Kabanata 41

13.6K 271 8
                                    

Tapos na po itong story talaga. Nasa Dreame po ang buo kung gusto niyo mabasa agad. Binalik ko lang dito para mabasa niyo din for free.

----------------

Inaya ako ni Kylie sa party ni Gia Montefero. Isang Filipina schoolmate na naging kaibigan na din namin dahil sa palaging paghihila sa akin ni Kylie noon sa mga party. Gia is Josiah's ex-girlfriend. Dahil doon ay naging close na din kaming dalawa.

Dati ay laging magkasama si Gia at Josiah kaya naman palagi silang nasa bahay nang mga oras na yon. I was so busy and they keep me company kahit na minsan ay wala naman silang ginawa kundi ang manood ng recital ko ng ballet. They were all my good friends who supported me in every way.

Ipinakilala sa akin ni Gia si Jeff Anderson. Isang half filipino, half american. Jeff is a model kung saan nag papart-time din si Gia noon. Jeff became a good friend. Sinasamahan niya ako sa lahat ng trabaho ko at minsan ay pinagpapart time niya din ako sa pag momodel. Lalo na kung walang model na available. Sa pag gaganoon ko ay nakakaipon ako kahit paano para sa gastusin sa ospital.

My family is in crisis. Isinangla na nila ang flower farm at ang mansyon. Ang ibang ari-arian ay ipinagbenta na din para lang sa gastusin. Nakikita ko kung paano naghihirap si kuya nang mga panahon na yon at ayokong maging pabigat sa kanya dahil nagaaral pa rin ako. Kaya kahit sa maliit na paraan ay nagtatrabaho ako para makatulong.

Gia helps me with my studies, siya ang natatakbuhan ko sa t'wing kailangan ko nang magbayad. It wasn't easy. Kasabay pa noon ay parating pagdadala din namin kay mama sa ospital. Aminado ako na sa mga panahon na yon ay hindi ko na nagagampanang mabuti ang role ko bilang isang girlfriend. Sage needed me but my family needed me most.

Palagi ang pagkukulit niya sa akin na pupunta siya at palagi din naman ang pagtanggi ko sa kanya but then, I'm still waiting for him to come. Na baka isang araw makulitan lang siya sa pag tanggi ko pero dadating din siya.

"Nakuha ko na yung sweldo ko!" Masayang bungad ko kay Jeff na naka upo sa isang sofa

Umangat ang tingin niya sa akin at matamis akong nginitian, "That's good. Dapat nga ibinigay na nila nang mas maaga yan sayo."

Naupo ako sa tabi niya at binuksan ang sobre para bilangin ang kinita ko. Naramdaman ko ang kamay ni Jeff na umikot sa likod ko. Aware ako sa ginagawa ni Jeff para sa akin. He's taking good care of me. He's sweet and all. Nagpaparamdam siya pero agad ko ring sinasabi sa kanya na may boyfriend ako.

He knew about Sage. Nakita na niya ito sa picture at sa video. Minsan pag mag kausap kami ni Sage sa Skype ay andoon siya at naririnig niya ang paguusap naming dalawa. He's aware how much I'm in love with Sage. Kaya alam ko na kahit anong paramdaman ang gawin niya sa akin ay nirerespeto pa rin niya ang relasyon ko kay Sage.

"Kung ako sayo, hihiwalayan ko na 'yong boyfriend mo sa Pilipinas at sasagutin ko na si Jeff." Ani Kylie

Sinamaan ko siya nang tingin, "Bakit naman?"

Inubos niya ang tubig sa baso bago ako sinagot, "Jeff is capable to understand your situation. Andyan siya sa tabi mo while your long distance boyfriend is there just waiting for you. Ni wala man lang gawin para sayo. Para lang matulungan ka."

Inilingan ko siya, "I love Sage."

"But is love enough?" Tanong niya

"Alam mo Kylie, it's my choice why Sage doesn't know anything about what's happening to me here. Desisyon ko iyon. I don't want him to worry. Isa pa, love won't still be enough just because he's capable and available. Kahit malayo si Sage at wala siyang alam sa mga nangyayari, mahal ko pa rin siya. Love is not a matter of distance and understandings. It's more than that."

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon