Kabanata 4

19.1K 495 17
                                    

Read. Comment. Vote
———————————

Pulang pula ang mukha ni Patty habang tili siya ng tili sa kakiligan. May kasama pang hampas sa braso ko at pagtulak tulak sa akin.

Sa mahigit na isang taong pagsasama namin ni Patty ay sanay na ako sa kanya. Ilang crush na ba ang inistalk niya at pag may pumansin sa kanya ay kikiligin na lang siya. Sanay na ako sa libreng hampas sa aking braso.

"Oh tapos? Anong sinagot mo?" Nangingisay na sabi niya

"Wala. Anong sasabihin ko? Saka wala namang tanong 'don at wala siya 'don. I told you it was just an invitation and a letter." Sagot ko

"With a rose!" Aniya sabay ngisi

Umiling na lang ako. Naikwento ko sa kanya ang nangyari sa bahay kaninang umaga. Ang pag aya ni Sage sa akin at ang pag payag ni papa sa prom ko.

"Kaya siguro sila nasa inyo kagabi! Siguro ay ipinagpaalam ka niya!" Kinikilig na sabi ni Patty

"Wag ka ngang maingay, Patricia. Baka may makarinig sayo." Suway ko

"Sus! Wala akong paki sa kanila, Yuri! Pakialam ko sa kanila hindi ko sila ikinaganda. Yung pakikialam nila sa usapan natin ay hindi din nila ikinaganda!" Mas lumakas pang boses niya

Natawa na lang ako at napailing sa kanya. Kung ako ay duwag, si Patty ay hindi. Matapang siya at walang inuurungan.

"Pero alam mo, twin. Nakakatawa lang yang si Calyx ha. Papansinin ka once in a blue moon. Nakakainis pero pag pinansin ka naman... ay naku! Makalaglag panty sa kilig!" Pumadyak padyak pa siya.

Tumawa ako at hinila ang buhok niya, "Ang ingay mo talaga!"

Tumawa siya bago ako yinakap, "Sabi sayo, twin eh. May prinsipe para sa isang prinsesang katulad mo."

Umirap ako bago kinalas ang pagkakayakap niya sa akin, "Walang fairytale, twin. Hindi totoo yun."

"Totoo! Maniwala ka lang sa goodness ni Lord!" Tumawa pa siya

Napailing muli ako, "Pati si Lord dinadamay mo sa kalokahan mo. Walang fairytale. Tignan mo nga si Prince Charming. May Snow White na may Cinderella pa dinagdagan pa ni Sleeping Beauty. Oo nga't ililigtas ka nila o papakasalan pero hindi mawawala ang katotohanan na nang babae siya. Pinagsabay niya si Snow White at Cinderella at Sleeping Beauty!"

Umirap siya, "Ang bitter mo naman. Ngayon ako naniniwalang masaklap ang childhood mo. Pati fairytale ng Disney ay siniraan mo. Malay mo noong unang panahon ay puro Prince Charming ang pangalan ng mga prinsipe."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Nang mag ring ay sabay kaming pumunta ni Patty sa locker room ng girls para samahan siya magpalit ng pang P.E. Talak ng talak si Patty habang nag bubukas kami ng locker. Matagal ko nang hindi nabubuksan itong akin dahil wala naman akong inilalagay. Ang PE ko naman ay nasa bahay. Pero dahil madami akong dala ngayon at umalis ang sasakyan pagkatapos akong ihatid ay no choice ako kundi ang ilagay ang lahat ng 'to sa locker.

"So, ibig sabihin ay may inihanda na agad na gown mo si tita? O baka naman si Calyx ang naghanda 'noon para sayo?" Tanong ni Patty

Nilingon ko nang marinig ang pag click ng lock, "Hindi ko alam. Siguro." Sagot ko

Pagbukas ko ng locker ay napaigtad ako ng madaming nahulog na sulat at mga lantang roses.

"OMG!" Tili ni Patty bago ako dinaluhan at tinignan din ang laman ng locker ko

Halos mapuno na ng sulat ang locker ko at ng mga lantang rosas. Kumunot ang noo ko. May naglalagay ng rosas at sulat sa locker ko?

"To Yummy... September... February... July..."

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon