Kylie kept on bugging me the whole day about going home and so many other things. Ilang beses niya akong pinilit na umuwi kasama niya but I just can't accept her offer. May nagtutulak sa aking bumalik but my other half says no na para bang may masamang mangyayari sa akin.
"Kylie's right, Yuri. Come home." Ani Kuya.
Nakatutok ang kanyang atensyon sa pagbabasa sa kung anong papel ang nasa harapan niya at pinipirmahan iyon habang kausap ako sa Skype.
Ngumuso ako at pinagmasdan siya. Hindi ko na gaanong maalala ang batang itsura ni kuya. Dahil sa aksidenteng nangyari sa akin noon, wala akong ibang maalala. Kung walang picture ang magulang ko ay hindi ko matatandaan ang kanilang mukha.
"Hi, Yuri! Sabi ni Kylie, uuwi ka na daw?" Ani Ate Tanya
Ngumuso ako lalo. I guess, I can't say no, now. Naglapag si ate Tanya ng tasa ng kape sa gilid ni kuya. Nilingon siya ni kuya at kinuha ang kamay niya saka hinalikan iyon.
"Titignan ko pa ate."
Wala akong maalalang dahilan kung bakit ako naaksidente noon. I just woke up one day from a three-month comatose. Ang sabi ni kuya ay nabangga daw ako ng sasakyan at malakas ang impact kaya naging ganoon ang resulta.
The first two months of recovering is very hard. Ang daming tanong a parang wala akong tiwala sa kahit na sino. Walang kahit na anong ala-ala. Hindi ako nagtagal sa Maynila pagkagising ko, inilipad ako ni kuya sa Amerika para doon mas gumaling. My relatives helped too! Lahat ng tanong ko ay sila ang sumasagot.
"Yuri Myenne Montenegro Elizondo." Saad ko at isinulat 'yon sa papel na nasa harapan ko.
Isa sa mga bagay na sinabi ng doktor sa akin para mabilis ang pagkaalala ko sa mga bagay bagay ay ang isulat ang lahat nang nangyari sa akin sa isang buong araw. Madami na din akong naisulat kasama na doon ang mga ala alang tila panaginip lamang.
Balik trabaho ako kinabukasan. Sa isang bangko ako nagtatrabaho at mataas na din ang posisyon ko dahil matagal na akong nagtatrabaho doon. Dumaretso agad ako sa pantry para magtimpla ng kape saka bumalik sa table ko.
"Yuri! Meeting daw sabi ni sir!"
Tawag ni Arielle. Isang Filipino din na kasama ko sa trabaho. Tinanguan ko siya at inilapag ang gamit ko sa desk bago sumunod sa kanya. Pumasok kami sa meeting hall at andoon na ang iba naming kasamahan na mga may lahi din. May ilang pure na amerikana at nay ilan namang katulad namin na iba ang lahi.
Naupo ako sa bandang gilid, sa tabi ni Arielle.
"Bakit nagpatawag ng meeting?" Bulong ko
"Hindi ko alam, friend. Basta biglang nagpa-urgent meeting." Aniya sa mahinang boses.
Sabay kaming napaigtad nang pumasok ang head manager namin. Dumaretso siya sa gitna at lahat kami ay nakatingin lang sa kanya. Ilang sandali lang ay bumukas muli ang pintuan at pumasok ang tatlong lalaki. Ang unang dalawang lalaki ay halatang nasa middle age na. Dumaretso ang tingin ko sa huling lalaking pumasok. Wala sa sariling napataas ang kilay ko sa kanya.
Presko siyang naglakad papasok habang tinutupi ang sleeves ng kanyang white button down shirt hanggang siko. Tumango siya sa head manager namin at ngumisi. Medyo magulo ang may kahabaan niyang buhok.
Ipinakilala ng head manager namin ang dalawang matandang lalaki na hindi ko masyadong naintindihan dahil nakatuon ang atensyon ko sa preskong lalaki na ngayon ay nakikipag ngitian sa isang HR namin na si Tiffany.
"And this is Mr. Sky Isaac Jimenez. He is the son of the owner. He'll be the acting CEO while Mr. Jimenez is still recovering."
Ngumisi si Mr. Jimenez. Malalim at mapupungay ang kanyang mata. May kahabaan din ang kanyang pilik mata. Matangos ang ilong at ang kanyang labi ay manipis at mapula. May katangkaran siya. Kung ako ay naglalaro ang tangkad ko sa 5'5 at 5'6, siya naman ay talagang 6 footer. May kalakihan ang kanyang katawan na halata naman sa kanyang suot.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...