Kabanata 19

12.6K 293 10
                                    

"Hindi po ako sasama."

Pagbasag ko sa katahimikan. I can't just leave Sage for some petty reasons. Pwede naman ako dito. May bahay kami dito sa Regalla at may mga ari arian. If my parents wants to have second chance and settle in America, why can't I just settle myself here too? Besides, andito naman si Kuya. If they won't let me live alone then kay Kuya ako.

I will give you all my cards. Huwag lang akong umalis ng bansa. Huwag ko lang iwanan si Sage dito. Ngayon pa na alam kong may pinagdadaanan siya. No. I can't just leave him like that.

"What?" Asik ni mama

Yumuko ako, "Hindi po ako sasama sa Amerika. I'll stay here."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Yuri Myenne? At bakit hindi ka sasama? Lahat kami ay nasa Amerika tapos magpapaiwan ka dito? Are you kidding me, Yuri?" Ani mama

Tinitigan ko ang pagkain na nasa harapan ko, "Pero di ba po babalik naman sila kuya dito after manganak ni ate? Saka ma--"

"No. Sasama ka sa amin sa ayaw at sa gusto mo."

"Pero ma, mas okay nang dito ko na lang tapusin sa Pilipinas ang pagaaral ko kesa sa ibang bansa. Mas tatagal pa."

Nagulat ako ng padabog na tumayo si mama. Nahulog ang mga kubyertos sa lapag at matalim ang tingin niya sa akin.

"My decisions are final! Sasama ka sa amin ng papa mo sa ibang bansa!" Sigaw niya

"Palagi na lang pong gusto niyo. Paano naman po ang gusto ko? Yung pag punta sa ibang bansa na plano niyo, tinanong niyo po ba ako kung gusto ko? Opo. Gusto ko magkaayos kayo ni papa. Pero hindi po sa ganitong paraan."

Nangilid ang luha sa mga mata ni mama. It makes me feel guilty immediately. Napatayo agad ako.

"I'm sorry, ma. I didn't to--"

"Tell me. Is this because of Sage? Dahil ba sa kanya kaya ayaw mong sumama sa amin ng papa mo?" She asked

Napayuko ako. Seeing my mother so emotional makes me sick! Hindi ko kaya ang makita siyang ganito. And it's my fault.

"You think we are all going to America for the sake of our marriage? No, Yuri. Kaya namin maging okay nang papa mo rito. We can fix our marriage here pero bakit nga ba kami aalis? You didn't think about that, don't you?" Humikbi si mama.

Napapikit ako at napakagat labi sa simpleng hikbi na kumawala sa kanyang labi.

"Your father... He is--"

"Julianna!" Umalingawngaw ang boses ni Papa.

Sabay kaming napalingon ni Mama sa kanya. Naka white button shirt na lang si Papa at slacks. Pagod ang mukha niya. Siguro'y dahil inayos ang ilang naiwang trabaho bago tuluyang iwanan iyon.

Humikbi si Mama. Mabilis siyang dinaluhan ni Papa at pinatahan. Kunut noo ko silang tinitigan. Papa's whispering words to Mama habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Naguguluhan ako kasabay noon ang mabilis na pintig ng puso ko at ang pangamba. Ano yun?

"Magpahinga ka na Yuri Myenne. Bukas na lang tayo maguusap." Mababang boses at maawtoridad na sabi ni Papa.

Pinasadahan ko ulit sila ng tingin. Mom can't even look at me. Dahan dahan ang pagtango ko kahit na gusto kong tumutol at magtanong.

Ilang beses kong kinagatkagat ang ibabang parte ng aking labi bago tumalikod at umalis para umakyat sa kwarto.

Nahiga ako sa kama habang ang aking paa ay nasa sahig pa. I can't help but to doubt and get confused. Ano iyon? Anong gustong sabihin ni Mama sa akin kanina bago pa dumating si Papa? May nangyayari bang hindi ko alam?

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon