This is the last chapter. May wakas pa. Thank you for reading and waiting for my slow updates. See you on the next series!
------------------------
Nagiinit ang mukha ko sa kahihiyan na nararamdaman. Gusto ko na lang magka amnesia na lang ulit para makawala sa kahihiyang ito o 'di kaya lamunin na lang nang lupa ngayon para hindi ko na kailangan pang makita o makasama si Sage.
But... I can't even stand not to be with him!
Hinila ako ni Sage papunta sa kanyang sasakyan. Hinila ko pabalik ang kamay ko at itinuro ang sasakyan kong naka parking.
"Andoon ang sasakyan ko, Sage."
Hindi niya ako sinagot at muli akong hinila. Nang umilaw ang sasakyan niya ay mabilis niya akong pinagbuksan nang pintuan. Walang lingon lingon akong pumasok sa loob nang sasakyan pero ramdam ko ang malumanay niyang tingin sa akin. Isinara niya ang pintuan at saka umikot sa driver's seat.
Mabilis kong dinungaw ang cellphone ko at mabilis na nagtext sa pinsan ko at kay Kylie pagkatapos at pumikit na lang nang makapasok siya nang sasakyan niya, Medyo masakit ang ulo ko dahil sa nainom. Sumandal ako at nanatiling nakapikit. I just wish he won't start a conversation.
Tahimik lang din naman si Sage buong byahe namin and I guess it's a good sign. Nakaidlip na ako nang may maramdaman akong gumalaw nang buhok ko. Mabilis akong napalingon nang makita si Sage ilang inches ang mukha mula sa akin. Agad akong napalayo sa kanya.
Tumikhim siya, "Inilalagay ko lang ang seatbelt mo."
Tumango lang ako sa kanya bago siya mabilis na umayos sa pag dadrive. Hindi na ako naka idlip pagkatapos noon. Mabuti na lang at hindi gaano ang traffic. Aangal sana ako nang makitang lumiko ang kanyang sasakyan sa kanyang condo pero hindi ko magawa. Pagkababa na lang ako magtataxi pauwi kay kuya. Ipapakuha ko na lang din kay Josiah ang kotse ko.
Pagkapark ni Sage sa basement ay mabilis akong lumabas ng sasakyan at walang lingon na lalabas na sana ng basement nang hawakan niya ang braso ko.
"Where do you think you are going?" Galit na tanong niya
"Uuwi na ako." Matapang kong sagot
Umiling siya at hinila ako, "We are going to talk, Yuri Myenne."
Umirap ako at naunang naglakad at iniwanan siya doon saka pumasok ng elevator. Kung pwede lang sana kainin na talaga ako ng lupa ngayon. Pero mabilis din ang kilos ni Sage at naiharang niya ang braso niya sa papasarang lift at naka pasok din. Sumabay siya sa akin.
Humalukipkip ako at hinarap siya. Ngumunguso siya at umangat ang tingin sa lift bago ako tinitigan.
"Why were you there in the first place?" Let's get this over!
Nagkibit balikat ka, "I followed you."
"So what? And I didn't even ask you to follow me!"
Humarap siya sa akin, "Kahit na hindi mo sabihin na sundan kita, susunod ako sayo. Kahit saan, Yummy. Kahit sa dulo nang mundo susunod ako sayo."
Pagak akong natawa, "Why? Because you are guilty that you made me look like a fool waiting for you the whole night?"
"I was just worried about you."
"Hindi ko kailangan 'non! I am not a child anymore! At bakit ba sunud ka ng sunod sa akin? Lumalayo na nga ako sayo para mapuntahan mo na si Amanda! I'm giving you your chance!" Sigaw ko
Anger appeared on his face the moment I mentioned Amanda's name. Halos manginig ang tuhod ko dahil sa mata niyang galit sa akin ngayon. His jaw clenched. Umawang ang bibig ko para sana magsalita ngunit naunahan iyon nang pagbukas nang lift.
BINABASA MO ANG
The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)
General FictionALSO AVAILABLE IN DREAME Yuri Myenne Elizondo or Yummy has everything she wants. She's beautiful, smart and talented and a good daughter and a sister that every parent's and siblings wish to have. But she's also a girl with suppressed dreams. Taliwa...