Hindi ko alam kung saan ako unang titingin nang ibaba kami ng helicopter sa Calagnaan. From there, sumakay pa kami ng bangka para makapunta sa Hamilo Coast pagkatapos ay may sumundo sa aming Hiace van papunta sa Pico de Loro.
Sa 4-star hotel kami nag check-in. Dahil halos madaling araw na kami dumating at pagod na, hindi na namin nakayanan pang bumaba para kumain. Nagpa order na lang kami sa room service at sa kwarto na din kumain.
Sage slept on the floor with mattresses and pillows while I slept on the king size bed alone. Okay lang naman sa akin na magtabi kaming dalawa dahil malaki naman para sa isa ang kama and for sure, hindi kami magkakadikit na dalawa. Pero nang lumabas ako ng banyo pagkatapos mag linis ng katawan ay naka higa na si Sage sa lapag at tulog na.
Right, kahit na magkasama kami at magkaibigan kami noon, hindi magandang tignan na magtatabi kami sa kama kung may fiancee naman siyang iba.
Nagising akong wala na si Sage. Maayos na na nakatiklop ang pinaghigaan niya sa sofa. Late na ako nagising kaya malamang ay nasa labas na nga iyon at siguro'y may kameeting na. Mabilis ang kilos ko dahil gusto kong libutin ang buong isla. Nagsuot lang ako nang puting ripped shorts at off shoulder lace. Sa ilalim ay puting bikini, if ever na maisipan kong maligo sa dagat.
Sumakay ako ng free ride mula sa hotel hanggang sa sea side kung nasaan ang buffet para sa mga guest. Kahit na hindi pa naguumpisa ang bakasyon ay may iilang mga bakasyonista na ang nakikita ko. Usually, mga foreigners. Inilibot ko ang tingin sa buong lugar bago bumagsak ang mata ko sa isang lalaking papalapit sa akin. He's wearing a faded pants and a simple white v-neck shirt.
Nang makalapit siya sa akin ay inilibot niya ang paningin sa paligid bago muling tumuon sa akin, "Kakagising mo lang?"
Tumango ako sa tanong niya, "Magbi-break fast pa lang ako. Kumain ka na?"
Ngumuso siya, "I was waiting for you." Lumingon muli siya bago may tinanguan na kung sino sa likod ko.
Hinawakan niya ang braso ko, "Let's go there." At iginaya ako sa isang table na na reserved na para sa amin.
Siya na din ang tumayo para kumuha nang pagkain naming dalawa. I insisted na sasama ako para ako na mismo ang makapili pero ayaw niyang pumila pa ako dahil sa dami nang naka pila ngayon na ibang bakasyonista din.
"Pupunta ako sa site para tignan ang lugar nang pagtatayuan nang hotel. You wanna come with me or--"
"Sasama ako sayo." Putol sa sinabi niya
I don't want to go anywhere without him. Malaki at malawak ang buong Coast at nakaka enganyo talaga ang maglibot at maligo sa dagat gaya nang unang plano ko kaninang magising ako pero nang makita ko siya ay nagbago na ang plano ko. Nakakahiya naman kasing iwanan siya. He invited me here at alam kong hindi bakasyon ang gagawin namin dito kundi ang trabaho niya.
Tumango siya bago sumimsim nang juice niya. Bumagsak ang mata ko sa pinggan kong paubos na din ang laman.
"You sure? You can go and stroll around if you want."
Umiling ako bilang sagot. Hindi na siya nagtanong pa kaya hindi na ako nagsalita na din. Nang matapos kaming kumain ay sumakay kami sa isang golf cart pabalik sa hotel dahil gusto niya daw maligo muna. Nanatili ako sa living room at naghahanap nang magandang channel nang lumabas siya nang common bathroom.
Umangat ang tingin ko sa kanya. Ang puting tuwalya ay naka pulupot sa kanyang bewang habang abala naman siya sa pagpupunas nang isa pang tuwalya sa kanyang buhok. His biceps and triceps flexed as he keep on drying his hair. Bahagya siyang nakayuko dahilan para mas madepina ang bawat biyak nang kanyang abs sa tyan. Tumutulo pa ang kaunting tubig sa kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...