Kabanata 27

13.1K 304 44
                                    

Habang meryenda ay marami akong nalaman tungkol kay Caius at Calli. Akala ko magkapatid sila or even twins pero hindi pala. They were best friends.

Calli, on my observation, she's an outgoing girl. Walang kinatatakutan, while Caius is a shy one. Laging takot.

They were both already sixteen years old. Caius Dominic is a Samaniego and Salvia Calliope is a de Marco. Both are from well-known, rich political families. Kaya pala nang malaman kong Samaniego si Caius, ay naging familiar siya sa akin. His face is also familiar to me na nag trigger sa sakit ng ulo ko.

The day after, they both toured me around the city. Pinuntahan namin ang mga tourists spot na popular na din sa lungsod. Nilibot muna namin ang flower plantation na pagmamay ari ng pamilya ko. Si Kuya ang namamahala at patuloy na nagpapasweldo sa mga tauhan doon kaya naman nanatili ang ganda noon.

Pumunta kaming Bluroze Farm, Casa Escudero, at kung saan saan pang farm. Ang lungsod ay puro farm lang dahil hindi naman ganoon kadami ang lugar dito. Ngunit ang bawat isa ay talagang maganda at maipagmamalaki din. Ang huli naming pinuntahan ay ang Zion Falls.

It is well established fall kung saan may mga cottages na sa gilid. May kataasan ang falls na iyon ngunit kaya naman mag dive. May mga naliligo doon nang dumating kami. Ilang kabataan ang andoon.

"Bakit hanggang ngayon ay free entrance pa rin dito, Caius?" Tanong ni Calli

Naupo ako sa isang bato at nakinig sa usapan nila. May kaingayan ang grupo ng kabataan sa kabilang banda ng falls pati na rin ang lagaslas ng tubig mula sa talon.

"I don't know. Why not ask Kuya Calyx, instead." Sagot ni Caius

Umirap si Calli, "Duh. Hindi kami close."

"Sa kanya nga isinunod yung pangalan mo tapos hindi kayo close? Magkamukha na nga kayong dalawa." Tumawa pa si Caius

"Ewan ko sayo Caius Dominic!" Saad ni Calli sabay talon sa tubig.

Napa iling na lang si Caius at kumuha ng tuwalya sa bag na dala nila at inantay si Calli. Tumayo ako at tumabi sa kanya.

"Sa inyo pala ito?" Tanong ko

Tumango si Caius at nag iwas ng tingin sa akin. "Kuya bought this when I was just six. From then, inayos na niya ito at naging tourist spot na."

Tumango ako. Gaya ng kwento ni Calli kanina ay hindi nga daw ganito ang itsura nito noon. I wonder what this looks like. This Zion. Mariin akong napa pikit nang agarang sumakit ang ulo ko. Zion? What's with the name Zion?

Napahawak ako kay Caius at naramdaman ko din ang mahigpit na hawak niya sa akin.

"Ate, you're pale. Okay ka lang?" His voice was worried.

Tumango ako, "Can we sit?"

Tumango siya at inalalayan akong umupo sa malaking payong na may batong mga upuan sa paligid. Nang maiupo ako ay tinawag naman na niya si Calli.

Napahawak ako sa ulo ko. Why do I have to remember this place anyway? Oo nga't dito ako pinanganak at lumaki. Probably, half of my life is here, pero kung palagi naman sasakit ang ulo ko gaya ng palaging nangyayari noon sa akin sa ibang bansa, bakit pa? Sabi naman ng doktor ko ay kusa naman babalik ang ala-ala ko.

"Ate, okay ka lang? Ano nangyari?" Hinaplos ni Calli ang balikat ko

Nilingon ko siya, "Okay lang. Sumakit lang ang ulo ko."

Nag ka tinginan ang dalawa bago sumang ayon na lang. Pinagpalit na ni Caius si Calli saka kami umuwi na para makapag pahinga na ako.

Nagising ako ng bandang gabi na. Nanatili ako sa kama habang naka titig sa kisame. Ano bang dapat kong maalala sa Regalla? Anong meron sa Zion Falls? Why did they trigger my headache too much? Does it worth it?

The Bachelor Series 1: Forgotten Promise (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon