Kabanata 6

16.6K 425 18
                                    

Read. Comment. Vote.
Bawal dito nagmamagaling. \m/
———————————

Ang baso pag nilagyan ng tubig napupuno. Ang basurahan pag tinapunan napupuno. Ang bag pag nilagyan ng gamit napupuno. Ang notebook pag sinulatan ng sinulatan ay napupuno. Lahat ng bagay sa mundo ay napupuno. Maski tao. Napupuno din.

Huminga ako ng malalim at muling umiling kay Patty bilang sagot sa tanong niya. Bumagsak ang kanyang balikat at ngumuso.

"Sayang naman, twin. First time ko pa naman 'tong prom prom na 'to tapos wala ka. Sino na lang kasama ko?" Pagmamaktol niya

"Pasensya ka na, twin. Hindi kasi talaga pumayag si mama." Sagot ko

"Pumayag naman si tito. Pwede na 'yon." Aniya

Inilingan ko lang siya. Bumuntong hininga siya bago nilingon ang black board at nag umpisa nang mag sulat. Ganoon din ang ginawa ko. Hindi madaling ipaglaban ang gusto ko lalo na't ang kalaban ko ay sarili kong magulang.

"Balita ko, niyaya ka daw ni Kier bilang prom date niya?" Tanong ko

"That's because I am your best friend. Kasi inimbitahan ka ni Calyx, mao OP lang ako kaya wala siyang choice kundi ako ang ayain." May pagtatampo sa boses ni Patty

"Hindi naman siguro. Kilala ko naman si Kier at mukha naman na seryoso siya sa pagiimbita sayo."

Umiling siya, "Anong alam mo? Wala kang alam sa paligid mo, Yuri. Wala."

Natahimik ako sa sinabi niya. She's right. Kahit na sobrang kilala ko ang isang tao, wala pa rin akong alam.

"Sorry, Yuri. I got it. You're a very perfect girl na hindi kayang sumuway sa magulang. I get it, alright. Pero... hindi mo maalis sa akin ang pag kainis." Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita

"You're not young anymore. You can make your own decisions by yourself. Hindi masama ang ipaglaban ang isang bagay na gusto mo. Hindi habang buhay kasama mo ang parents mo, Yummy. Dadating ang oras na ikaw na lang mag isa. Kung sa simpleng paghahayag lang ng kagustuhan mong makadalo sa prom ay hindi mo kaya, paano pa ang ibang bagay, Yummy?"

Oo nga't gusto ko nang humindi sa lahat ng sinasabi niya at sa lahat ng plano niya sa akin. Matanda na ako at dapat na akong gumagawa ng sarili kong desisyon. Alam ko na ang tama at mali. Inosente ako pero hindi ako tanga. My instincts and my thoughts. But they are my parents. Sa ayaw at sa gusto ko ay dapat ko silang sinusunod.

Hindi ako sumagot. Napayuko na lang ako hanggang tumunog ang bell. Umangat ang tingin ko kay Patty. Ilang sandali siyang nakipagtitigan sa akin bago umiling at tumayo.

"Hindi ko 'to sinasabi para suwayin mo ang magulang mo. I'm saying this to help you learn how to voice out what you want." Aniya bago pumihit at umalis ng class room at iwan ako doong mag isa.

Naka upo si Sage sa hamba ng bintana ko habang ako ay naka tayo lang. Im facing his back.

"Yummy." Aniya

Humarap siya sa akin, "Please, Yummy. Alam kong hindi ka sumusuway sa magulan mo pero ngayon lang. Ngayon lang pag bigyan mo naman ako." His eyes were pleading.

Bumuntong hininga ako at hindi sumagot. Ilang beses kong kinagat kagat ang aking labi.

"Gusto mo ba, Yummy?" Tanong ni Sage sa akin

"Ayaw ni mama." Sagot ko

"Ikaw ang tinatanong ko. Gusto mo ba?" Mariing tanong niyang ulit.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Sage sa magkabilang balikat ko.

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon