Akala ko ay babalik na sa dati ang lahat pero nagkamali lang ako. Akala ko lang pala ang lahat.
Nang dalhin niya ako sa clinic ay hanggang doon na lang pala yon. Bumalik kami sa dating hindi nagpapansinan at parang hindi magkakilala. Masakit sa dibdib at para akong sinasakal. Ganoon ata talaga kung may isang damdamin kang hindi masabi sabi.
Ilang beses kong binalak. Ilang beses kong pinagisipan. Ilang beses kong pinaghandaan. But I'm always chickening out. Unti unti nasasanay na ako sa pasulyap sulyap sa kanya. Sa pagsuporta sa pag babasketball niya ng patago. Sa lahat ng bagay.
"Hi."
Mula sa bintana ay nilingon ko ang babaeng bumati sa akin. Maputi siya at maganda. Ang kanyang straight na straight na buhok na kulay itim ay bagay na bagay sa kanya.
"Hello." Tipid kong ngiti
"Ako nga pala si Patricia Honasan. Patty for short. Ikaw?" Ngiting tanong niya
"I'm Yuri Elizondo. You can call me Yummy." Sagot ko
"Yummy. Ang delicious mo naman." Tumawa siya, "Friends?"
Tumango ako, "Sure."
"Ay. Ang tipid. Best friends na lang."
Ngumiti ulit ako, "Sige." Sagot ko
Tumango siya, "Pansin ko kasi kanina na tulala ka habang nagsasalita ako sa unahan. Okay ka lang?"
Kinagat ko yung ibabang labi ko. Nakatingin kasi ako kila Sage na nasa labas ngayon habang nagba basketball kasama ang mga bagong kabarkada niya. Wala na kasi si Third at balita ko ay nasa Manila.
"Oo naman." Sagot ko
Inilabas niya yung notebook niya. Isang beses siyang bumaling sa unahan bago ngumuso.
"Math unang subject? Kainis naman. Hindi pa naman ako marunong dyan." Kumamot pa siya ng batok
Hindi ako nagsalita. Isang beses kong nilingon sila Sage. Umiinom siya ng tubig habang nag ha high five sila ng barkada niya at may babaeng nagpupunas ng likod niya.
"Huy Yummy." Kalabit ni Patty sa akin
Nilingon ko siya, "Ha?"
"Kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi ka pala nakikinig." Tumawa siya
"Sorry. Anong sabi mo?" Tanong ko
Umiling siya, "Wala. Masyado kang pre-occupied. Sino ba tinitignan mo?"
Akmang dudungaw siya ng bintana kaya pinigilan ko siya, "Hindi, wala, Patty. May iniisip lang ako. Ang hirap kasi 'nong Math kaya iniisip ko kung paano iso-solve."
Tumango siya, "Ay tama ka dyan, twin."
Kumunot ang noo ko, "Twin?" Tanong ko
Tumango siya at ngumiti, "Oo. Parehas naman tayo ng beauty kaya twin tawag ko sayo. Twin din ang itawag mo sa akin ha?"
Tipid akong ngumiti, "Sige, t-twin."
"Miss Honasan and Miss Elizondo! Kanina pa ako nagsasalita dito sa unahan pero hindi kayo nakikinig! Get out of my class now!" Sigaw ng teacher namin sa unahan
Gusto kong umapila pero wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Patty palabas.
Pinaluhod kami ni Patty sa labas ng room habang nakataas ang dalawang kamay. Tahimik lang ako habang si Patty naman ay tawa ng tawa.
Magaan siya kasama at very positive kaya naman nakakadala ang ugali niya. She laughs alot at ma kwento. 'Yon ang ugali niya kaya naman naging makalapit kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
Fiction généraleALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...