"Siya ba ang Kuya mo?"
Tanong ko kay Caius habang nakatitig sa picture frame na nasa ibabaw ng isang lamesang gawa sa kahoy.
"Half brother."
Napalingon ako sa sinabi niya at napakunot ang noo.
"Half brother?" Takang tanong ko
Tumango siya at humalukipkip ngunit hindi na sumagot sa tanong ko. Ilang segundo ko siyang tinignan at nanahimik lamang siya. Bumalik ang tingin ko sa picture frame. Mag kamukhang magkamukha sila ni Calyx, paanong step brother?
"Here's our meryenda!" Sigaw ni Calli na galing sa kusina.
Nilingon ko sila. Agad na sinalubong ni Caius si Calli at kinuha ang dala nitong tray na may lamang pagkain. Nginitian ako ni Calli at hinila papaupo sa sofa.
"Wait." Ani Caius at umalis na muna
Binigyan ako ni Calli ng isang platitong may laman na isang slice ng cake na siya mismo ang nag bake.
"Thank you," At agad ko yung tinikman
ganoon din ang ginawa ni Calli bago ngumiti nang pagkatamis tamis na para bang nagtagumpay siya sa isang bagay.
"Masarap ba ate?" Magiliw na tanong niya
Tumango ako at ngumiti, "Oo naman. Saan ka natutong mag bake?"
Pumula ang kanyang pisngi sa sagot ko bago ngumiti muli, "Caius taught me how."
"Talaga? Marunong pala siyang mag bake?"
Tumango siya, "Opo, kung alam mo lang ate, marunong din si Caius sa gawaing bahay lalo na sa kitchen. Ang galing niyang magluto."
Ngumiti ako at tumango saka sumubo muli bago titigan si Calli na kumakain ng cake niya.
"Yung kuya niya, si Calyx, bakit sabi niya, step brother lang daw sila?" Tanong ko
Nanatili ang kutsara sa bibig ni Calli nang tumingin sa akin. Isang beses siyang sumubo ng cake bago ako lingunin muli.
"Half brother lang sila ni Kuya Calyx. Anak sa labas si Caius ni Gov."
Kumunot ang noo ko. I want to know, more. Para bang may sagot doon sa malalaman kong mga sagot sa pagkabuhol buhol ng mga tanong sa isipan ko. I need to refresh my mind for all the new informations.
"Nasa hospital si Gov noon nang magpakilala si Caius bilang anak niya. That time, alam na ni kuya Calyx ang tungkol sa kanya. Bata pa lang si Caius noong namatay ang mother niya. Nang mamatay ang mother niya ay sa amin na tumira si Caius kahit na nagsusustento naman sa kanya si madame. Nasa 8 years old si Caius noon nang dumating si kuya Calyx sa bahay. Right there and then, siya na ang nag alaga kay Caius..."
Yumuko si Calli habang nilalaro ang kutsara.
"... They kept Caius as a darkest secret dahil tumatakbong Governor noon ang papa nila. Walang nakakaalam kay Caius kundi ang family ko. Pero hindi naman tinuring ni madame na iba si Caius. Kung tutuusin, mas siya pa ang nagalaga kay Caius kesa kay Gov. She kept her as her own son. Halos sa amin na tumira si madame noon para lang alagaan si Caius. Ganoon din si kuya Calyx..."
Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita.
"...Hanggang sa namatay si Gov at madame, hindi nakilala si Caius bilang isang Samañiego. Junior highschool na kami noong ipakilala ni kuya Calyx si Caius sa lahat. 'Yon lang ang natatandaan ko. Hindi ko alam kung bakit imbes si Gov ang mag alaga kay Caius ay si madame pa mismo. Ang bulung bulungan noon, anak si Caius ni madame sa ibang lalaki, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon."
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...