama

"Julianna could you please stop it? Matanda na si Yuri. She knows what is right from wrong." Ani papa

"Hindi. My decision is final, Yuri Myenne. Hindi ka pupunta 'doon. You stay here and practice your ballet dance or piano! Mas mabuti 'yon kesa ang sumama ka sa mga ganyan!" Singhal ni mama

"Pupunta siya sa ayaw at sa gusto mo, Julianna. Ano bang pinag hihisterikal mo? Walang masamang mangyayari. I'll make sure of that kung 'yon lamang ang iyong iniisip!" Singhal na din ni papa

Padabog na binitawan ni mama ang kubyertos sa lamesa dahilan para umingay ang plato.

"I know what is right and wrong for Yuri! 'Wag mo kong pangunahan sa anak ko!" Singhal ni mama

Binagsak din ni papa ang kubyertos niya, "Anak ko din siya, Julianna! At may karapatan din ako sa kanya!"

Napatayo si mama, "Really, Albert?"

Napatayo na din si papa, "What is your problem? Ano bang kinagagalit mo? Pasasamahin mo lang si Yuri sa prom niya. Natural na gawain 'yon! 'Wag mong ikinukulong ang anak mo! She deserved the world!"

"No!" Sigaw ni mama

Napapikit ako ng mariin. Bago kami kumain ng hapunan ay naririnig ko na ang pagtatalo nila mama at papa. Tumigil lang sila ng makita nila ako.

Nagpatuloy lang ng magpaalam ako tungkol sa prom. Si papa ay um-oo sa akin pero ayaw ni mama. Sa paulit ulit na pag ayaw ni mama ay nagalit na din si papa. Hindi ako tanga paea hindi ko malaman na may iba pa silang pinag aawayan.

Napa dilat ako ng makarinig ng isang malakas na sampal. Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag singhap ko. Naka hawak si papa sa braso ni mama habang ang kanyang pisngi ay namumula at bakat pa ang sampal ni mama.

Napa iling si mama bago marahas na tinanggal ang braso sa pagkakahawak ni papa saka umalis ng kusina.

Nanginig ang labi ko sa pangyayari. May iba pa. May iba pang dahilan ng pag aaway nila. More than this. More. Worst.

Nanatili akong naka titig sa kisame habang iniisip ang mga pangyayari. Narinig ko pa ang pag aaway nila mama bago ako pumasok ng kwarto. May pinagtatalunan sila at galit na galit si mama.

"Yummy?" Sumungay ang ulo ni papa mula sa pintuan.

Naupo ako sa kama, "Yes pa? Pasok po."

Huminga siya ng malalim bago pumasok. Isinara niya yung pintuan pagkatapos ay naupo sa tabi ko sa kama.

"Pag pasensyahan mo na ang mama mo." Saad ni papa

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naiintindihan ko si mama. Alam ko na nagaalala lang siya sa akin at sa mga posibilidad na pwedeng mangyari. Gusto lang niya akong ligtas. Pero nasasakal na ako. Sobra na akong nasasakal sa kanyang ginagawa

"Your mother loved you so much, Yuri Myenne. She just want whats the best for you." Hinawakan ni papa ang kamay ko at marahang pinisil 'yon.

"Naiintindihan ko po, pa." Buntong hininga ko.

Tumango siya bago hinalikan ang noo ko, "Ipinag paalam ka sa akin ni Calyx kahapon. Pero hindi pumayag ang mama mo kaya naman ng magpaalam ka sa akin kaninang umaga ay pinayagan kita dahil alam kong si Calyx ang kasama mo."

Hindi ako kumibo.

"Gusto mo bang pumunta?" Tanong niya

Kinagat ko ang ibabang labi ko, "Pero ayaw po ni mama."

"Ikaw ang tinatanong ko, Yummy. Gusto mo ba o hindi?" Tanong niyang muli

"Gusto po." Sagot ko

Tumango si papa at ngumiti sa akin, "I'll talk to your mother. She'll agree."

Hindi na ako nagsalita hanggang sa mag paalam na si papa na matutulog na. Nanatili akong tahimik at walang imik habang nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o ang ide-desisyon. Gusto ko pero ayaw ni mama.

Natatakot akong gumawa ng desisyon na ikasisira naming mag ina. My mothers intentions is always for my good. Mother knows best ika nga. Pero paano kung saliwat naman 'yon sa kagustuhan mo? Would you choose to be the good girl and let go of what you want? Hindi ko alam. Hindi ko kayang mag desisyon ngayon dahil nahahati ang puso ko. This is between my mother and what I want.

Ganoon ang nasa isip ko hanggang kinabukasan. Talak ng talak si Patty pero hindi ko siya magawang sabayan. Ilang beses niya akong tinanong kung anong problema pero hindi ko masabi sa kanya ang nangyari.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag aaral at sa pag gawa ng mga projects at kung anu ano pa. Ganoon nagdaan ang mga araw ko. Si Patty ay naguguluhan at nagaalala na sa ikinikilos ko pero hindi ko masabi sa kanya ang problema dahil maski ako ay walang alam.

What I know is somethings happening with my family. Araw at linggo ang nagdaan na hindi ko naririnig na hindi nagaaway sila mama. Kung ano ang dahilan ay yun ang gusto kong malaman.

Itinago ko ang gown na ibinigay ni Sage sa akin. Ni hindi ko pa nakikita ang itsura noon. Hindi ko naman binalak na tignan dahil baka pag nakita ko ay mas lalo ko lang gugustuhing pumunta.

Ang royal blue na gown ay nanatili sa kanyang lugar. Ang sabi ni mama ay may sasalihan daw akong contest sa susunod na buwan at yang gown na yan ang susuotin ko sa coronation.

Nang sumapit ang sabado ay inabala ko ang sarili sa pag tugtog ng piano. Tahimik ang buong kabahayan at ang tanging maririnig ay ang pag tugtog ko. Wala si mama at papa. Ang sabi ng mga katulong ay umalis daw para sa kampanya ni papa.

I played Tempest Sonata and Flight of the Bumblebee. It was the two hardest piece I have been practicing kaya naman kahit walang sheets ay kaya ko nang tugtugin. I love playing piano. Siguro dahil sa naka ugalian ko na pero ang piano at ang pag ba-ballet ang naging libangan ko pag gusto kong makawala sa mga iniisip ko.

Nang mag sawa sa pag papiano ay nagpalit na ako para makapag sayaw ng ballet. I put my hair in a neatly bun saka ko pinasadahan ang sarili ko sa salamin. Itim na tube hanggang tutu ay itim pati na rin ang stockings ay kulay itim. May maliliit na bato sa tutu dahilan para kumintab 'yon. Itinali ko ng pa cross hanggang ilalim ng tuhod ang aking sapatos.

Dumaretso ako sa maliit na theatre ng aming bahay kung saan ako palaging nag papractice ng sayaw. I turned the stereo on at saka nag concentrate sa pag sasayaw.

Ipinikit ko ang aking mga mata at saka umikot ng umikot kasabay ng mabagal at nakakadalang tunog. Inulit ko yon bago sabay na itinaas ang aking dalawang kamay sa ere. Ilang ulit na routine bago ko hinayaang magsayaw ang aking sariling mga paa.

Huminga ako ng malalim bago umikot ng apat na beses. Muli ay aking ginawa ang parehas na galaw bago ako nawalan ng balanse at bumagsak sa sahig ng maliit na entablado.

Ayoko na. I want to get out from here. Iyon ang nasa isip ko hanggang magtubig ang aking mga mata at hayaan iyong ilabas. Mabigat ang aking pakiramdam sa lahat ng nangyayari at wala akong magawa na kahit na ano 'doon.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon