Kabanata 38

13K 286 9
                                    

Ang hangin na tumatama sa aking balat. Ang pakiramdam ng nasa ere habang tumatalon. Ang lagaslas ng tubig ng talon. At ang boses niyang umalingawngaw sa hangin at sa buong Zion.

Nilingon niya ako bago siya pumikit. Nanatili akong naka tingin sa kanya kahit na lumubog na kami sa tubig. Ramdam ko ang pag angat ng buhok ko sa tubig at ganoon din ang buhok niya. Ang init ng balat ng braso at kamay niya ay naka kakuryente sa aking beywang. He pulled me closer to him bago siya dumilat at pagtagpuin ang aming mga mata. I rested my hands on his bare chest. Alam kong matigas yon dahil nakikita ko naman pero ngayon ko lang nahawakan.

Seconds later we were both gasping for air. Ang isang braso niya ay nanatili sa aking beywang.

"A-ano?" Gulat na tanong ko ng makabawi ako.

Winawagayway ko ang aking paa sa tubig. Trying to float. Abot na niya ang mga bato sa ilalim samantalang ako ay halos wala pa ring makapa.

Yinakap niya akong muli at ini angat ng kaunti dahilan para mapa yakap ang braso ko sa kanyang leeg. Ang tubig sa kanya ay hanggang balikat at dahil naka angat ako ay hanggang ibabaw ng dibdib ko lang abot ang tubig.

"You heard me." Sagot niya

Kumunot ang noo ko. Love? Mahal niya ako? Hindi ko maintindihan. Ang sabi niya ay gusto niya ako. Ilang buwan lang ang naka lipas ay mahal na niya ako? Ano bang ibig sabihin ng mahal? Ganoon din ba ang naramdaman niya sa mga naging girlfriend niya?

"Look, Yummy. Matagal na kitang mahal. I just..." pinasadahan niya ang kanyang buhok

"What do you mean?" Tanong kong muli, "I... don't get it."

Hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko, "Ano bang ibig sabihin ng I love you?"

Ang kanyang mata ay titig na titig sa akin. Its intensely deep like digging a hole in my soul. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi na manipis at mamula mula at naka awang.

"M-mahal mo ko?" Tanong ko

"Oo. Mahal kita."

The familiar scent of the alcohol and the hospital woke me up. Ang puting kisame ang bumungad sa akin. Agad kong nilingon ang kamay ko at may IV nang andoon.

It was all like a dream. A reality that becomes a dream. The hatred, the disgust, and the pain awakens inside me. Hindi ko alam kung tama pa bang inalam ko ang lahat. Kung tama bang naalala ko ang lahat ng yon. I should've let it go. Hindi na dapat.

But I was like a lost child. Walang alam. Nangangapa sa dilim. Sana nga hindi na lang bumalik. Sana nga wala na lang akong naalala para sana... Sana... Hindi ganito kasakit. Hindi ganito kasakit ang mga pangyayari. Hindi ganito.

Ipinikit ko ang mata ko para patigilin ang luhang nagbabadya ngunit nang pumikit ako ay mas lalo lang iyon nagtuluan mula sa aking mga mata.

I started to sob quietly. I feel like my heart's being ripped into two. It's too much. It hurts. The cage that should protect my heart from hurt became the knife that keeps on thrusting pain in it.

I stayed in the hospital for one week. Hindi ako nagpapasok ng kahit sinong bisita. Alanis and Shecarra cried para lang makadalaw sila but I declined. Ayoko na munang makakita ng kahit na sino.

The picture inside my head kept on replaying and replaying. Sobrang sakit. I can't even breathe. I'm drowning in pain. I'm gasping for air. And I'm so tired. I'm so tired of the pain.

He said he loves me but why did he hurt me?

Nanatili ako sa Maynila. I don't want to go back to Regalla. Masakit ang lugar na 'yon sa akin. Masakit ang mga ala-ala ko doon. Kuya Yance and his wife take good care of me. Sila ang kasama ko at sa kanila ako nakatira.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon